Isang taon na ang iyong baby ngayon! Mahalaga na alam mo ang lahat tungkol sa unang taon ng development ni baby upang ma-monitor mo ang paglaki ng iyong anak. Basahin ang artikulong ito upang matuto pa tungkol sa development ng iyong baby sa yugtong ito ng kanyang paglaki.
Paano Lumalaki Ang Iyong Baby
Ang unang bagay na dapat mong malaman ay ang developmental milestone ng 1 taong gulang na baby. Sa yugtong ito ang iyong anak ay magde-develop mula sa sanggol na kailangan ng ganap na gabay papuntang mas independent na tao.
Kung ang pag-uusapan ay ang development ng isang taong sanggol, ang iyong baby ay nasa triple na ang timbang mula noong siya ay ipinanganak. Sa yugtong ito, inaasahan din sa iyong baby na lumaki nang 50%, na nasa 9 na pulgada hanggang 11 pulgada na laki. Isang mahalagang paglaki! Ang utak ng iyong sanggol ay inaasahan din na nasa 60% ng laki ng isang utak ng matanda sa yugtong ito.
Sa madaling salita, ang unang taon ng development ni baby ay ang yugto ng kahanga-hangang paglaki. Matapos ang yugtong ito, ang paglaki ng iyong anak ay babagal. Ito ay sa kadahilanan na ang kanilang aktibidad ay magsisimulang dumami.
Unang Taon Ng Developmental Milestones
Ano ang mga developmental milestone ng isang taong baby na maaaring nagagawa na ng iyong baby sa unang taon?
Motor Skills
Sa unang taon ng development ni baby, ang bulinggit mo ay dapat na nakatatayo na nang mag-isa na walang suporta. Posible rin na magawa niya na ang mga unang hakbang sa paglalakad na iyong kinasasabikan. Kailangan na ihanda mo ang iyong camera o smartphone dahil maaaring magawa nila ang mga unang paglalakad sa kahit na anong oras.
Maaari na ring makagawa ng ilang mga gawain ang iyong baby nang mag-isa. Makakakain na sila gamit ang sariling mga daliri halimbawa. Tutulong na rin sila kung sila ay dinadamitan o may kakayahan na ilipat ang pahina ng isang storybook nang kusa. Sa madaling salita, ang kanilang development sa motor skills ay mabilis.
Mapapansin mo rin na ang iyong baby ay nagsisimula nang makaintindi paano gumamit ng ibang mga bagay nang tama. Halimbawa, makahahawak na sila ng suklay, telepono, o kutsara sa tamang paraan. Maaaring hindi sila malay sa kabuuang gamit ng mga bagay na iyon ngunit nakukuha nila ang tamang ideya.
Komunikasyon Ng Baby
Ang komunikasyon ng iyong baby ay mabilis na lalawak sa unang taon ng yugto ng development. Ang kanilang bokabularyo ay mas lalago at regular mo nang maririnig ang pagsasabi ng “Mama.”
Sa yugtong ito, ang baby ay natuto gamit ang pagkopya ng pagsasalita. Gagayahin nila ang kanilang narinig galing sa iyo. Kaya’t magandang ideya na laging makipag-usap sa iyong baby hangga’t maaari upang mas marami pa silang matutuhang salita.
Susubukan nila ang mga bagong nalamang mga salita gamit ang abilidad sa pakikipagkomunikasyon. Gagamitin nila ang mga bagong salitang natutuhan nila upang kumuha ng atensyon ng ibang tao. Maaari na silang magmaktol upang makuha nila ang atensyon at makuha ang gusto nila.
Mahalaga na maging mahigpit ka sa pag-handle ng iyong anak sa mga ganitong pangyayari upang matutuhan nila na ang pagmamaktol ay hindi maganda. Kailangan na bigyan din sila ng gantimpala sa kanilang mabuting gawi.
Mamimili na rin ng mga taong gusto nila ang iyong baby sa panahon na ito. Mapapansin mo na sila ay mahiyain sa mga hindi nila kilala at magsisimulang yumakap sa iyo. Kung kailangan mong iwan ang iyong anak, siguraduhin sa kanila na ikaw ay babalik.