Isang buwan bago mag unang kaarawan ang iyong anak ay nangangahulugan na isang taon ka na ring magulang. Kay bilis nga talagang lumipas ng panahon. At sa mga susunod na buwan ang iyong sanggol ay magiging aktibong toddler. Sa iyong paghahanda sa kanilang unang kaarawan, huwag kalimutan na ipagpatuloy ang pag-alaga at paggabay sa kanilang paglaki sa pamamagitan ng paglalaro at mga aktibidad para sa ika-11 buwan ng development ni baby.
Narito ang dapat mong asahan ngayong buwan.
Paano Lumalaki Ang Iyong Baby
Sa puntong ito, ang iyong baby ay may bigat sa pagitan ng 19 hanggang 21 pounds at nasa 26 hanggang 31 na inches na sukat ng taas. Ang paglaki ng iyong sanggol ay nasusukat ng iyong doktor sa development curve na tiyak sa kanilang taas at bigat sa pagkapanganak.
Ang mga babaeng sanggol ay nasa mas magaan at mas maliit na dulo ng kurbang ito, samantalang ang mga lalaking sanggol ay mas mabigat at matangkad.
19.2 pounds at 28.7 inches ang average na taas at bigat para sa mga babaeng sanggol. Parehong metrics din ang ginagamit sa mga lalaking sanggol na ang average ay 20.8 pounds na bigat hanggang 29.3 inches sa taas.
Developmental Milestones
Sa pisikal, ang iyong baby ay malayo na sa bagong silang na sanggol. Upang mas maayos na maging handa para sa kanilang mga aktibidad sa ika-11 buwan ng development, tandaan ang mga sumusunod na milestones:
Pisikal
Sa ika-11 buwan ng development, ang iyong baby ay nagsimula nang magbawas ng timbang sa kanilang baby fat. Ang pagbawas ng kanilang taba ay nangyayari sa papalapit na pagiging toddler ng iyong sanggol. Ang mga aktibidad ng mga toddler tulad ng paglalakad at paglalaro ay nangangailangan ng mas maraming lakas kaysa sa mga aktibidad ng mga sanggol dahil hindi naman masyadong kumikilos ang mga sanggol kundi matulog lamang at kumain.
Sa ika-11 buwan ng development, ang iyong baby ay malamang na nakagagapang na at nagkakaroon na ng progreso sa paglalakad — ikonsidera ito sa kanilang mga aktibidad. Kaya na nilang tumayo nang mag-isa maging ang paglalakad ng ilang mga hakbang.
Pagsasalita
Maaari rin maging mas madaldal ang iyong baby sa puntong ito. Maririnig mo ito sa kaniyang panggagaya ng mga simpleng salita. Bilang parte ng kanilang ika-11 buwan ng development, ilaan ang ilang mga minuto para sa pakikipaglaro upang mabigyan sila ng oportunidad na sanayin ang “pagsasalita” at ipahayag ang kanilang sarili.
Cognitive Development
Kung tungkol sa brain development, asahan ang maraming progreso sa kanilang pang-unawa. Ang pag-unawa sa mga kulay ay mas maayos na sa stage na ito at magdaragdag ka pa sa kanilang kagustuhan na noon ay para lamang sa panlasa at pandama. Magiging mas maayos din ang kanilang progreso pagdating sa wika at makatutukoy ng mga tiyak na salita o parirala.
Ang kanilang personalidad ay mapapansin din sa buwang ito dahil mas maipapahayag na nila ang kanilang pagiging malapit sa pamamagitan ng pagiging makulit o pagpapahayag ng pagkalungkot kung mahihiwalay.
Sa pagsasagawa ng kanilang ika-11 buwan na mga aktibidad, asahan ang iyong bulinggit na mas mang-aagaw kaysa sa karaniwan dahil ang kanilang kuryosidad ay mag-uudyok dito upang mag-explore at humawak ng mga bagay.
Pagpapakain At Nutrisyon
Solid Food
Sa stage na ito, ang diet ng iyong baby ay mas diverse dahil maaari na silang kumain ng solid food. Ang pagkakaroon ng sariwang mga pagkain tulad ng mga prutas, mga gulay, yogurt, at grains ay magiging kapakipakinabang para sa iyong baby ngunit siguraduhin na iwasan ang panganib na mabulunan o anu mang pagkain na kailangang nguyain nang maigi.
Pagpapainom Ng Gatas
Ang gatas, breastmilk o formula, ay dapat na naroon pa rin sa diet ng iyong baby. Nasa pagitan ng 16 hanggang 20 ounces na gatas ay ang standard para sa ika-11 buwang gulang na sanggol. Maging handa para magpalit ng gatas papuntang alternatibo tulad ng gatas ng baka sa susunod na dalawang mga buwan. Ngunit sa ngayon, panatilihin ang gatas na mayroon sila para sa mga susunod na mga buwan. Iwasan ang pagbibigay ng juice o iba pang inumin maliban kung pinayuhang ipainom ng pediatrician.
Ang pagpapakilala sa oras ng pagkain ay magiging kapakipakinabang din para sa baby at sa buong pamilya. Ang pagkakaroon ng oras para sa pagkain na kasama ang buong pamilya ay naiuugnay sa positibong pag-uugali maging sa pisikal, tulad ng mas mababang BMIs, at sa pag-iisip. Makatutulong din ito sa iyong anak na magkaroon ng schedule na aayon para sa lahat.
Ngayon na ang iyong mahal na anak ay nasa ika-11 buwan ng development na, ang mga aktibidad sa baby ay maaaring kabilang ang pagtuturo ng paggamit ng mga kubyertos at pagsubok ng mga bagong lasa. Tandaan na ang kanilang kagustuhan ay makikita na. Kaya’t malalaman mo kung gusto nila o hindi ang isang tiyak na sangkap.
Tips Sa Pangangalaga Ng Baby
Pagtulog
Ang iyong sanggol ay matutulog sa buong gabi sa puntong ito. Siguraduhin na manatiling consistent sa schedule ng pagtulog. Ang mga tulog na ito ay mahalaga pa rin para sa development ng iyong baby.
Ang lebel ng lakas ng iyong sanggol ay maaaring makaligtaan sa buwang ito. Siguraduhin na tandaan ang kanilang schedule at ano ang nais nilang gawin.
Dahil sila ay natututo pa lang maglakad, minsan sila ay maglalakad sa dulo ng kanilang daliri sa paa. Alamin na ito ay ganap na normal at siguraduhin na hikayatin sila sa panahon na sisimulan ang unang hakbang.
Ano Ang Maaari Kong Gawin Upang Matulungang Lumaki Ang Aking Baby?
Upang tulungang lumaki ang iyong sanggol, siguraduhin na bigyan sila ng mga masasayang mga gawain. Ang iyong sanggol ay maa-appreciate ang atensyon na iyong ibinibigay sa mga gusto nilang gawin. Idirekta ito sa mga bagay na nakatutulong sa kanilang development.
Ano Ang Dapat Antabayan?
Tulad ng ibang milestones, nakadepende sila sa bilis ng pagprogreso ng iyong sanggol. Ang pagiging maaga o huli ng kaunti ay walang dapat na ipag-alala. Huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong pediatrician upang magpatingin.
Siguraduhin na kausapin ang iyong doktor kung ang iyong sanggol ay hindi pa sinusubukan na gumapang sa stage na ito o hindi nila kayang umupo nang walang tulong. Ito ay maaaring dulot ng strength issue at kinakailangan ng medikal na atensyon. Kung ang iyong baby ay hindi nakikipag-ugnayan sa iyo o biglaang nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali, kontakin din ang iyong doktor.
Mahalagang Tandaan
Sa papalapit na unang taon ng kanilang kaarawan, maglaan ng panahon para sa iyong sarili. Huwag ma-pressure na magkaroon ng bongga at malaking birthday party dahil hindi naman nila nauunawaan ang konsepto ng kaarawan.
Magpakasaya kasama ng iyong baby sa stage na ito. Gabayan ang kanilang development sa paraan ng pakikipaglar at mga aktibidad para sa ika-11 buwan ng development.
Ihanda mo ang iyong sarili para sa mga pagbabago habang nagiging toddler ang iyong sanggol. Laging siguraduhin na magsaliksik sa mga dapat pang asahan.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.