backup og meta

Nahihirapan Ba ang Iyong Anak sa Math? Alamin Kung Ano ang Dyscalculia Dito

Nahihirapan Ba ang Iyong Anak sa Math? Alamin Kung Ano ang Dyscalculia Dito

Sa panahon ngayon, napakabilis ng mga bata na mg-adapt at matuto ng iba’t ibang bagay. Ngunit paano kung ang iyong anak ay nahihirapang matuto at maunawaan ang mga numero? Maaaring ito kaya ay isang learning disorder? Ibinabahagi ng artikulong ito kung ano ang dyscalculia at paano mo ito makikita sa mga bata. 

Pag-unawa Kung Ano ang Dyscalculia

Ang dyscalculia ay tumutukoy sa isang partikular na learning disorder na kinasasangkutan ng matematika. Maaaring makaranas ang mga bata ng matinding kahirapan sa pag-unawa ng mga numero at kung paano gamitin ang mga ito sa mga konsepto ng matematika.

Sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders Fifth Edition (DSM-V), tinutukoy ang dyscalculia bilang partikular na learning disability na may math impairment. Ayon sa isang pag-aaral noong 2019, nakaaapekto ito sa 3-7% ng lahat ng mga bata, kabataan, at maging sa mga matatanda. Ang kanilang matindi at patuloy na kahirapan sa mga arithmetic calculations ay nagdudulot ng mga makabuluhang epekto sa academic performance, trabaho, at maging sa pang-araw-araw na buhay. Bukod dito, lumilikha ito ng panganib ng mga comorbid mental disorders.

Para sa mga magulang na nagtatanong kung ano ang dyscalculia at paano ito nakaapekto sa pag-aaral ng kanilang anak, ang mga bata ay maaaring maging mahusay sa iba pang mga paksa tulad ng Ingles. Ngunit, ang pag-aaral ng Math ay mahirap, palaisipan, at pabigat para sa mga may dyscalculia.

Lahat Ba ng Nahihirapan sa Math ay Mayroon Nito?

Mahalagang tandaan na hindi lahat ng kahirapan sa matematika ay dahil sa dyscalculia. Ang iba pang mga neurodevelopmental disorder, tulad ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), dyslexia, visual, at auditory processing, ay maaari ring makaimpluwensya sa kakayahan ng isang bata na makumpleto ang mga problema sa matematika. Mayroon ding ibang mga bata na may dyscalculia na dumaranas ng iba pang mga kakayahan sa pag-aaral.

Ano ang Dyscalculia At mga Sanhi Nito?

Sa kabila ng pagkakaroon ng parehong saklaw sa dyslexia, ang dyscalculia ay isang hindi gaano pang pinagaaralang kondisyon. Sa paghahambing, higit ng 14 beses na pinag-aaralan ang dyslexia. Bilang resulta, ang eksaktong mga sanhi ng dyscalculia ay hindi pa rin natutukoy at nag-iiba sa bawat tao. Gayunpaman, may ilang posibleng dahilan.

Genetics

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang isang batang may dyscalculia ay madalas na may kapatid o magulang na may katulad na mga isyu sa matematika. Ang ilang mga gene ay maaaring mag-udyok sa mga indibidwal na magkaroon ng dyscalculia.

Ang mga may dyscalculia ay kadalasang may mga sumusunod na genetic disorder:

  • Turner’s syndrome
  • Fragile X syndrome
  • Velocardiofacial syndrome 
  • Williams syndrome 

Brain Development

Ang nakaraang pananaliksik ay gumamit ng cutting-edge brain imaging technology upang makumpara ang mga utak ng mga mayroon at walang dyscalculia. Natuklasan ng mga naturang pag-aaral ang mga pagkakaiba sa mga sumusunod na aspeto:

  • Gray matter
  • Surface area
  • Thickness (kakapalan)
  • Volume ng brain regions na nauugnay sa pag-aaral, memorya, at cognitive abilities

Bukod dito, ang alcohol exposure habang nasa loob ng sinapupunan, premature birth, at maging ang mababang timbang ng panganganak ay maaaring magresulta sa pagkaantala ng pag-unlad ng utak.

Dagdag pa, iminumungkahi ng pananaliksik na ang pinsala sa utak sa mga partikular na bahagi ay maaaring magresulta sa isang kondisyon na kilala bilang acquired dyscalculia.

Paano Ito Makikita sa mga Bata?

Ang mga indibidwal na may dyscalculia ay maaaring mahirapan sa matematika sa iba’t ibang paraan. Maaaring magkakaiba ang mga senyales sa bawat tao at maaari silang magkaroon ng iba’t ibang katangian sa iba’t ibang edad.

Mayroon ding ilan na maaaring makaranas ng mga paghihirap sa number sense kasing aga ng preschool. Samantala, ang mga paghihirap ng iba ay maaaring maging kapansin-pansin habang ang edukasyon sa matematika ay nagiging mas kumplikado.

  • Kahirapan sa pagkilala ng mga numero.
  • Pagkaantala sa pag-aaral kung paano magbilang.
  • Kahirapan sa pagkonekta ng mga numerical symbols (3) sa kanilang katumbas na salita (tatlo).
  • Kahirapan sa pagtukoy ng mga pattern at pag-aayos ng mga bagay.
  • Nawawala habang nagbibilang.
  • Nangangailangan ng mga visual aid (i.e., mga daliri) upang makatulong sa pagbilang.

At habang ang matematika ay nagiging isang mas mahalagang bahagi ng edukasyon, ang mga batang may dyscalculia ay mas malamang na magkaroon ng:

  • Malaking kahirapan sa pag-aaral ng mga pangunahing math functions (i.e., addition, subtraction, time tables).
  • Kawalan ng kakayahang maunawaan ang mga konseptong pinagbabatayan ng mga word problems at iba pang hindi numerical math calculations.
  • Problema sa pagtantya ng tagal upang matapos ang isang gawain.
  • Kahirapan sa mga takdang aralin at pagsusulit sa matematika.
  • Kahirapan sa mga visual-spatial conceots (i.e., mga graphs at charts)

Higit pa rito, ang mga kahihinatnan ng dyscalculia ay hindi nagtatapos kapag natapos ang mga klase sa matematika. Sa labas ng paaralan, ang karamdaman ay maaaring magkaroon ng malaking epekto. Ang mga batang may dyscalculia ay maaari ring mahirapan sa mga sumusunod na aspeto:

  • Pag-alala sa mga numero (i.e., zip codes, phone numbers, game scores).
  • Mga bagay tungkol sa pera (i.e., pagbibigay ng sukli at tip, pagbibilang ng mga bills, pati na rin ang paghahati nito).
  • Pagtatantya ng mga distansya at ang oras na kakailanganin upang maglakbay mula sa isang lugar patungo sa isa.
  • Pag-alala ng mga direksyon.
  • Pagbabasa ng mga orasan at pagsasabi ng oras.
  • Paglalaro ng mga laro na nangangailangan ng konsistent na pagsubaybay sa marka, mga diskarte sa numero, o pagbibilang lamang.

Key Takeaways

Ano ang dyscalculia? Ito ay isang neurodevelopmental disorder na may kinalaman sa kapansanan sa pag-aaral ng matematika. Maaaring nahihirapan ang mga bata sa matematika sa iba’t ibang antas, gaya ng pag-alam kung ano ang mas malaki sa mas maliit, pati na rin ang mga pangunahing problema at mas abstract na mga konsepto.
Ipasuri ang iyong anak kung nag-aalala ka tungkol sa posibilidad ng kondisyong ito. At palaging ipagpatuloy ang pagbibigay ng gabay at tulong na kailangan nila upang matuto ng mga bagong bagay.

Alamin ang iba pa tungkol sa School-Age na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Dyscalculia, https://mgiep.unesco.org/article/about-dyscalculia, Accessed March 9, 2022

How to Spot Dyscalculia, https://childmind.org/article/how-to-spot-dyscalculia/, Accessed March 9, 2022

What is dyscalculia?, https://www.understood.org/articles/en/what-is-dyscalculia, Accessed March 9, 2022

What Is Dyscalculia?, https://dsf.net.au/learning-difficulties/dyscalculia/what-is-dyscalculia, Accessed March 9, 2022

The Diagnosis and Treatment of Dyscalculia – Stefan Haberstroh and Gerd Schulte-Körne, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6440373/, Accessed March 9, 2022

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dyspraxia, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano Ang Dysgraphia? Paano Ito Nakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Bata?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement