Nasa ika-4 buwan na ngayon ang iyong sanggol! Ang bilis lumipas ng panahon, ano? Sa ngayon, ang iyong maliit na pamilya ay nagkaroon na ng routine. Mapapansin mo rin na ang iyong buhay kasama ng iyong sanggol ay mas nagiging madali kumpara noong nasa unang mga buwan pa lamang siya. Sa papalapit na ika-4 buwan ng development ni baby, maaari ka nang makipaglaro at makipag-ugnayan sa kanya.
Maraming mga mahalagang milestones ang mangyayari sa buwan na ito para sa iyong sanggol! Magbasa upang matuto pa tungkol sa paglaki at develop sa pagpasok nila sa ikaapat na buwan ng kanilang buhay.
Paano Lumalaki ang Iyong Sanggol
Sa buwang ito, ang iyong sanggol ay mabilis na lalaki. Ang mga sanggol na may edad na apat na buwang gulang ay kadalasang may timbang na higit sa timbang na ipinanganak sila at mas bibigat ng 1 hanggang ¼ na pounds. Ang iyong sanggol din ay mas lalaki nang pahaba. Sa pagtatapos ng ikaapat na buwan, asahan mo ang paglaki ng niya ng 0.8 na pulgada sa haba.
Gayunpaman, mahalaga na isaisip na ang mga numerong ito ay approximations lamang. Maraming mga salik ang maaaring makaimpluwensya sa paglaki ng iyong anak:
- Gaano karami ang iyong pinakakain
- Genes
- Hormones
Paano kung ang aking Sanggol ay Masyadong Maliit para sa Kanilang Edad
Kung napansin mong ang iyong sanggol ay hindi pareho ang laki sa ibang mga sanggol, hindi ito karaniwang masama. Ang mga sanggol ay maaaring lumaki nang magkakaiba. Gayunpaman, mainam na isangguni ang iyong inaalala sa doktor ng iyong sanggol upang makasiguro na sila ay malusog na lumalaki.
Kung ang iyong sanggol ay medyo mataba, isantabi ang mga pangamba tungkol sa labis na katabaan hanggang sa sila ay handa nang kumain ng solid foods sa pagtuntong ng anim na buwan at higit pa. Ang pagpapasuso at pagpapainom ng formula sa mga sanggol ay hindi maaaring maitatanggi na nakapagpapabawas ng timbang. Sa yugtong ito ng kanilang buhay, kailangang maibigay ang lahat ng nutrisyon na kinakailangan ng mga sanggol, maging ang fat.
Ika-4 Buwan ng Development ni Baby
Ang developmental milestones ay mga kakayahan na marami sa mga bata at sanggol na nagagawa nila sa tiyak na edad, at makapagbibigay ng ideya sa development ng iyong anak. Maaari ding gamitin ng mga doktor ang mga developmental milestones upang matukoy kung ang iyong sanggol ay malusog o hindi.
Narito ang ilang mga developmental milestone sa ikaapat na buwan na sanggol.
Motor Skills
Sa usapang pisikal at motor skills, ang iyong sanggol ay marami na ngayong iba’t ibang kilos. Ang isang apat na buwang gulang na sanggol ay maaaring magawa ang mga sumusunod:
- Matututo na ang mga sanggol na itaas ang kanilang ulo habang nasa posisyon ng pag-upo.
- Maitataas na rin nila ang ulo at dibdib habang nakadapa.
- Makaiikot at gulong na rin sila na gamit ang likod at harap.
Paningin
Sa panahong ito, ang paningin ng iyong sanggol ay makakikita na ng mga bagay nang mas malapit. Ibig sabihin nito na hahawak na sila ng kahit na ano at isusubo na nila ito.
Social at Emotional na Development
Pagdating sa social at emotional na development, asahan mo sa iyong sanggol na mas makikipag-interact siya sa ibang mga tao. Maaari mo ring asahan na magawa niya ang mga sumusunod:
- Tumugon sa affection sa pamamagitan ng pagngiti; gayundin ang pagsisimula ng pagtawa
- Susubukang ‘magsalita’ sa kung sino sa pamamagitan ng cooing o babbling
- Makikilala ang boses at haplos ng nag-aalaga sa kanya
Sa pagtungtong ng iyong anak sa ika-4 buwan ng development ni baby, magsisimula na rin sila na masanay sa routine. Malalaman ng iyong sanggol kung kailan ang oras ng pag-inom ng gatas base sa posisyon kung paano mo sila hawakan, o babanatin ang kanilang hita kung pinapalitan mo ang kanilang diaper.
Pagpapakain at Nutrisyon
Ang American Academy of Pediatrics (AAP) ay inirekomenda na ang mga bata sa lahat ng edad, lalo na ang mga sanggol ay kinakailangan na mabigyan ng Bitamina D upang manatiling malusog. Sa edad na 3 hanggang 5 buwang gulang, ang iyong sanggol ay kailangan na mapainom ng gatas lima hanggang 6 na beses sa 24 na oras.
Oras na ba para sa Solid Food?
Sa oras na ito, nasasabik ka na siguro magbigay ng solid food sa iyong anak. Ang ibang mga nanay ay ipinakikilala ang solid food sa mga sanggol sa ikaapat na buwang gulang. Gayunpaman, inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga magulang ay kinakailangan na pasusuhin o painumin ng formula ang kanilang mga sanggol hanggang sila ay nasa ikaanim na buwang gulang.
Habang nasa yugto ng ika-4 na buwang gulang ng developmental milestone ng isang sanggol, ang iyong bulinggit ay maaaring makuha lahat ng nutrisyon na kailangan nila sa pagpapasuso o formula na gatas. Kung ipinakilala mo ang solid food sa kanilang diet nang maaga, inilalagay mo sa banta ng pagiging labis ang timbang ang iyong sanggol.
Isa sa ika-4 na buwang gulang na developmental milestone ng isang sanggol ay ang unang mga senyales ng pagngingipin. Maaaring maging hindi komportable ang iyong sanggol dito kaya’t bantayan ang pagngingipin:
- Mapula at namamagang gilagid
- Mas nagiging iritable o makulit kaysa sa karaniwan
- Labis na paglalaway o drooling
- May tendensiyang mangagat at ngumuya ng mga bagay
Tips sa Pangangalaga sa Sanggol
Sa oras na makatuntong ang iyong sanggol sa ikaaapat na buwang marka, maaari mo nang subukan na magbigay ng breast milk sa bote kung hanggang sa puntong ito ay patuloy mo lamang na pinapasuso ang iyong sanggol. Gayundin, hindi pa rin kailangang uminom ng tubig ng iyong sanggol. Kaya’t ang pagpapainom ng gatas ng ina at formula sa kanila ay higit na sapat na para sa kanilang nutrisyon sa yugtong ito.
Ang mga kondisyon sa balat at rashes o cradle caps ay maaari ding magsimulang makita sa buwang ito kaya’t siguraduhin na gumamit ng mga produkto na walang amoy at banayad lamang sa balat ng sanggol.
Tulog
Ang isang apat na buwang gulang na sanggol ay maaaring natutulog na nang magdamag at mayroong 4 hanggang 6 na mga oras na pagtulog tuwing maghapon. Gayunpaman, kung mapansin mong may pagbabago sa pattern ng pagtulog ng iyong sanggol, sila ay nakararanas ng “sleep regression.” Nangyayari ang sleep regression kung ang iyong sanggol ay dumaraan sa tinatawag na growth spurt.
Huwag mangamba dahil ang panahon ng hindi regular na pattern ng pagtulog na ito ay normal at tatagal lamang ng ilang mga araw.
Kalusugan at Kaligtasan ng Sanggol
Sa kanilang apat na buwan, ang schedule ng iyong sanggol sa mga bakuna ay tinatawag na:
- Rotavirus oral vaccine
- DTaP (diphtheria, pertussis, and tetanus) shot
- Polio shot
Dahil ang iyong sanggol ay makukuha ang ugaling pagsubo ng mga bagay sa kanilang bibig, mahalaga na ilayo ang mga maliliit na bagay sa kanila upang matanggal ang banta na mabulunan. Gayundin, siguraduhin na magbigay ng mga laruan na hindi magdudulot ng injury sa iyong sanggol.
Ano ang Maaari kong Gawin upang Matulungang Lumaki ang Aking Sanggol?
Ang iyong sanggol ay mas magiging responsive sa paglalaro sa buwang ito. Ang paglalaro ay nakahihikayat sa pag-develop ng kanilang wika at pakikipag-ugnayan na abilidad. Habang naglalaro, ang iyong sanggol ay matutuwa na marinig ang pagbabasa mo nang malakas o pag-awit sa kanila. Ibang mga paraan upang hikayatin silang maglaro:
- Ilagay ang iyong sanggol sa harap ng salamin. Panoorin sila na kausapin ang sarili nilang reflection o kahit na ngumiti rito.
- Magbigay ng matitingkad na kulay ng laruan, dahil ang iyong sanggol ay mas nakakikita ng vivid colors.
Ano ang Kailangang Bantayan at Kailan Pupunta sa Doktor
Normal na alalahanin ang kalusugan at development ng iyong anak, lalo na kung nagpapakita sila ng senyales ng pag-uugali na maaaring hindi normal. Kumonsulta sa iyong doktor kung:
- Ang iyong sanggol ay hindi ka nakikilala.
- Hindi nakakapagsagawa ng eye-contact ang iyong sanggol.
- Hindi sumusubok na magsalita ang iyong sanggol o kahit na gumawa ng kahit na anong ingay gamit ang kanilang boses.
- Hindi tumitingin ang iyong sanggol sa iyo kung ikaw ay nagsasalita.
- Hindi nagugulat ang iyong sanggol sa malalakas na ingay.
Ang ikaapat na buwan ng iyong sanggol ay tiyak na malaking milestone para sa iyo at sa iyong sanggol. Kung naobserbahan mo ang kahit na anong hindi pangkaraniwang pag-uugali sa iyong sanggol, o sa pakiramdam mo ay hindi nila nagagawa ang ika-4 buwan ng development ni baby, mainam na konsultahin ang pediatrician ng iyong sanggol.
Matuto pa tungkol sa Parenting dito.