backup og meta

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?

Ano Ang Sakit Na Sepsis? At Ano Ang Neonatal Sepsis? 

Ano ang sakit na sepsis sa sanggol? Ang neonatal sepsis ay isang seryosong sakit na kadalasang dumadapo sa mga sanggol na 90 na araw ang gulang. Tandaan na hindi ispesipiko ang mga senyales at sintomas nito. 

Mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng neonatal sepsis ang mga sanggol na kulang sa buwan (premature baby) dahil sa hindi pa nabubuo nang ganap ang kanilang immune system. 

Kaya gamutin ang neonatal sepsis kahit na ito ay isang seryosong sakit. Lalong-lalo na kung ito ay nakita nang mas maaga. 

Pangunahing naapektuhan dito ay ang dugo ng sanggol na kasisilang pa lang ngunit naapektuhan din ang ibang bahagi ng katawan. Maraming mga bagay ang maaaring maging dahilan ng neonatal sepsis, ngunit ang impeksyon mula sa nga mikrobyo ang pinakadahilan ng impeksyon.

Kailangan na maging malay ang mga magulang sa ganitong uri ng sakit at mahalagang malaman nila ang mga senyales na dapat bantayan, at kung ano ang dapat nilang gawin upang maiwasan itong mangyari sa mga kasisilang pa lamang na sanggol. 

ano ang sakit na sepsis

Mga Sanhi At Risk Factors 

Ngayong alam na natin kung ano ang sakit na sepsis, ano naman ang mga sanhi nito? Maaaring ang sanhi ng neonatal sepsis ay ang iba’t ibang uri ng mikrobyo at depende ito sa kung saan nakuha ng sanggol ang impeksyon.

Ito ang ilan sa mga posibleng dahilan:

Mga Mikrobyo na Sanhi ng Neonatal Sepsis: 

  • Group B streptococcus
  • Escherichia coli o E. coli
  • Staphylococcus, na posibleng dahilan din ng staph infection
  • Haemophilus influenza
  • Listeria monocytogenes

Bukod sa mga mikrobyong posibleng dahilan ng sakit, tandan na ang ilan sa mga virus at fungi ay maaari ding maging dahilan ng neonatal sepsis. 

Sa mga unang impeksyon ng sepsis, ang mikrobyo o bacteria ay maaaring pumasok sa uterus sa pamamagitan ng ari ng ina at maaaring maimpeksyon ang sanggol sa loob ng sinapupunan. Maaari ding matukoy ito bilang impeksyon na nagaganap bago o pagkatapos manganak sa loob ng pitong araw. 

Ang impeksyon ay maaari ding possible kung ang sanggol ay lalabas sa ari ng babae habang ipinapanganak.

Sa kabilang banda, ang ilang sepsis na huli nang nagsisimula ay nagaganap matapos maipanganak. Ang impeksyon ay maaaring lumala sa pamamagitan ng paglapit sa mga matatanda na hindi naghuhugas o naglilinis ng kamay. Maaari din itong tawaging impeksyon na nakukuha sa ospital o pamayanan matapos ang pitong araw pagkatapos maipanganak ang sanggol. 

Ano Ang Sakit Na Sepsis? At Ano-Ano Ang Mga Risk Factors Ng Neonatal Sepsis? 

  • Premature birth (kulang sa buwan) at mababa ang timbang pagkapanganak.
  • Ang panubigan (amniotic sac) ay pumutok 18 oras bago manganak
  • Kasalukuyan/Dating impeksyon ng ina na maaaring maging sanhi ng impeksyon sa panubigan tulad ng strep infection
  • Ang sanggol ay dumaan sa mga “invasive procedures”
  • Fatal distress na maaaring magdulot ng resuscitation matapos maipanganak
  • Matagal na pamamalagi sa ospital (Kung may sakit ang sanggol o kulang sa buwan)
  • Impeksyon mula sa mga magulang o tauhan ng ospital
  • Kalikasan
  • Mababang antas ng pamumuhay

Mga Sintomas At Diagnosis

Ang mga sintomas ng sepsis ay mahirap matukoy lalong-lalo na sa mga unang bahagi nito. Nakadepende ang mga sintomas ng sepsis sa kung ano ang sanhi ng impeksyon at kung saang bahagi ng katawan ng sanggol ang apektado nito.

Gayunpaman, narito ang listahan ng ilang mga karaniwang sintomas na dapat bantayan:

  • paiba-ibang temperatura
  • paiba-ibang vital signs habang at pagkatapos maipanganak tulad ng mabilis na tibok ng puso (rapid heart rate), mabilis na paghinga, atbp.
  • nahihilo ang sanggol at hindi madalas gising
  • wala halos ganang kumain
  • naninilaw at malaking tiyan, atay, o ang spleen
  • problema sa dugo tulad ng pagkakaroon ng pasa o panlalata
  • pagsusuka at pagtatae
  • hindi normal na blood glucose level

 Kung ang inyong anak ay nakararanas ng ganitong mga sintomas ng sepsis, mas maiging dalhin kaagad sa doktor upang sila ay masuri. 

Paano Sinusuri Ang Sepsis?

Ang mga doktor ay kadalasang nagsasagawa ng mga serye ng pagsusuri o tests upang makita kung ito nga ba ay isang sepsis. 

Narito ang mga posibleng metodo ng pagsusuri:

Blood Culture

Isinasagawa ng blood culture pang matukoy kung mayroong mikrobyo sa dugo at kung anong uri ng mikrobyo ang mayroon. 

Sa prosesong ito, kukuha ng sample ng dugo ng sanggol at gagamitin sa bacterial culture upang matignan kung mayroong mikrobyo sa dugo. 

Maaaring magtagal ng ilang araw ang prosesong ito. Kaya habang naghihintay sa resulta, maaari nang simulan ang paggamot ng doktor sa sepsis. Matapos matukoy ang uri ng mikrobyong mayroon, magsasagawa na ng paggagamot ang doktor sa espesipikong mikrobyo kung kinakailangan.

Blood Test 

Tinitignan naman sa blood test kung mayroong senyales na ng sepsis sa atay, sa bato, at sa mga blood cells. Ito ay makatutulong upang malaman ng doktor kung nasaan ang sepsis at kung apektado ba ang mga organ ng katawan. 

Urine Culture 

Katulad ng blood culture, sa urine culture naman ay kukuha ng ihi ng sanggol na gagamitin sa bacterial culture. Ito ay upang makita kung mayroong mga mikrobyong makikita sa urinary tract na maaaring maging sanhi ng neonatal sepsis. 

Lumbar Puncture 

Sa lumbar puncture, kukuha ng cerebrospinal fluid na makukuha mula sa spine ng sanggol sa pamamagitan ng karayom. Ang pagsusuri na ito para sa sakit na meningitis na posibleng komplikasyon ng sepsis

X-Ray Test 

Masusuri sa X-ray ang baga, puso, at mga organ sa bandang tiyan ng sanggol upang makita kung mayroon nang senyales ng impeksyon. 

Paggamot At Pag-iwas 

Nakadepende sa edad ng sanggol, ang kasalukuyang estado ng kanilang kalusugan, at kung gaano kalala ang sintomas ang paggamot sa neonatal sepsis. 

Kung nasuri ng doktor at pinaghihinalaang may sepsis ang inyong anak, agad nilang sisimulan ang pagbibigay ng antibiotics. Ito ay upang malabanan ang mga mikrobyo o bacteria habang naghihintay ang doktor sa resulta ng mga pagsusuri. 

Matapos nilang makuha ang resulta, ang uri ng paggamot ay maaaring magbago ayon sa espesipikong mikrobyo o bacteria na sanhi ng sakit. 

Ang mga bagong panganak at mga sanggol na kulang sa buwan ang kadalasang delikadong magkaroon ng sepsis. Kung pinaghihinalaan na ng doktor na mayroong sepsis ang bagong panganak, inililipat kaagad ang sanggol sa neonatal intensive care unit (NICU)

Babantayang maigi ang inyong sanggol sa NICU at bibigyan ng mga antibiotics, gamot, tubig, pagkain, at suportang oxygen kung kinakailangan. Ang paggagamot sa NICU ay mahalaga sapagkat ang neonatal sepsis ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga bagong panganak na sanggol.

Paano Maiiwasan Ng Mga Magulang Ang Neonatal Sepsis? 

Maaaring maiwasan o mapahinto ang impeksyon sa sepsis. Lalong-lalo na kung nagkaroon ng impeksyon ang sanggol habang nasa sinapupunan o habang siya ay ipinapanganak.

Sa mga sitwasyong ito, ang mahalagang dapat gawin ay dalhin kaagad sa doktor ang inyong anak.

Kahit na hindi maiwasan ang sepsis, narito ang ilang mga bagay na maaaring gawin ng mga magulang upang mapababa ang panganib ng sepsis sa kanilang bagong panganak na sanggol.

Paano Mapabagal Ang Paglala Ng Sepsis? 

  • Ang mga buntis ay kailangang sumailalim sa iba’t ibang serye ng check-up dahil ito ay makatutulong sa pagtukoy kung maryoon silang impeksyon na maaaring malangay sa panganib ang kanilang sanggol dulot ng neonatal sepsis.
  • Magandang isiguro ng buntis na siya ay manganganak sa malinis at ligtas sa mikrobyo na lokasyon.
  • Ang mga buntis ay kinakailangang manganak 12 hanggang 14 na oras matapos pumutok ang panubigan. Ito ay upang maiwasan ang mga posibleng impeksyon.
  • Bago hawakan ang bagong panganak, kailangang siguraduhing nakapaghugas ng kamay nang mabuti upang mapatay ang mga mikrobyo at mga virus na maaaring mayroon sa kamay ng hahawak.
  • Sikaping malinis ang tulugan ng sanggol at siguraduhing nalabhan ang kanilang mga sapin at damit parati.
  • Siguraduhing balaan o bigyan ng babala ang mga bisita na huwag hawakan ang mga bagong panganak o siguraduhing nakapaghugas nang kamay bago ito hawakan.
  • Dalhin din lag isa doktor ang sanggol para sa regular na check-up.
  • Kung may nakita kaagad nakakaibang sintomas, siguraduhing makipag-ugnayan kaagad sa doktor ng inyong anak.

Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, mapapababa ang panganib ng sepsis sa mga sanggol. 

Key Takeaways

Hindi dapat mag-alala nang lubos ang mga magulang pagdating sa neonatal sepsis. Ang mahalagang gawin ay ang regular na konsultasyon, pagsasagawa ng maayos na hygiene, at siguraduhing bantayan at itala ang mga kakaibang sintomas ng bagong panganak.

Matuto ng higit pa ukol sa Mga Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sepsis in neonates | Better Safer Care, https://www.bettersafercare.vic.gov.au/resources/clinical-guidance/maternity-and-newborn-clinical-network/sepsis-in-neonates, Accessed August 5, 2020

Sepsis in the Newborn, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=sepsis-90-P02410, Accessed August 5, 2020

Neonatal Sepsis – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK531478/, Accessed August 5, 2020

Early-Onset Neonatal Sepsis | Clinical Microbiology Reviews, https://cmr.asm.org/content/27/1/21, Accessed August 5, 2020

Neonatal sepsis: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/article/007303.htm, Accessed August 5, 2020

Neonatal Sepsis | Winchester Hospital, https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=102748, Accessed August 5, 2020

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Unang Linggo Ng Sanggol: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Premature Na Panganganak: Ano Ito, Bakit Ito Nangyayari, At Paano Ito Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement