backup og meta

Rashes ng baby o erythema toxicum, dapat bang ipag-alala?

Rashes ng baby o erythema toxicum, dapat bang ipag-alala?

Kilala ang newborn babies sa kanilang malambot at makinis na balat. Kaya madaling nag-aalala ang mga magulang kapag nakakita ng rashes ng baby. Dahil ang anumang uri ng pantal ay pwedeng maging sanhi ng discomfort sa anak. Gayunpaman, ang ilang mga pantal ay normal at hindi nangangailangan ng treatment. Isa na dito ang mga pantal na kilala bilang “erythema toxicum” na pwedeng taglayin ng baby. 

Narito ang kailangan mong malaman tungkol dito.

Rashes ng baby: Ano ang Erythema Toxicum?

Isang benign na kundisyon ang Erythema toxicum neonatorum, o toxic erythema ng bagong panganak na sanggol. Kung saan, isa itong self-limiting condition na ang ibig sabihin ay mawawala ito nang kusa. Ito’y isang newborn rashes na hindi nangangailangan ng paggamot.

Bagama’t “unknown cause” ito, karaniwan ito sa mga bagong silang na bata — at wala ito sa lahi o sexual predisposition. Sa katunayan, ang erythema toxicum ay nagaganap sa halos 50% ng mga full-term infants.

Rashes ng baby: Paano Masasabi ng mga Magulang Kung Ito’y Erythema Toxicum

Napakadaling makita ng toxic erythema sa’yong bagong panganak. Ang isang palatandaan dito ay pagdebelop nito sa loob ng 24-48 na oras pagkatapos ng kapanganakan. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang mga pantal ay pwedeng tumagal hanggang 10 araw — pagkatapos ng panganganak.

Sa una, lumilitaw ang mga sugat bilang mga pulang tuldok na pwedeng maging macules (flat) o papules (butlig na nakakapa). Kalaunan sila’y nagiging pustules na may mga nakataas na bukol na pwedeng may likido sa loob. Tandaan na kahit may likido ito na mukhang nana — wala itong impeksiyon.

Maaaring magkaroon ng erythema toxicum ang mga bagong silang sa kanilang mukha, dibdib, likod, braso, at binti. Maliban sa kanilang mga palad at talampakan.

Karaniwan, ang mga mala-sugat na ito ay nag hihilom sa loob ng 14 na araw. Ang pag-ulit nito ay hindi naman karaniwan. Ngunit gayon pa man, posible pa rin ito mangyari. Kung umuulit ang toxic erythema, kadalasang nangyayari ito sa ika-6 na linggo ng baby.

[embed-health-tool-baby-poop-tool]

Mas Prone ba sa Toxic Erythema ang ilang Babies?

Habang ang eksaktong dahilan ng toxic erythema ay hindi pa alam. Ang health experts ay nag-iisip na may kinalaman ito sa newborns’ hair follicles.

Karaniwang mas maraming hair follicle ang newborn babies kaysa sa mga matatanda — at ang inflammatory cells ay may posibilidad na makolekta sa mga follicle na iyon.  Sa panahon ng mga tests, madalas ang mga doktor ay nakakahanap ng bakterya sa follicular epithelium — at inflammatory cells. Para sa kadahilanang ito, ang ilang mga eksperto ay nag-isip na ang erythema toxicum ay nagaganap — dahil sa bakterya o microbes na nagpe-penetrate sa follicles.

Pwedeng nagpapaliwanag din ito kung bakit hindi nakakaapekto ang lesions sa mga palad at talampakan. Dahil wala silang mga follicle ng buhok.

Ang mga sanggol na ipinanganak sa vaginal canal, partikular sa mainit at basang klima ay mukhang mas madaling magkaroon ng mga pantal. Sinasabi sa mga ulat na nagpapahiwatig din ito ng isang positibong koneksyon. Sa pagitan ng haba ng panganganak, maging sa paglitaw at tagal ng erythema toxicum.

Ano ang Iba Pang mga Kondisyon na May Parehong Sintomas?

Maaaring benign, self-limiting, at asymptomatic ang erythema toxicum. Gayunpaman, ang ibang mga kondisyon ay nagdudulot ng parehong mga sintomas. Ang ilan sa mga ito ay nangangailangan ng treatment.

Kabilang sa mga kondisyong ito ang mga sumusunod:

  • Mga impeksyon, tulad ng folliculitis, congenital cutaneous candidiasis, at impetigo. Tandaan na ang anumang uri ng impeksyon ay nangangailangan ng agarang paggamot ng doktor.
  • Pantal dahil sa init o heat rash
  • Ang transient neonatal pustular dermatosis ay isa pang benign condition na hindi rin nangangailangan ng paggamot
  • Acne neonatorum o neonatal acne

Kailan Dadalhin ang Iyong Baby sa Doktor?

Kahit na maraming mga pantal sa bagong panganak, tulad ng erythema toxicum, mayroong mga pagkakataon na nangangailangan ito ng medikal na atensyon. Kaya ang tanong, paano ito matutukoy ng mga magulang? Kung ang kanilang sanggol ay nangangailangan ng tulong medikal?

Una, palaging dalhin ang iyong baby sa kanilang scheduled check-up. Sa ganoong paraan, makikita ng doktor agad ang anumang pantal na hindi karaniwan. Maaaring makatulong din ang mga sumusunod na tip:

  • Subukang magpagulong ng malinaw na baso sa ibabaw ng pantal. Ang isang pantal na hindi kumukupas kapag nadiinan ay maaaring nagpapahiwatig ng meningitis rash.
  • Subaybayan ang iba pang mga sintomas, tulad ng ubo, sugat, matubig na mata, o mga puting spot sa loob ng kanilang bibig. Dahil pwedeng tumutungo ang mga ito sa pagkakaroon ng tigdas. Ang lagnat ay maaaring senyales din ng impeksiyon.
  • Tandaan ang tagal ng pantal. Kung ang mga pantal ay hindi bumuti gaya ng inaasahan — o lumala sa paglipas ng panahon, dalhin ang iyong sanggol sa doktor.

Key Takeaways

Ang Erythema toxicum ay isang benign condition na hindi pa rin kumpirmado ang eksaktong  dahilan. Sinasabi na ang kondisyong ito ay hindi humahantong sa iba pang mga sintomas. Ito rin ay mawawala sa sarili nitong paraan, nang walang paggamot. Kadalasan, ang toxic erythema ay naaalis ng kusa, karaniwan sa loob ng 14 na araw.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Erythema Toxicum Neonatorum, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/erythema-toxicum-neonatorum, Accessed January 11, 2021

2 Erythema Toxicum, https://kidshealth.org/en/parents/erythema-toxicum.html#:~:text=, Accessed January 11, 2021

3 ERYTHEMA TOXICUM NEONATORUM, https://www.aocd.org/page/ETN, Accessed January 11, 2021

4 Toxic erythema of the newborn, https://dermnetnz.org/topics/toxic-erythema-of-the-newborn, Accessed January 11, 2021

5 Erythema Toxicum, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470222/, Accessed January 11, 2021

6 Meningitis, https://www.nidirect.gov.uk/conditions/meningitis, Accessed January 11, 2021

Kasalukuyang Version

03/26/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement