Ang pagkakaroon ng hindi pantay na testicles ng baby ay tiyak na ikinababahala ng kahit sinong magulang. Ito ay posibleng dahil sa undescended testicle na isang kondisyon kung saan isa o dalawang testicles ay hindi bumaba sa scrotum. Sa medikal na terminolohiya, tinatawag itong cryptorchidism.
Dahil sa stimulation ng male hormones, ang mga organs ng mga lalaki ay nagsisimula na mag-develop bilang integral na parte ng abdomen. Sa 32 hanggang 36 na linggo ng gestation na pagbubuntis, ang testicles ay nagsisimulang bumaba mula sa abdominal cavity papuntang scrotum.
Ang ilan sa mga sanggol, lalo na ang mga premature na ipinanganak na lalaki, ay maaaring isilang na may undescended o partially descended testicles.
Sa mga kaso, ang testicles ay nananatiling nasa abdominal cavity o maaaring makita sila kahit saan sa ‘path of descent’. Maaari din itong na-stuck nang mataas sa tiyan.
Sa maraming mga kaso nito, ang testicles ay nakokompleto ang kanilang pagbaba sa loob ng 4 na mga buwan matapos ipanganak. Isa pang rason ay ang maaaring ang kabilang blood vessels ay nakapulupot o naharangan bago isilang, na nagiging sanhi ng testicles upang lumiit.
Ang pangkalahatang mga rason para sa kondisyon ay kabilang ang mga salik sa hormones o mekanikal na mga salik.
Ang cryptorchidism ay medikal na termino na ginagamit upang ilarawan ang undescended na testis; at 10% ay bilateral o apektado ang parehong testes.
Sa bihirang kaso, ang pagkakaroon ng undescended testicle ay maaaring mangyari sa mga lalaking ang edad ay nasa pagitan ng 4 hanggang 10 taong gulang. Ang kondisyon na ito ay nangyayari kung ang isa o parehong testicles ay bumalik sa itaas ng tiyan.
Sintomas Ng Hindi Pantay Na Testicles Ng Baby
Ang sanhi ng cryptorchidism ay maaaring dulot ng hormones (tulad ng pagbawas ng produksyon ng testosterone), mekanikal (tulad ng sagabal sa spermatic cord; o mababang intra-abdominal pressure) o pareho.
Mga Banta
Ang mga posibleng banta ng undescended testicles ay ang mga:
Edad
Ang hindi na-develop o iba pang mga komplikasyon ng parehong testicles ay nakikita sa mga bagong silang sa pagitan ng 1 hanggang 6 na buwan na edad.
Panganib Mula Sa Kapaligiran
Ang masamang kapaligiran ay isa sa mga salik na nakaaapekto habang nasa yugto ng pagiging fetus. Tumataas din ang banta ng testicular dysgenesis syndrome (TDS).
Diagnosis Ng Hindi Pantay Na Testicles Ng Baby
Ang pagsasagawa ng diagnosis sa cryptorchidism ay kabilang ang pisikal na imbestigasyon kasama ang lab tests at kung kinakailangan operasyon.
Tingnan natin ang tiyak na proseso ng diagnosis.
Pisikal Na Inspeksyon
Base sa ipinaliwanag na sintomas ng doktor, sasailalim sila sa maiging pisikal na imbestigasyon ng bagong silang. Ang underdevelopment ay maaaring mapansin ng espesyalista habang nasa regular na pagbisita sa pedia.
Sa pamamagitan ng dominante nilang kamay, dadamhin ng doktor o ipa-palpate ang testis. Kung hindi nila maramdaman ang testis, maaaring makatulong ang “soap test.” Paano ito isinasagawa? Una, maglalagay ang doktor ng sabon sa kanilang mga kamay at sa singit ng pasyente upang mabawasan ang friction. Hinahayaan nito ang mas maayos na palpation o pagtukoy ng testis.
Diagnostic Tests
Ang iyong pediatrician ay malamang na irerekomenda ang MRI scans (kaunting radiation lamang kaysa sa CT scans) upang malaman ang eksaktong posisyon ng undescended testis. Maaaring payuhan din kayo na sumailalim ang inyong anak sa ultrasound test. Makatutulong ito sa pagtingin ng daloy ng dugo sa mahahalagang mga lokasyon.
Ang posisyon ng undescended testis ay maaaring matukoy at/o makumpira sa pamamagitan ng napiling diagnostic test ng pediatrician.
Para sa pagsasagawa nito, ang surgeon ay magsasagawa ng ilang maliit na incisions sa paligid ng singit at ipapasok ang video camera rito. Makatutulong ito upang makita nang malapitan ang bahagi at matukoy ang eksaktong lokasyon ng undescended testicles(s).
Lunas
Ang lunas ay mahalaga kung ang isa o parehong testicles ay nasa singit; at hindi maibaba sa scrotum. Upang mapataas ang tsansa ng pagiging epektibo ng lunas para sa medikal na kondisyon, ideal na lunasan dapat ito sa edad ng sanggol na nasa 9 hanggang 15 buwan.
Ang presensya ng undescended testicles ay mapapansin na sa pagitan ng unang anim na mga buwan ng bagong silang na sanggol. Kung hindi lulunasan, magiging sanhi ito ng pinsala sa testicular cells, na responsable sa pagpro-produce ng sperm kinalaunan.
Kabilang na mga komplikasyon:
- Mabagal na paglaki ng testis
- Pagkabaog
- Testicular malignancy
- Inguinal hernia
- Testicular torsion
- Posibleng psychological na epekto ng walang laman na scrotum
Kaya naman ang doktor ay kadalasang nagrerekomenda na ang sakit na ito ay lunasan sa pagitan ng 9-15 mga buwan na edad, ngunit kung diagnosed na may Testicular Torsion, kinakailangan ng operasyon sa lalong madaling panahon dahil ito ay medikal na emergency.
Anong Mangyayari Habang Nasa Operasyon?
- Ang undescended testicles na operasyon ay kabilang ang pagbababa ng testicle(s) mula sa tiyan o scrotum papunta sa dapat niyang lokasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng tiyan.
- Tatahiin ng surgeon ang testicle(s) sa tamang lugar.
- Ang surgeon ay tipikal na nagsasagawa ng procedure sa ilalim ng general anesthesia na nasa 45 mga minuto. Sa ibang mga pagkakataon, kinakailangan ng dalawang operasyon kung mas komplikado ang kaso ito ay may 6 na buwang pagitan.
- Sa ibang mga kaso, maaaring magsagawa ang doktor ng pagturok ng hormone bago ang operasyon. Ito’y upang ma-stimulate ang testicle(s) at mapataas ang pag-produce ng dami ng testosterone. Mapadadali nito ang proseso ng pagbababa ng testicle(s).
Matuto pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito.