backup og meta

5 Kalimitang Dahilan ng Rashes ng Baby sa Mukha, At Kung Paano Sila Malulunasan

5 Kalimitang Dahilan ng Rashes ng Baby sa Mukha, At Kung Paano Sila Malulunasan

Malambot, makinis, at spotless – alam natin ganito ang balat ng sanggol. Kaya, naman may mga magulang na nag-aalala sa rashes ng baby. Ang good news ay, karamihan sa rashes ng baby sa mukha ay hindi delikado: ang ilang mga uri ay normal at kusang nawawala, habang ang iba ay kailangan lang ng mga simpleng home remedy. Sa article na ito, pag-uusapan natin ang mga gamot sa rashes ng baby sa mukha.

Ano ang mga kadalasang rashes ng baby sa mukha?

Maraming posibleng dahilan ng rashes sa mukha ng iyong sanggol.

Halimbawa, ang isang allergic reaction sa pagkain, na-expose sa mga irritant, at matinding kondisyon ng klima ay maaaring mag-trigger ng mga rashes na lumitaw – hindi lamang sa mukha, ngunit sa iba pang bahagi ng katawan.

Para malaman kung kailan dapat humingi ng medikal na tulong, importanteng alam mo ang pinaka karaniwang rashes ng baby sa mukha. 

  • Erythema toxicum
  • Milia
  • Newborn at infantile acne
  • Heat rash o bungang araw
  • Spit-up rash

Ang tanong ngayon ay: Ano ang mga gamot sa rashes sa mukha ng baby?

Erythema toxicum (ET)

Sa kabila ng pangalan nito, ang erythema toxicum ay hindi lason. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga full-term na sanggol.

Ang rashes na ito, na madalas ay mukhang maraming pink blotches na may puti o madilaw na “tagihawat” sa gitna, ay maaaring lumitaw sa loob ng unang ilang araw ng baby. Ang mga bagong silang na sanggol ay meron nito hindi lamang sa mukha, kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng katawan, maliban sa mga palad at talampakan.

Hindi pa alam ang eksaktong dahilan ng ET, ngunit hindi sila kagat ng insekto o sintomas ng impeksyon.

Paggamot

Bagamat ang erythema toxicum ay maaaring mukhang nakapag aalala, hindi sila nagdudulot ng anumang pinsala at kadalasang nawawala sa loob ng isang linggo o dalawa. Hindi kinakailangan ang paggamot.

Milia

Kung makakita ka naman ng maraming maliliit na puting bukol sa mukha ng iyong sanggol, malamang na milia iyon. Ang rashes na ito ay nangyayari dahil sa mga naka-block na pores na katagalan ay magbubukas din.

Paggamot

Ang milia ay hindi nagdudulot ng sakit o pangangati kaya hindi kailangan ng gamot sa rashes sa mukha ng baby. Sinasabi ng mga eksperto na kailangan mo lamang na matiyagang maghintay. Ang rashes ay karaniwang nawawala sa loob ng mga linggo o buwan pagkatapos ng kapanganakan.

Baby acne

Ang acne ay hindi lamang isang alalahanin para sa mga tinedyer at matatanda; ang mga sanggol ay maaaring magkaroon din ng mga ito.

Maaaring ang mga bagong silang na sanggol ay magkaroon ng maliliit at mapupulang pimples sa loob ng unang 6 na linggo ng kanilang buhay (neonatal acne) o sa pagitan ng 6 na linggo at 6 na buwan (infantile acne).

Ang baby acne ay isang pangkaraniwang kondisyon na bihirang nagdudulot ng peklat, kaya kadalasan ay hindi na kailangang mag-alala tungkol dito.

Paggamot

Ang gamot sa rashes sa mukha ng baby ay hindi kailangan para dito dahil kadalasang nawawala sila sa loob ng 3 hanggang 4 na buwan. Upang matulungan silang manatiling komportable, dahan-dahang hugasan ang kanilang mukha ng maligamgam na tubig at patuyuin. Huwag kuskusin o tirisin ang mga pimples.

Bungang araw

Kung paanong ang mga matatanda ay madaling kapitan ng bungang araw, gayundin ang mga sanggol!

Ang mga prickly heat rashes ay maliliit na pulang bukol na nagdudulot ng pangangati at discomfort. Ang mga ito ay kadalasang nangyayari dahil sa mga naka-block na sweat glands at mas madalas sa panahon ng tag-araw.

Paggamot

Tipikal na hindi kailangan ng paggamot sa bungang araw. Kailangan mo lang siguruhin na presko ang pakiramdam ni baby at hindi pawis. Gayunpaman, kung ang iyong sanggol ay mukhang masyadong hindi komportable, maaaring kailanganin nila ang topical medicine upang mabawasan ang pangangati. Huwag maglagay ng anumang lotion, ointment, o baby powder maliban kung inaprubahan ng pediatrician ng iyong sanggol.

Spit-up rash

Ang labis na paglalaway, na kadalasang nangyayari kapag ang sanggol ay nagngingipin, ay maaaring makairita sa balat at maging sanhi ng rashes. Ang mga pantal na ito ay mga pulang bukol o patches sa baba, leeg, o dibdib ng sanggol. Hindi lamang makati ang mga spit-up rashes, ngunit maaari rin itong magdulot ng pananakit sa iyong sanggol.

Paggamot

Ang pinakamahusay na gamot sa spit-up rashes ng baby sa mukha ay ang panatilihing malinis at tuyo ito. Iwasan ang anumang bagay na maaaring lalong makairita sa balat, tulad ng matapang na sabon o magaspang na tela. Maghanda ng ilang malinis at malambot na tela upang punasan kaagad ang laway. Huwag maglagay ng anumang produkto sa rashes maliban kung mayroon kang signal mula sa pediatrician.

Kailan Dapat Humingi ng Tulong Medikal

Ang gamot sa rashes ng baby sa mukha ay hindi laging kailangan. Ngunit kung ang mga pantal sa mukha ay hindi katulad ng anumang napag-usapan natin sa itaas, maaaring senyales ang mga ito iba pang health condition na kailangan ng medical intervention.

Halimbawa, ang mga tuyo at nangangaliskis na patches na nagdudulot ng pangangati ay maaaring eksema. Ang mga sanggol na may matingkad, pulang pantal o paltos sa bibig ay maaaring nakakaranas ng sakit na hand, foot, and mouth disease , isang uri ng impeksyon. Panghuli, ang paglitaw ng mga pulang bukol o pantal pagkatapos kumain ng isang partikular na pagkain ay maaaring isang allergic reaction.

Siyempre, dalhin din ang iyong sanggol sa doktor, kung ang kanyang mga pantal ay hindi nawawala tulad ng inaasahan, sila ay mukhang masyadong hindi komportable, o mayroon silang iba pang mga sintomas tulad ng lagnat. 

Sa ganitong paraan, matututo ka ng mga tamang gamot sa rashes ng baby sa mukha.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Newborn Rashes and Skin Conditions
https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/zx1747
April 26, 2021

Erythema Toxicum
https://kidshealth.org/en/parents/erythema-toxicum.html#:~:text=Erythema%20toxicum%20%E2%80%94%20also%20called%20erythema,all%20newborns%20will%20have%20ETN.
April 26, 2021

Baby acne
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/baby-acne/diagnosis-treatment/drc-20369885
April 26, 2021

Milia
https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/milia
April 26, 2021

Newborn Rashes and Birthmarks
https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/newborn-rashes-and-birthmarks/
April 26, 2021

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement