backup og meta

Ika-7 Buwan Ng Development Ni Baby: Heto Ang Dapat Malaman

Ika-7 Buwan Ng Development Ni Baby: Heto Ang Dapat Malaman

Kasama sa ika-7 buwan ng development ni baby ang pagpapakain ng solid food sa unang pagkakataon — bukod pa sa gatas ng ina o formula milk. Patuloy ang pagkasabik sa pag-unlad at pagtuklas sa development ng iyong baby.

Asahang mas magiging abala ang buwang ito dahil mas aktibo at curious ang iyong baby ngayon!

Paano Lumalaki ang Iyong Baby

Depende sa kasarian, ang World Health Organization ay may growth chart ng good ranges ng dagdag timbang. Ang ideal range ng timbang sa ika-7 buwan ng edad ng bata ay sa pagitan ng 7 hanggang 10 kilo para sa parehong babae at lalaki. Karaniwang mas mataas ang sa mga lalaki kumpara sa mga babae sa percentiles. Ang ideal na haba naman ay mula 26 hanggang 27 sentimetro. 

Developmental Milestones

Kabilang sa ika-7 buwang development ni baby na dapat bantayan ay ang kanyang milestones. Ang physical development ay nasa all-time high kasabay ng maraming pagbabago na dapat asahan sa yugtong ito. 

Motor Skills

Sa puntong ito, ang baby ay:

  • Madali nang gumulong patalikod at paharap
  • Kaya nang mag-bounce kapag nakatayo (kadalasang may suporta ng mga magulang habang nakatayo)
  • Nakagagapang na
  • Madaling humawak ng mga bagay gamit ang isang kamay
  • Nakikipaglaro gaya ng “bulaga”
  • Kaya nang uminom sa baso

Ang mga dumaraming paggalaw na ito ay isang malaking milestone sa development ng baby, kahit sa paglipas ng 7 buwan. 

Bukod dyan, pwede nang magsimula ang pagngingipin kaya’t asahan ang ilang adjustment mula sa iyong baby sa aspektong ito.  

Cognitive Skills

Kabilang sa ika-7 buwan ng development ni baby ang pagkumpas sa pagtatangkang humingi ng tulong. Puwede mong tulungan ang iyong baby na tumayo o buhatin siya gaya ng kanyang hiling. Makakaya na rin ng iyong baby na makilala ang mga bagay na ginagamit mo sa iyong mga ginagawa. Puwede mo siyang tulungang matuto sa pamamagitan ng pagpapangalan sa mga bagay na interesado siyang mahawakan o makita. Magsisimula na rin ang iyong baby na magtuon ng pansin at sundan ang mga gumagalaw na bagay. 

Kasanayan Sa Wika At Komunikasyon

Nagsisimula nang dumaldal ang iyong baby sa panahong ito. Maaaring makabigkas na sila ng isa o dalawang pantig na salita upang ipahayag ang kanyang sarili. Ang mga tunog na nililikha ng baby ay mayroon ding iba’t ibang kahulugan. Posibleng matutunan mong unawain ang mga tunog na ito mula sa iyong baby na senyales na sila ay gutom, inaantok, o iba pang pangyayari.  

Sa ika-7 buwan ng development ni baby, mas nauunawaan na ng maliit mong anak ang mga salita. Dapat na niyang masundan ang mga one-step command na may kasamang pagkumpas o kilos. 

Social And Emotional Development

Mapapansin mo na rin ang ilang anyo ng separation anxiety sa iyong anak sa panahong ito. Mas madalas silang didikit sa iyo at masisiyahang kasama ka bilang kanilang magulang. Mas nauunawaan din nila ang iyong nararamdaman sa likod ng iyong mga salita o sa tono ng iyong boses.  

Karaniwan ding kabilang sa ika-7 buwan na development ni baby ang pagkilala sa mga salitang oo at hindi. Isa rin sa milestone ni baby ang masiyahan sa pakikipaglaro bilang social activity at matuwa sa panggagaya sa mga galaw ng ibang tao. 

ika-7 buwan ng development ni baby

Pagpapakain At Nutrisyon

Sa ika-6 hanggang 12 buwang gulang dumodoble at triple ang timbang ng baby. Ito ay napakahalagang panahon upang pakainin ang iyong baby ng pagkaing mayaman sa sustansya. Kinakailangan ng 668-700 man lang ng calories ang kailangan ng baby na magmumula sa kombinasyon ng gatas ng ina, formula milk, at solid foods

Halimbawa, 95 grams man lang ng carbohydrates ang kailangang ipakain sa 7 buwang gulang na baby. Ang cereal, grain products, prutas, at gulay ay ilan sa magandang unang ipakaing solid food. Tiyakin lamang na durugin ang mga piraso nito upang hindi mabulunan si baby. 

Tips Sa Pag-Aalaga Ng Baby

Pagngingipin

Lubos na priyoridad sa panahong ito ang pagngingipin. Ang malamig na tela, malamig na pagkain, at teething toys ay sama-samang makatutulong upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng nagngingipin na baby. Puwede ka ring maging malikhain sa pamamagitan ng paglikha ng popsicle mula sa gatas ng ina upang magustuhan ng panlasa ng baby. 

Sa ilang mga sitwasyon, maaari ding magreseta ang mga doktor para sa naidudulot nitong discomfort.

Pagtulog

Ang tamang haba ng tulog ng mga baby sa edad nilang ito ay nasa 11-12 oras kada araw. Gayunpaman, puwedeng makasagabal sa oras ng pagtulog ng iyong baby ang kanyang pagngingipin dahil sa idinudulot nitong hindi magandang pakiramdam. 

Ang pag-idlip na labas sa 11-12 oras sa gabi ay pwedeng tumagal nang 1-3 oras. Mas malikot na ang iyong baby sa edad niyang ito kaya’t puwede kang maglagay na ng mga balot o harang sa matatalas na gilid ng kanyang higaan. Maaaring kailangan ng bed rails at mga pananggalang. 

Kalusugan At Kaligtasan Ng Baby

Mas madalas na ang paggalaw ng iyong baby sa panahong ito at hindi dapat iwanan lalo na kapag nasa mataas na lugar o puwesto gaya ng kama ng matatanda. Bigyan ang baby ng sapat na espasyo upang makagapang ngunit tiyaking may nakalagay na mga harang o pananggalang sakaling tumama ang iyong baby sa pader. 

Ilayo ang matatalas na gamit at magdagdag ng harang o bakod sa lugar kung saan naglalaro ang iyong baby hangga’t maaari. 

Paano Ako Makatutulong Sa Paglaki Ng Aking Baby?

Sa ika-7 buwan ng development ni baby, puwede kang makatulong upang umunlad ang kanyang kakayahan sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagkausap sa iyong baby sa diretsong at kompletong pangungusap at gawin ang madalas na eye contact. Lubos na hinihikayat na magkaroon ng holistic approach upang maibigay ang pisikal, emosyonal at mental na pangangailangan ng iyong anak. 

  • Maghanda ng masusustansyang pagkain bilang pandagdag sa kinokonsumo niyang gatas.
  • Magdagdag ng oportunidad upang ang baby ay matuto sa mga pang-araw-araw na gawain gaya ng paliligo (pagbibigay ng mga baso sa kanya na puwede niyang punuin, ibuhos, at paglaruan).
  • Pansinin ang mga pahiwatig na handa na ang iyong baby sa ilang mga bagay.

Mga Dapat Bantayan At Kailan Dapat Magpunta Sa Doktor

Puwede kang humingi ng tulong sa doktor kung napansin mong ilan sa mga motor skills ng iyong anak ay nawawala. Mas malambing din ngayon ang mga baby, kaya’t kung hindi naipapahayag nang malaya ng iyong baby ang kanyang nararamdaman, isa rin ito sa dapat na ipag-alala at nangangailangan ng propesyonal na pagsusuri ng developmental pediatrician. Kakailanganin mo ring makipag-usap sa doktor upang humingi ng payo kung paano matutulungan ang iyong nagngingiping baby. 

Key Takeaways

Kung  mayroon mang kakaiba tungkol sa ika-7 buwan ng development ni baby, magtanong agad sa pinagkakatiwalaang pediatrician upang magabayan ka nang mabuti. 

Magtiwala sa iyong instinct at maging mapagbantay ngunit huwag kalimutang i-enjoy ang mga sandaling ito. Ang baby mo ay musmos pa at magandang sulitin ang mga sandaling ito na bahagi ng iyong alaala bilang kanyang magulang.

Matuto pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

World Health Organization Child Growth Weight for Age Standards, https://www.who.int/childgrowth/standards/Chap_4.pdf, Accessed July 13, 2020

The Growing Child: 7 to 9 months, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=the-growing-child-7-to-9-months-90-P02168, Accessed July 13, 2020

Developmental Milestones: 7 Months, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/Pages/Developmental-Milestones-7-Months.aspx, Accessed July 13, 2020

Nutritional Needs of Infants, https://wicworks.fns.usda.gov/wicworks/Topics/FG/Chapter1_NutritionalNeeds.pdf, Accessed July 13, 2020

Teething 101: 4 Pediatrician-Approved Ways to Soothe a Teething Baby, https://health.clevelandclinic.org/teething-101-4-pediatrician-approved-ways-to-soothe-a-teething-baby/, Accessed July 13, 2020

Kasalukuyang Version

03/30/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?

Development milestones sa ika-6 na buwan: Heto ang dapat malaman


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement