Sa pagdating ng ikaanim na buwan ng iyong sanggol ay nangangahulugang mas matagal ka nang nagpapasuso. Ang iyong sanggol ay mas lumalaki sa paglipas ng araw. Ngunit kailan mo malalaman kung oras na upang magpakilala ng solid food sa sanggol? Anong uri ng solid food ang maaari mong ibigay sa iyong anak? Lahat ng mga tanong na ito ay masasagot sa artikulong ito.
Handa na ba ang Iyong Sanggol sa Solid Food?
Sa paglaki ng mga sanggol, nangangailangan sila ng solid food upang masiguro ang sapat na nutrisyon para sa paglaki at development. Ang iron, zinc at iba pang mahahalagang nutrisyon ay ilan lamang sa mga nutrisyon na makikita sa solid food.
Ayon sa Dietary Guidelines for Americans and the American Academy of Pediatrics (AAP), ang mga sanggol ay dapat na unti-unting matutuhan na tumanggap ng pagkain maliban sa gatas ng ina o milk formula sa panahon na sila ay makatuntong sa 6 na buwan.
Para sa anim na buwan na buhay, ang mga sanggol ay nag u-utilize ng iron na nakaimbak sa kanilang katawan simula pa lamang na sila ay nasa sinapupunan. Makikita rin ang iron bilang pinaka pinanggagalingan ng kanilang nutrisyon, tulad ng gatas ng ina at/o infant formula. Gayunpaman, sa patuloy nilang paglaki, ang kanilang iron ay bumababa. Kaya’t kailangan nilang magsimulang kumain ng solid food sa pagtuntong ng anim na buwan.
Gayundin, ang mga sanggol ay may extrusion reflex ng dila hanggang sa sila ay nasa 4 hanggang 6 na buwang gulang, na ang ibig sabihin ay ginagamit nila ang kanilang dila upang itulak ang pagkain sa kanilang bibig. Ang pagbibigay ng solid food nang mas maaga sa kanila ay may banta na mabulunan.
Ano ang mga Senyales na ang Iyong Anak ay Handa na sa Solid Food?
Mayroong mga paraan upang malaman kung ang iyong anak ay handa nang kumain ng solid food. Ang iyong anak ay dapat magpakita ng ilan sa mga sumusunod na senyales.
- Nakauupo nang mag-isa o may gabay
- Kayang kontrolin ang ulo at leeg
- Bumubuka ang bibig kung nag-aalok ng pagkain
- Sinusubukan na nguyain ang pagkain kaysa itulak sa likod
- Naglalagay ng mga bagay sa bibig
- Kumukuha ng maliliit na gamit tulad ng laruan o pagkain
- Naglilipat ng pagkain mula sa harapan papuntang likuran ng dila upang maghanda sa pagnguya
Anong mga Solid Food ang Dapat na Ipakilala Muna sa Iyong Anak?
Ayon sa AAP, hindi kailangan na magbigay ng solid food na may tiyak na pagkakasunod-sunod.
Ikonsidera ang pagpapakilala ng simpleng solids na walang dagdag na asukal at asin. Hayaan ang iyong anak na mag-eksperimento sa isang sangkap ng pagkain. Ito ay nakatutulong na matukoy kung ang iyong anak ba ay may isyu tulad ng pagtatae, rashes, o pagsusuka. Maghintay ng 3 hanggang 5 araw bago magpakilala ng bagong pagkain. At bago mo pa malalaman, ang iyong anak ay kumakain at nag-eenjoy na ng iba’t ibang bagong pagkain.
Nasa ibaba ang ilan sa solids na maaaring ipakain sa iyong anak:
- Siksik sa iron na cereals
- Nilutong gulay
- Prutas (luto man o minasa)
- Wholegrain na tinapay, cereal, at pasta
Sa paglaki ng iyong sanggol, unti-unting magpalit mula sa purees papuntang minasang mga pagkain na may lumps at textures. Maaari ka ring magbigay ng ginayat na mga pagkain, kasunod ay ang finger food.
Karagdagan, inirerekomenda rin na magpakilala ka ng maaaring allergic na pagkain sa iyong baby bago magpakilala ng ibang complementary na pagkain. Ang mga pagkain na maaaring may allergic ang baby ay:
- Mani at tree nuts
- Itlog
- Produkto na mula sa gatas ng baka
- Wheat
- Crustacean shellfish
- Isda
- Soy
Walang ebidensya na ang pagpapaliban ng pagpapakilala ng allergenic na pagkain ay nakaiiwas sa food allergies. Sa katunayan, ang maagang exposure ng pagkain na naglalaman ng mani ay maaaring magpabawas ng banta ng pagkakaroon ng allergy sa mani.
Kung ang iyong baby ay tumuntong sa anim na buwan, siya ay may kakayahan nang uminom ng tubig. Palamigin ang pinakuluang tubig sa isang cup upang mainom tuwing kakain.
Kung ikaw ay nagpapasuso, ipagpatuloy pa rin. Ito pa rin ang pinaka pinagkukunan na nutrisyon ng iyong anak kahit na nagpakilala ng solid food.
Anong mga Pagkain ang Kailangan na Maiwasan na Ibigay sa Iyong Anak?
Mayroong mga pagkain na hindi dapat na ibigay sa iyong sanggol:
- Gatas ng baka bilang main na gatas na iniinom mula sa 6 hanggang 12 buwan
- Reduced-fat milk o unpasteurized na gatas at dairy foods
- Whole nuts, popcorn, at ibang matitigas na matatamis
- Whole grapes, sariwang carrots, sariwang mansanas, o ibang matitigas na pagkain at gulay
- Honey
- Cordial, soft drink, o matatamis na inumin
- Tea, coffee, o energy drinks
Key Takeaways
Ang AAP ay inirerekomenda ang pagpapasuso sa iyong sanggol bilang pinaka pinagmumulan ng nutrisyon para sa unang 6 na buwan. Ipagpatuloy ang pagpapasuso sa iyong sanggol hanggang sa 12 buwan matapos ang pagpapakilala ng solid foods sa kanilang diet.
Matuto pa tungkol sa Sanggol dito.