Bilang isang ina o magulang, maaari kang maka-diskubre ng mga bagong bagay tungkol sa iyong anak. Minsan, mapanghamon ang pagkakadiskubre ninyo ng mga bagay-bagay sa inyong mga anak. Sa kabilang banda, meron namang mga nakaaaliw na surpresa. Ngunit ang makita ang iyong anak na masaya at malusog ay ang nagpapa-satisfy sa iyo matapos ang araw. Paano mo malalaman kung ang iyong anak ay masaya at malusog o hindi? Mayroon bang mga tiyak na senyales ng masayang baby?
Ano ang mga Senyales ng Masayang Baby?
Komportableng Reaksyon sa Iyong Boses o Hawak
Kung ang iyong anak ay masaya sa iyong bisig o huminto ng pag-iyak matapos marinig ang iyong boses, unawain na ang iyong anak ay masaya at komportable sa iyo. Kapag ang iyong anak ay hindi komportable sa iyong bisig, kumakawala siya mula rito. Kung kumalma ang iyong anak sa iyong mga bisig o sa iyong presensya, iyon ay senyales na nakararamdam siya ng seguridad.
Pagdagdag ng Timbang
Ang senyales na ito ay nagpapakita na ang sanggol ay nakakukuha ng sapat na nutrisyon. Kung ikaw ay nagpapasuso, malalaman mo sa iyong anak kung siya ba ay nakakukuha ng sapat na gatas sa dami ng diapers na ginagamit niya kada araw. Ang mga basang diaper ay isang ebidensya na siya ay umiinom at nakatatanggap ng nutrisyon sa malusog na paraan.
Pagtingin at Pag-ngiti
Ito ay isa sa mga importanteng senyales ng masayang baby. Sa panahon na ang iyong anak ay dalawang buwan na, titignan ka niya at ngingiti. Habang lumilipas ang panahon siya ay hahagikgik, tatawa o gagawa ng mga tunog upang makuha ang atensyon mo at tumugon. Mahalaga na ikaw ay tumugon dahil ito ay nagpapasaya at ligaya sa iyong anak. Ang iyong anak ay magiliw at komportable habang ikaw ay nilalaro at niyayakap siya.
Magandang Tugon sa mga Tunog
Kahit bago pa isilang ang iyong sanggol, nakaririnig na siya ng mga tunog upang maging malay sa iba’t ibang tunog at ingay. Hindi niya nauunawaan ang mga tunog sa sinapupunan ngunit nagsisimula siyang makilala ito. Mapapansin mo ang kanyang reaksyon sa tunog ng awit, trapiko, pagkanta at kahit na ang mga laruan. Kung siya ay nag-react sa mga tunog sa paligid niya, ito ay isang senyales ng masayang baby.
Pakikipag-ugnayan
Kung ang iyong anak ay sinubukan na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng tunog ng pag-ungol, ngiti at eye contact, ito ay senyales na ang iyong anak ay lumalaki na malusog. Gayunpaman, mahalaga na ikaw ay tutugon pabalik, sa parehong paraan, upang magpatuloy ang kumbersasyon. Ito ay nakatutulong para sa iyong anak na maramdaman ang pagiging konektado sa iyo. Kung ang iyong anak ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iyo, ito ay magandang senyales na ang iyong anak ay lumalaki na masaya at malusog.
Maayos na Pagtulog
Mahalaga na ang iyong anak ay nagkakaroon ng routine na makatutulong na matulog sa malusog na paraan. Kung siya ay nasanay sa sleep pattern, mapapansin mo na ang iyong anak ay nakatutulog sa mas maayos na paraan. Ito ay magandang senyales para sa kanyang pisikal na paglaki at pag-develop. Ito ang dahilan bakit mahalaga para sa iyo at sa iyong anak na masanay sa kanyang sleeping patterns.
Ang anim na senyales ng masayang baby ay makatutulong na malaman kung ang iyong anak ay lumalaki na masaya at malusog. Gayunpaman, kung nararamdaman mo na ang iyong anak ay hindi kumikilos nang maayos o hindi nagre-react sa mga pagkakataon na dapat, huwag mag-atubili na kumunsulta sa inyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.