backup og meta

Ano ang Milia, At Bakit Ito Nangyayari sa mga Newborn Baby?

Ano ang Milia, At Bakit Ito Nangyayari sa mga Newborn Baby?

Isang pagdiriwang na maituturing ang pagkapanganak sa isang sanggol, lalo para sa kanyang mga magulang. Lubos ang kagalakan na nararamdaman ng mga tao sa pagkarating at pagkasilang ng isang newborn. Matapos mawala ang paunang euphoria, maaaring mataranta naman ang mga magulang kung makakita sila ng imperfection sa perpektong balat ng sanggol. Ang pagkakita ng milia sa mga bagong silang na sanggol ay maaaring nakalilito o, kung minsan, nakakaalarma para sa mga magulang. Ngunit ano ang milia sa mga newborn?  May magagawa ba ang mga magulang tungkol sa mga ito?

Ano ang Milia?

Kadalasang tanong ng mga tao kung ano ang milia at bakit nagkakaroon ng ganito ang mga bagong panganak na sanggol.

Ang milia ay tumutukoy sa medikal na termino para sa mga maliliit at puting butlig na maaaring makita sa iba’t ibang parte ng katawan ng sanggol tulad ng ilong, balat, o maging mga pisngi. Maaring mangyari ang mga milia kahit kanino, ano pa man ang edad, mapabata o matanda. Ngunit, ito ay karaniwan sa mga newborn, anuman ang lahi or kultura ng mga ito. 

Dagdag pa rito, ang mga pantal ay karaniwan din sa mga newborn. Karamihan sa mga ito ay hindi naman nakakapinsala. Subalit, ito ay nagiging kadalasang sanhi hindi kinakailangang pag-aalala ng mga magulang. Gayundin ang mga milia. 

Sa kasamaang palad, walang magagawa ang mga magulang para maiwasan ang milia. At sa sandaling lumitaw ito, wala nang magagawa ang mga magulang upang gamutin o tanggalin ito.

Ang mga mili ay resulta ng immaturity ng skin structures. Ngunit, hindi dapat magambala dahil ang mga ito naman ay kadalasang nawawala ng kusa matapos ang ilang linggo o buwan.

Ano ang Milia at Ano ang mga Sanhi Kung Bakit Nagkakaroon ang mga Newborn Nito?

Matapos malaman kung ano ang milia, ang susunod naman na nais alamin ng mga tao ay kung bakit nagkakaroon ng ganito ang mga bagong silang na sanggol. 

Ang Milia ay nangyayari sa hanggang 50% ng mga newborn, ngunit ang mga premature babies ay mas madalas na magkaroon ng milia. Ang 1mm hanggang 2mm na parang perlas na puti o dilaw na papules ay sanhi ng pananatili ng keratin sa loob ng dermis.

Bagama’t kadalasang nagkakaroon sa mukha ng isang sanggol, ang iba naman ay maaari ring magkaroon sa mga sumusunod na parte:

  • Dibdib
  • Mga kamay at binti 
  • Ari
  • Mucus membrane

Ang mga maliliit na papules sa mukha ng mga newborn ay makikita sa anumang normal physical examination. At madaling masuri ng mga doktor ang kondisyon base sa mga clinical findings. 

Karaniwang nawawala ang milia sa loob ng mga unang linggo ng isang newborn, ngunit kung minsan ang kondisyon ay tumatagal at kumakalat sa buong katawan.

Ang pagkalat nito sa buong katawan ay may kaugnayan sa oral-facial-digital syndrome at hereditary trichodysplasia (Marie Unna hypotrichosis). Lumilitaw ang mga katulad na bukol, o Epstein pearls sa gilagid ng sanggol o sa bubong ng kanilang mga bibig. Ang ilang mga sanggol ay nagkakaroon din ng baby acne. Ito ay nakikita bilang maliliit na pulang bukol at pustules sa pisngi, baba, at noo. At, ang mga ito ay maaaring lumabas mayroon o wala man siyang milia. 

Ano ang Milia at Paano Ito Ginagamot sa mga Newborn?

Kusang nawawala ang mga milia, kadalasan sa loob ng unang buwan ng sanggol. Ang ilang mga kaso ay maaaring magpatuloy hanggang sa ikalawa o ikatlong buwan. Bagama’t ito ay maaaring maging sanhi ng pag-aalala para sa mga magulang, ang mga milia naman sa mga newborn ay benign. Ito ang katotohanan at katiyakang dapat malaman ng mga magulang. Walang mga sistematikong komplikasyon ang naitala tungkol sa milia sa newborn. Bukod sa pagiging benign, ang mga sugat nito ay wala ring kaakibat na ibang sintomas.

Ito ay maaaring magamot sa pamamagitan ng simpleng surgical intervention (sa mga matinding uri), ngunit hindi ito kadalasang ginagawa, lalong-lalo na sa mga bata. Isinasagawa ng mga doktor ang pag-opera ng milia sa pamamagitan ng paggawa ng maliit hiwa gamit ang scalpel blade at paglagay ng kaunting pressure sa paggamit ang comedone extractor o curette, tulad ng pagtanggal ng mga tigyawat. 

Makatutulong ang ilang mga remedyo sa bahay para maging maganda ang balat ng sanggol. Hugasan ang mukha ng iyong sanggol araw-araw gamit ang maligamgam na tubig at banayad na sabon para sa mga sanggol. Tapik-tapikin lamang ang kanilang balat upang dahan-dahang matuyo ang kanilang mukha. Dapat din iwasan ang pagkurot at pagkayod sa mga bukol marahil ito ay maaaring magdulot ng higit na pangangati o impeksyon. Bukod pa rito, Iwasang gumamit ng mga lotion o langis sa mukha ng iyong sanggol.

Key Takeaways

Ang phenomenon na kilala bilang milia ay nangyayari sa hanggang 50% ng mga newbord sa buong daigdig. Ang maliliit na puting butlig na lumalabas sa pisngi, noo, ilong, o pisngi ng sanggol ay maaaring mangyari sa anumang edad, ngunit mas karaniwan sa mga newborn. Ito ay buhat ng pagpapanatili ng keratin sa balat ng sanggol.
Dahil ang milia ay benign (walang nakakapinsalang epekto), kadalasang hindi ito ginagamot. Ang naturang kondisyon ng balat ay kadalasang nalulutas sa loob ng isang buwan pagkatapos ipanganak ang isang sanggol.
Kadalasan ang mga magulang lamang ang nag-aalala tungkol sa kung ano ang milia para sa mga newborn. Ngunit, ang kondisyong ito ay hindi naman nangangailangan ng paggamot. Kung gusto ng mga magulang, maaari nilang dahan-dahang hugasan ang mukha ng sanggol gamit ang banayad na sabon pangsanggol. Pagkatapos nito, dahan-dahanin din ang pagpapatuyo ng balat. Ang anumang pagkurot o pagkayod ay maaaring humantong sa karagdagang pangangati o impeksyon sa balat. Sa kabila ng pinakamabuting intensyon ng nag-aalalang mga magulang, pinakamahusay na iwanan ang milia upang mawala nang mag-isa.

Alamin ang iba pa tungkol sa Unang Taon ni Baby dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Newborn Skin: Part I. Common Rashes, https://www.aafp.org/afp/2008/0101/p47.html, Accessed January 11, 2022

Newborn Skin: Common Skin Problems, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5574071/, Accessed January 11, 2022

Milia: Symptoms & causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/milia/symptoms-causes/syc-20375073, Accessed January 11, 2022

Milia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK560481/, January 11, 2022

[Basan’s syndrome: Congenital absence of dermatoglyphs and milia], https://europepmc.org/article/med/19442797, January 11, 2022

Kasalukuyang Version

03/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Tummy Time Sa Mga Bata? Alamin Dito!

Maaari bang mawala ang acid reflux sa sanggol? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement