Ang pagngingipin ay isang bagay na inaasahan ng mga magulang sa unang taon ng kanilang sanggol. Kung sakaling ang tanong mo ay, nagngingipin ang aking sanggol, ano ang dapat kong gawin? Tandaan ang mga sumusunod na sintomas ng pagngingipin ng iyong sanggol.
Fact#1: Kung ang pagngingipin ay nangyayari iba-iba sa mga sanggol
Tama, iba-iba ang pag ngingipin sa bawat bata.
Ang mga ulat ay nagsasabi na ang pagngingipin ay maaaring magsimula kapag ang sanggol ay 4 na buwang gulang. Ngunit karamihan ang sintomas ng pagngingipin ay magsisimula sa 6 na buwan.
Kung sakaling umabot sila ng 6 na buwan at wala ka pa ring makitang isang ngipin, huwag mag-panic. Sinasabi ng mga ulat na ang ilang mga sanggol ay maaaring walang ngipin sa kanilang unang kaarawan.
Fact #2: Bibigyan ka ng iyong sanggol ng mga clues
Bago natin talakayin ang mga paraan para paginhawahin ang sintomas ng pagngingipin ng sanggol, pag-usapan natin ang mga senyales na malapit na ang pagngingipin.
- Mababang lagnat: temperatura na 37.8 hanggang 38.2
- Fussiness: ang mga sanggol na malapit nang magkaroon ng ngipin ay maaaring magpakita ng pagkamayamutin at labis na pagkabahala. Maaari mong mapansin na ang masayahin at humahagikgik na bundle of joy ay mas nakakapit at makulit.
- Namamaga at pulang gilagid: Kapag binuksan mo ang kanilang bibig, maaari mong makita na ang kanilang mga gilagid ay pula at namamaga.
- Mouthiness at paglalaway: Ang bibig ay tumutukoy sa kanilang gawi ng pagnguya, pagnganga, o pagkagat ng mga bagay (at maging ang mga tao). Ito ay madalas na may maraming paglalaway.
- Nabawasan ang gana sa pagkain: Kapag malapit nang tumubo ang ngipin, maaaring hindi kumain ang iyong sanggol, lalo na kapag namamaga ang kanyang gilagid.
Ang mga senyales na ito ay makakatulong na maghanda nang mas mahusay para sa sintomas ng pagngingipin ng iyong sanggol. Halimbawa, baka gusto mong mag-stock ng mga bib dahil malalawayan sila nang husto!
Fact#3: Maaari mong ipagpatuloy ang pagpapasuso
Ang aking sanggol ay nagngingipin, ano ang dapat kong gawin? Dapat ko bang ihinto ang pagpapasuso? Ito ay isang karaniwang alalahanin sa mga mommy nakita na ang sintomas ay magiging masakit sa pagpapasuso.
Hindi inirerekomenda ng mga eksperto na ihinto ang pagpapasuso dahil sa sintomas ng pagngingipin. Binibigyang-diin nila ang wastong pagpoposisyon. Kasama dito ang home remedies na nagpapagaan sa namamagang gilagid ng iyong sanggol. Maaari mong ipagpatuloy ang pagpapasuso nang maayos.
Fact #4: Mayroong maraming mga paraan para aliwin ang sanggol
Kung sakaling magsimula ang sintomas ng pagngingipin, gawin ang sumusunod:
- I-massage o kuskusin ang mga gilagid ng sanggol gamit ang iyong mga daliri o basang tela. Maaari mo ring gawin ito bago at pagkatapos ng pagpapasuso.
- Upang mabawasan ang pressure ng gilagid, bigyan sila ng teething rings na maaari nilang nguyain. Para sa karagdagang kaginhawahan, maaari kang pumili ng rings na maaaring palamigin sa refrigerator. Huwag bigyan ang iyong sanggol ng frozen teething ring dahil maaari itong makapinsala sa kanilang mga gilagid.
- Alisin ang dribble sa pamamagitan ng dahan dahang pagpunas sa kanilang mukha; pinipigilan nito ang rashes.
- Para sa mga sanggol na nasa solid food, maaari mo silang bigyan ng malamig na pagkain tulad ng yogurt at applesauce.
Para sa isang masungit o distressed na sanggol, maaari kang makipag-usap sa doktor tungkol sa mga gamot tulad ng paracetamol.
Mag-ingat sa mga produkto at gamot na naglalaman ng belladonna, benzocaine, o lidocaine. “Namanhid” nila ang sakit sa pagngingipin. Pero sinasabi ng mga eksperto na maaari silang magkaroon ng mga potensyal na side-effects.
Panghuli, huwag bigyan ang iyong sanggol ng teething necklaces or bracelets. Bukod sa hindi sigurado kung epektibo, sinasabi ng mga awtoridad na pinapataas nila ang risks ng choking.
Fact #5: Ang mga bagong tubo na ngipin ay nangangailangan ng pagsisipilyo
Panghuli, sa sintomas ng pagngingipin para sa mga sanggol na 6 na buwan hanggang 2 taon, kailangan mong i-brush ang mga ngipin ng fluoride toothpaste. Ito ay dalawang beses sa isang araw, isang beses pagkatapos ng pagkain sa umaga at bago ang oras ng pagtulog.
Gumamit ng isang maliit at malambot na toothbrush at kaunting toothpaste na halos kasing laki ng isang butil ng bigas. Kapag natutong dumura ang iyong anak, kadalasan sa edad na 3, maaari kang gumamit ng toothpaste na pea-sized.
Inirerekomenda din ng American Dental Association at American Academy of Pediatric Dentistry na dalhin ang isang bata sa dentista bago o sa kanilang unang kaarawan.
Kailan dapat humingi ng tulong medikal
Ang mga home remedy ay kadalasang sapat upang mapagaan ang pakiramdam sa pagngingipin. Gayunpaman, dalhin ang iyong sanggol sa doktor kung may mga sumusunod na sintomas dahil maaaring may iba pang mga kondisyon:
- lagnat na 38 C o mas mataas. Ang sintomas ng pagngingipin ay maaaring mag-trigger ng bahagyang pagtaas ng temperatura, ngunit hindi nagiging sanhi ng lagnat.
- Pagtatae
- Runny nose
- Hindi mapakali na pag-iyak
Gayundin, dalhin ang iyong anak sa doktor kung mukhang hindi siya komportable o kapag ang pagngingipin ay nakakasagabal na sa kanilang pag-inom at pagkain.