backup og meta

Pacifier para sa Baby: Heto Ang mga Bagay na Dapat Mong Tandaan

Pacifier para sa Baby: Heto Ang mga Bagay na Dapat Mong Tandaan

Karaniwan sa mga baby ang mahilig magsubo. Ilan sa kanila ang sumisipsip na ng hinlalaki nila o iba pang daliri bago pa man sila ipanganak. Madalas ding humingi ng pisikal at emosyonal na suporta ang mga baby mula sa kanilang mga magulang kapag gising sila. Kasunod nito, may nakakakalmang epekto ang pacifier sa mga nagagalit at umiiyak na bata. Kailan dapat gumamit ng pacifier para sa baby?

Kadalasang nagsisilbing mabisang kapalit ang pacifier para sa presensya ng mga magulang o para magpakalma ng mga baby kapag nag-tantrum sila. Samakatuwid, itinuturing itong kapaki-pakinabang na gamit ng maraming magulang na nakatutulong para aliwin ang kanilang anak. Ngunit talaga bang mabuti ang pacifier para sa iyong maliit na anak?

Pacifier para sa Baby: Pros

Para sa ilang baby, pacifier ang susi sa kasiyahan sa pagitan ng pagkain. Narito ang mga bagay na kayang gawin ng pacifier:

  • Paginhawain ang pakiramdam ng umiiyak na baby
  • Pansamantalang abalahin ang baby
  • Nagiging independent ang baby sa pamamagitan ng pagpapakalma ng sarili niya
  • Hikayatin ang baby na makatulog
  • Paginhawain ang pakiramdam nila sa biyahe

Pinaniniwalaang napabababa ng pacifier ang panganib ng sudden infant death syndrome (SIDS). Disposable ang pacifier at samakatuwid, madali itong itapon kapag nasira, o umabot na sa petsa ng expiration date.

Pacifier para sa Baby: Cons

Siyempre, may mga kahinaan din ang pacifier. Isaalang-alang ang mga pagkukulang nito:

  • Maaaring makagambala sa pagpapasuso ang maagang paggamit ng pacifier. Karaniwang matagal bago masanay sa pagpapasuso ang baby at ang bagong ina. Kapag ipapakilala ang pagpapasuso sa iyong anak, madalas pinapayo na ilayo ang pacifier sa baby. Kapag sumususo ang iyong anak sa iyong utong, tinutulungan nito ang iyong mammary glands na maglabas ng breast milk. Ginagawa nitong mas madali ang pagpapasuso para sa ina, at mas gusto din sumuso ng baby kaysa gumamit ng pacifier.
  • Maaaring dumepende masyado sa pacifier ang iyong anak hanggang sa mahirapan kang tulungan siyang tanggalin ang habit na ito.
  • Maaaring magdulot ito ng panganib sa middle ear infections.
  • Posibleng humantong ang matagalang paggamit ng pacifier sa mga problema sa ngipin.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Kung gusto mo pa ring bigyan ng pacifier ang iyong anak, tandaan ang mga tip na ito:

  • Maghintay hanggang sa sanay na ang iyong anak sa pagpapasuso.
  • Huwag gamitin ang pacifier bilang unang opsyon para pakalmahin ang anak.
  • Pumili ng silicone one-piece, dishwasher-safe na pacifier.
  • Huwag pilitin ang iyong anak na maging komportable sa mga pacifier. Hindi ito nagugustuhan ng lahat ng baby.
  • Panatilihing malinis ang pacifier sa lahat ng oras. I-sterilize ang pacifier sa kumukulong tubig sa tuwing madidikit ang tsupon sa mga bagay tulad ng sahig, kama, bedside table, atbp.
  • Tiyakin na hindi gumagamit ng iisang pacifier ang iyong mga anak. Dapat magkaroon ng sari-sariling pacifier ang iyong mga anak upang hindi mailipat mula sa isa patungo sa isa pa ang mga mikrobyo.
  • Huwag lagyan ng asukal ang pacifier upang maiwasan ang pagkabulok at pagkasira ng ngipin sa mahabang panahon.
  • Siguraduhing bumili ng pacifier na walang Bisphenol – A (BPA) dahil kilala ito sa pagkakaroon ng masamang epekto sa mga baby.

Pacifier para sa Baby: Huwag Bigyan ng Pacifier ang Iyong Anak Kung…

Huwag magbigay ng pacifier sa baby na humaharap sa mga problema na may kinalaman sa pagtaas ng timbang. Kung nahihirapan ang anak sa pagsuso o walang sapat na gatas ang isang bagong ina na kinakailangan ng kaniyang anak para mapangalagaan nang mabuti, mas mabuting hindi pagamitin ng pacifier ang baby, sa ngayon. Ganoon din sa mga baby na pabalik-palik ang kaso ng impeksyon sa tainga.

Kung ayaw mong bigyan ng pacifier ang iyong anak sa ospital, sabihin agad sa mga nars – lalo na kung plano mong magpasuso. Gayunpaman, hindi naman masasanay kaagad ang iyong anak sa pagbibigay sa kanila ng pacifier ng isa o dalawang araw. Gayundin, hindi naman makatuwiran para sa iyo na magpakilala ng isang bagay sa iyong anak na hindi mo rin gagawin sa bahay.

Key Takeaways

Maraming pros at cons sa paggamit ng pacifier para sa baby. Maaaring gumamit ng pacifier para pakalmahin ang umiiyak na anak, o para hikayatin silang matulog. Gayunpaman, maaari ding makagambala sa pagpapasuso ang maagang pagpapagamit ng pacifier. Para may malaman pa tungkol dito, komunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infant and toddler health/https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/pacifiers/art-20048140 /

Accessed on 08/11/2019

What should In know about giving my breastfed baby a pacifier? https://kellymom.com/ages/newborn/newborn-concerns/pacifier/

Accessed on 08/11/2019

Baby Pacifiers: Yay or Nay The Truth About Using Pacifiers/https://www.mamanatural.com/baby-pacifiers/

Accessed on 08/11/2019

Effect of restricted pacifier use in breastfeeding term infants for increasing duration of breastfeeding, https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD007202.pub4/full Accessed on 06/28/2021

Pacifier Restriction and Exclusive Breastfeeding, https://pediatrics.aappublications.org/content/131/4/e1101

Accessed on 06/28/2021

The Diagnosis and Management of Acute Otitis Media, https://pediatrics.aappublications.org/content/131/3/e964

Accessed on 06/28/2021

Breastfeeding and the Use of Human Milk, https://pediatrics.aappublications.org/content/129/3/e827.full

Accessed on 06/28/2021

SIDS and Other Sleep-Related Infant Deaths: Updated 2016 Recommendations for a Safe Infant Sleeping Environment, https://pediatrics.aappublications.org/content/138/5/e20162938

Accessed on 06/28/2021

Pacifiers: Are they good for your baby?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/pacifiers/art-20048140

Accessed on 06/28/2021

Thumb, Finger and Pacifier Habits. American Academy of Pediatric Dentistry. , http://digital.ipcprintservices.com/publication/?m=17255&l=1Accessed on 06/28/2021

Pacifiers: Satisfying your baby’s needs, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/crying-colic/Pages/Pacifiers-Satisfying-Your-Babys-Needs.aspx
Accessed on 06/28/2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement