backup og meta

Ano Ang Microcephaly, At Paano Ito Naiiwasan? Heto Ang Dapat Tandaan

Ano Ang Microcephaly, At Paano Ito Naiiwasan? Heto Ang Dapat Tandaan

Ang Microcephaly ay isang nervous system disorder kung saan ang laki ng ulo ng isang sanggol ay mas maliit kumpara sa isang normal na bata para sa kanilang edad at kasarian. Ang kondisyon ay nagreresulta sa abnormal o mas mabagal na development ng utak. Maaaring mangyari ito dahil sa abnormal na paglaki ng utak sa sinapupunan, o mga kondisyon sa panahon ng kapanganakan o infancy. Kung ano ang microcephaly ay maaaring resulta ng mga genetic at environmental factors. Ang mga sanggol at bata na may ganitong kondisyon ay may posibilidad na harapin ang ilang developmental issues.

Sa artikulong ito, tingnan kung ano ang microcephaly, ang iba’t ibang sanhi, sintomas, at tip para maiwasan ito.

Mga Sanhi ng Microcephaly

Bagaman ang eksaktong dahilan ng kondisyon ay hindi malinaw na na-establish, may ilang mga factor na maaaring nauugnay sa pagkakaroon nito. 

Kabilang sa mga posibleng dahilan ang:

  • Congenital microcephaly na sanhi ng isang genetic na problema
  • Acquired microcephaly na dulot ng mga factor sa kapaligiran

Sa congenital microcephaly, ang genetic defect ay nakakaapekto sa brain development. Ang mga batang may Down syndrome at genetic disorder ay kadalasang may microcephaly.

Sa acquired microcephaly, ang paglaki  ng bata ay naapektuhan nang masama dahil sa ilang external factors. Maaaring kabilang ang:

  • Mga impeksyon sa virus: Rubella, Chickenpox o Zika
  • Parasite na impeksyon: Toxoplasmosis o Cytomegalovirus
  • Mga nakakalason na kemikal gaya ng lead
  • Kakulangan ng nutrients 
  • Alkohol at droga

Ang iba pang mga sanhi na nauuwi sa acquired microcephaly ay kinabibilangan din ng:

  • Bagong panganak na dumaranas ng pagdurugo o stroke
  • Pinsala sa utak pagkatapos ng kapanganakan
  • Mga depekto sa spine o utak

Sintomas ng Microcephaly

Ngayong alam na natin kung ano ang microcephaly, pag-usapan naman natin ang mga sintomas nito.

Bagama’t ang pinakamahalagang senyales ng kondisyon ay ang maliit na ulo, may iba pang epekto kung ano ang microcephaly sa pangkalahatang paglaki at pag-unlad ng sanggol. Ang mga epektong ito ay maaaring may matinding sakop sa pagitan ng mild at severe.

Ang mga mild na kaso ng kondisyon ay maaaring magdulot ng maliit na ulo, ngunit walang ibang malalang problema sa bata. Unti-unti, patuloy na lumalaki ang ulo, gayunpaman, maaaring hindi ito umabot sa circumference ng ulo ng normal na bata.

Habang ang ilang mga bata na may microcephaly ay nahihirapan sa pag-aaral, ang iba ay maaaring walang parehong problema. Posible rin na ang ilang mga bata ay hindi makakaranas ng anumang mga problema.

Kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Problema sa pagbalanse at koordinasyon
  • Naantala ang sa pag-upo, pagtayo, paglalakad, atbp.
  • Kahirapan sa paglunok at pagpapakain 
  • Problema sa pandinig
  • Hyperactivity (isang kondisyon kung saan ang bata ay nahihirapang mag-concentrate o manatiling kalmado)
  • Mga seizure
  • Pandak 
  • Problema sa pagsasalita at paningin
  • Abnormal muscle tone (masyadong maluwag o masyadong masikip)
  • Ang isang bata ay maaaring napakaliit o dwarfism

Ang isang sanggol na ipinanganak na may malubhang microcephaly ay maaari ding magkaroon ng paatras na noo.

Panghuli, tandaan na kung ano ang microcephaly ay maaaring bahagi ng isang syndrome ng mga congenital abnormalities, ibig sabihin ay maaaring may iba pang mga isyu sa kalusugan ang sanggol.

Treatment para sa Microcephaly

Bagamat alam na ng medisina kung ano ang microcephaly pati ang sanhi nito, wala pa ring lunas dito. Gayunpaman, ang mga doktor ay dapat magbigay ng gamot at mga therapy para mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng sanggol at tulungan silang makayanan ang mga problema sa development, pag-uugali, at mga seizure.

Ang isang batang may mild microcephaly ay kailangan ng regular na medikal na pagsusuri para matiyak na ang kanilang paglaki ay nasa tamang landas.

Ang mga batang may malubhang kaso ng ano ang microcephaly ay maaaring mangailangan ng panghabambuhay na paggamot. Nangangailangan ng paggamot para mapanatili silang kontrolado. Ito ay dahil ang ilan sa mga sintomas ay maaaring nakamamatay (halimbawa, mga seizure). Sa tamang panghabambuhay na paggamot, pagmamahal at suporta mula sa pamilya, ang bata ay maaaring mamuhay ng masaya at mapayapa.

Ang ilang mga opsyon sa paggamot ay kinabibilangan ng: 

  • Mga gamot para sa mga problema sa pag-iisip tulad ng mga seizure o hyperactivity at para pahusayin ang nerve at muscle functions
  • Speech therapy
  • Physical at occupational therapy

Prevention Tips:

Bagama’t walang garantisadong o napatunayang paggamot para maiwasan ang congenital microcephaly, maiiwasan ang acquired microcephaly kung gagawin ng mga buntis ang sumusunod:

  • Magkaroon ng malusog na eating plan na may mga masasarap na pagkain at prenatal na bitamina
  • Iwasan ang pag-inom ng alak
  • Layuan ang mga kemikal
  • Laging maghugas ng kamay
  • Sundin ang napapanahong paggamot para sa anumang karamdaman
  • Iwasan ang pagpapalit ng litter box ng mga alagang hayop, dahil maaaring may mga parasito ang mga ito 
  • Gumamit ng mga insect repellent na may label na “ligtas sa panahon ng pagbubuntis

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What to know about microcephaly/https://www.medicalnewstoday.com/articles/305880/, Accessed on 8/11/2019

Conditions, http://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/m/microcephaly/symptoms-and-causes/, Accessed August 11, 2019

Facts about Microcephaly, https://www.cdc.gov/ncbddd/birthdefects/microcephaly.html/, Accessed October 8, 2020

Microcephaly, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/microcephaly/symptoms-causes/syc-20375051/, Accessed October 8, 2020

Microcephaly in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=microcephaly-90-P02610, Accessed June 1, 2021

Microcephaly Syndromes, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17980308/, Accessed June 28, 2021

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?

Komplikasyon ng Premature na Sanggol, Anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement