Masakit na ngipin ng bata? Ito ay karaniwan lalo na sa Pilipinas kung saan halos 80% ng bata ay nakararanas ng dental infection. Ang kalusugan ng ngipin ay isang mahalaga, ngunit madalas na hindi napapansin na aspeto ng pangkalahatang kalusugan. Mas nanaisin ng mga bata na kumain ng kanilang mga paboritong matamis na meryenda kaysa mag-toothbrush pagkatapos kumain. Ngunit ang mga panganib na dulot ng hindi pagsisipilyo ng ngipin ay higit pa sa sakit sa gilagid at masamang hininga. Maaari itong makaapekto sa panlipunan at sikolohikal na kapakanan. Ang mga bata ang pinaka-vulnerable sa mga problemang dala ng mahinang kalusugan ng ngipin dahil ang mga kahihinatnan nito ay maaaring lumaki hanggang sa pagtanda.
Sintomas ng dental problems
Maaaring iba-iba ang mararamdaman ng bawat bata kapag may problema sa ngipin. Ngunit ang mga pinaka karaniwang sintomas ng sakit ng ngipin ay ay sumusunod:
- Patuloy na sakit sa ngipin
- Sakit na lumalala kapag hinawakan ang ngipin
- Mas lalong sumasakit ang ngipin sa mainit o malamig na pagkain o likido
- Isang masakit at malambot na panga sa paligid ng ngipin
- Lagnat
- Karaniwang pagod at masama ang pakiramdam
Madaling matukoy ng dentista ang sakit ng ngipin pagkatapos ng kumpletong health history at pagsusuri. Maaaring magrekomenda ng X-ray ang dentista. Kukunan nito ng mga larawan ang mga panloob na tisyu, buto at ngipin. Maaari ding suriin ng dentista ang mga cavity gamit ang isang aparato na tinatawag na transilluminator. Hindi ito gumagamit ng radiation.
Dahilan ng masakit na ngipin ng bata
Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaproblema sa ngipin ang iyong anak tulad ng sumusunod:
- Bulok ng ngipin
Ito ang pinaka karaniwang dahilan kung ang pananakit ay nagpapatuloy ng higit sa isang araw. Maaaring makita ang dilaw-kayumangging depekto sa enamel. Ang pinaka karaniwang lugar ay ang ibabaw ng isa sa mga molar.
Kung ang sakit ay matindi at tumitibok, ang pagkabulok ay maaaring abscess ng ngipin. Nangangahulugan iyon na may nabubuong nana sa loob ng ugat ng ngipin. Ang pagtapik sa ngipin ay nagdudulot ng pagtindi ng sakit. Kung hindi ginamot, ang abscess ay maa-absorb sa pamamagitan ng buto. Makakakita ng parang pigsa sa gums kung ganoon.