Sa unang linggo ng buhay ng iyong sanggol, magiging sobrang abala ang mga bagay-bagay lalo na para sa mga bagong magulang. Gayunpaman, maaari rin itong maging exciting time dahil patuloy ang pag-adapt at pagtugon sa bagong stages sa development ng sanggol.
Sa ika-2 linggo, maaaring ang oras mo ay nasa pagpapakain, pag-aliw, o pagpapalit ng lampin. Hindi magtatagal, magagawa mong maintindihan ang mga non-verbal cues ng iyong sanggol. Kailangan mong mag-adjust sa buhay ng isang magulang.
Paano Lumalaki ang Iyong Sanggol
Ang paglaki ng iyong sanggol ay isa sa mga pangunahing determinant ng kabuuan ng kanyang kalusugan at kagalingan. Sa sandaling ipanganak ang iyong sanggol, bibigyang-pansin ng iyong doktor ang kanilang timbang, haba, at circumference ng ulo.
Ang isang malusog na bagong silang na sanggol ay maaaring tumimbang mula sa humigit-kumulang 2.5 kilo hanggang 4.5 kilo. Ang mga bagong silang ay madalas na may kasamang extra fluid na mawawala sa kanilang mga unang araw.
Sa katunayan, ang mga sanggol ay maglalabas ng humigit-kumulang 7% hanggang 10% ng kanilang timbang sa kapanganakan sa kanilang unang linggo. Hindi ito dapat ipag-alala dahil mabilis nilang maibabalik ang timbang na ito kung nasa 2 linggong gulang na.
Karaniwan, ang haba ng newborn baby ay magiging 50 sentimetro (20 inches). Gayunpaman, ang haba ng isang malusog na sanggol ay maaaring mula 45.7 sentimetro (18 inches) hanggang 60 sentimetro (22 inches).
Sa ika-2 linggong stages sa development ng sanggol, mabilis na lumalaki ang kanyang ulo dahil sa mabilis na pag-develop ng kanilang utak. Sa pagtatapos ng kanilang unang buwan, ang circumference ng ulo ng bagong panganak na sanggol ay maaaring tumaas sa humigit-kumulang 37.6 sentimetro (15 inches).
Developmental Milestones
Bukod sa pisikal na paglaki, ang mga milestones sa development ng sanggol ay mga senyales din na ang iyong sanggol ay lumalaki ayon sa nararapat. Kaya naman, mahalagang tandaan na ang paglaki ng iyong sanggol ay maaaring iba sa iba. Ang itinuturing na ‘normal’ para sa iba, ay hindi ang kinakailangang pamantayan mo.
Pagtulog
Sa unang dalawang linggo ng stages sa development ng sanggol, siya ay maaaring natutulog nang humigit-kumulang 16 hanggang 20 oras isang araw. Ang iyong schedule ng pagtulog ay maaaring magbago dahil siya ay nagigising sa kalagitnaan ng gabi. Habang nagsisimulang magkaroon ng pattern ng pagtulog ang kanilang mga katawan, pinakamahusay na magpahinga ng kaunti paminsan-minsan, lalo na sa tuwing siya ay natutulog.
Paggalaw ng ulo
Sa dalawang linggong gulang, ang mga newborn ay maaaring bahagyang itaas ang kanilang mga ulo, ngunit ang kanilang mga leeg ay hindi kayang suportahan ang kanilang mga ulo kapag sila ay nakaupo. Kapag aktibo at gising ang iyong sanggol, idapa siya upang ma-ehersisyo niya ang itaas na bahagi ng katawan.
Pandinig
Sa pagsilang, ang pandinig ng iyong sanggol ay ganap nang mabubuo. Nangangahulugan ito na makikilala niya ang iyong boses at iba pang mga tunog.
Kapag umiiyak, kadalasan ay dahil may gusto siya. Ito ay paraan niya para sasabihin ang kanyang mga kailangan. Ang isang malusog na bagong panganak ay iiyak nang mga isa hanggang tatlong oras bawat araw.
Ang mga newborn na umiiyak ng higit sa tatlong oras sa isang araw ay maaaring magkaroon ng colic, isang kondisyon dahil sa labis na pag-iyak sa mga sanggol.
Paningin
Ang sanggol mo ay maaaring sumunod sa mga mukha o tumingin sa iyong mga mata habang dumedede.
Reflexes
Ang reflexes ay mga paggalaw na awtomatikong nangyayari kapag ang muscles ay tumutugon sa stimulation. Senyales ang mga ito na ang nervous system ng iyong sanggol ay umuunlad sa tamang paraan. Dapat tandaan ang ilang mahahalagang reflexes ng sanggol:
- Rooting reflex. Kapag ang iyong sanggol ay bumabaling sa dibdib mo o sa bote at sumususo sa tuwing may nipple sa kanyang bibig.
- Moro reflex. Kapag nagugulat ang iyong sanggol, iniuunat niya ang kaniyang mga braso at binti at binabaluktot papasok.
- Palmar hand grasp. Kapag hinahawakan ng iyong sanggol ang iyong daliri kapag inilalagay mo ito sa kanyang palad.
Pagpapakain at Nutrisyon
Ang pangunahing pinagkukunan ng nutrisyon ng isang sanggol sa unang apat hanggang anim na buwan ay dapat na gatas ng ina o formula milk. Bagaman ang breastmilk ay ang pinaka-perpekto at budget-friendly na opsyon, ang mga ina na hindi makapagpadede ay maaaring gumamit ng baby infant formula.
Week 2 ng stages sa development ng sanggol: Pagkain
Huwag pakainin ang iyong bagong panganak ng solid food o juice sa panahong ito. Ito ay dahil ang pagpapakain sa iyong sanggol ng anuman maliban sa formula o gatas ng ina ay maaaring mauwi sa mga panandaliang problema sa kalusugan tulad ng mabulunan, pagtaas ng panganib ng impeksyon, kakulangan sa nutrisyon, at kamatayan. Kasama sa mga pangmatagalang komplikasyon ang pagtaas ng panganib ng diabetes, labis na katabaan, at mga sakit sa puso. Kung papakainin mo ng formula ang iyong sanggol, siguraduhing pumili ng iron-fortified baby formula.
Ang mga sanggol na breastfed ay kailangang mas madalas padedehin kaysa sa mga sanggol na dumedede ng formula. Ang mga sanggol na nasa formula milk ay pinapakain ng humigit-kumulang anim hanggang walong beses bawat araw, habang ang mga sanggol na pinapasuso ay karaniwang 8-12 beses bawat araw. Sa ika-2 linggo ng stages sa development ng sanggol, pinakamahusay na pakainin ang iyong sanggol kung kailan nila kailangan.
Kapag nagpapakain sa iyong sanggol, tandaan:
- Siguraduhing itaas siya nang bahagya sa tuwing pinapakain. Kapag pinapakain siya na nakadapa, maaaring magdulot ng panganib na mabulunan o magkaroon siya ng impeksyon sa tainga.
- Kung ang iyong sanggol ay may tendency na “isuka” ang formula o gatas ng ina pagkatapos ng pagpapakain, panatilihing nakataas ang kanyang ulo 30 hanggang 45 minuto pagkatapos siyang pakainin.
- Ang breastmilk o baby formula ay binubuo ng 95% na tubig, kaya hindi na kailangang bigyan ng tubig ang iyong sanggol sa stage na ito.
- Padighayin ang iyong sanggol pagkatapos ng bawat pagpapakain, upang maiwasan ang kabag o maging mainitin ang ulo.
Baby Care Tips
Ang pag-aalaga sa iyong sanggol ay mahalaga para mapanatili siyang komportable at masaya. Narito ang ilang mahahalagang tip na dapat tandaan:
- Panatilihin ang waistband ng lampin ng iyong sanggol sa ibaba ng kaniyang pusod, upang ang pusod ay matuyo. Ang stump ng umbilical cord ay kadalasang nahuhulog sa loob ng 2-linggo.
- Kakailanganin mong palitan ng madalas ang lampin ng iyong sanggol. Asahan ang 6 hanggang 8 basang lampin sa isang araw kapag siya ay nasa ikalawang linggo na, at ilang poopy diaper. Siguraduhing magpalit kaagad ng lampin kapag ito ay marumi.
- Hindi mo kailangang paliguan ang iyong sanggol araw-araw. Maipapayo lang ang baby sponge bath kung ang kanyang pusod ay natuyo at nahulog na, mas mabuti kapag siya ay naging 2 linggo na.
Kalusugan at Kaligtasan ng Sanggol
Ang mga unang ilang linggo ng iyong baby ay magiging pinaka maselan, kaya naman mahalagang tiyakin na palagi mo siyang nababantayan. Hayaan silang matulog sa isang kuna o bassinet sa iyong silid, upang palagi silang malapit sa iyo. Gayundin, siguraduhing matibay ang kutson na tinutulugan ng iyong sanggol.
Ano ang Magagawa Ko Para Matulungan ang Aking Sanggol na Lumaki?
Sa mga unang ilang linggo ng buhay ng iyong sanggol, ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang iyong relasyon sa kaniya. Narito ang ilang paraan na maaari mong magawa sa paglaki ng iyong sanggol:
- Siguraduhin na nararamdaman niya ang iyong pagmamahal at kaligtasan sa pamamagitan ng madalas na paghawak sa kanila.
- Kantahan o kausapin ang iyong sanggol nang madalas hangga’t maaari. Ito ay maaaring magbigay daan sa language development.
- Ibigay sa iyong sanggol ang lahat ng atensyon na kaya mong ibigay. Ang mga bagong panganak ay hindi naman nai-spoiled sa sapat na atensyon, dahil kailangan nila ito sa yugtong ito.
Ano ang Dapat Pag-ingatan at Kailan Magpatingin sa Doktor
Sa mga unang linggo ng sanggol, maaaring nababalisa ka tungkol sa paglaki at pag-unlad ng iyong sanggol. Tandaan na kusa ang paglaki ng iyong sanggol. Gayunpaman, magpatingin sa doktor kung:
- Mukhang hindi nakakasuso nang maayos sa iyo o sa bote
- Mukhang may mahinang paa
- Mahirap aliwin o nagiging masyadong makulit
Ang ika-2 linggo ng stages sa development ng sanggol ay ang simula ng iyong bagong buhay bilang isang magulang. Sa panahong ito, ang mga reflexes ng sanggol at pisikal na paglaki ay mga pangunahing senyales na ang iyong sanggol ay nasa tamang landas.
[embed-health-tool-bmi]