backup og meta

Paano Patulugin Ang Sanggol Ng Mahimbing? Heto Ang Dapat Tandaan

Paano Patulugin Ang Sanggol Ng Mahimbing? Heto Ang Dapat Tandaan

Hindi bago sa mga magulang ang pagpupuyat. Pero kahit na ayaw matulog ng iyakin na baby, dapat makahanap pa rin ng diskarte at gawan ng paraan ito. Narito ang mga tips kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing.

Pakalmahin ang iyong sanggol

Ang pagpapakalma ay kasama sa home remedies para sa sanggol na ayaw natutulog. Sinasabi ng mga eksperto na binabawasan nito ang kanilang cortisol levels, ang hormone na nagpapasigla sa kanila. 

Madalas na pinapakalma ng mga mommy ang kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng marahang pag-hele o pagkanta ng mga lullabies. Kung sakaling hindi gumana ang klasik na pampatulog na ito, gawin ang mga aprubadong hakbang ng doktor. Ito ay kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing:

  • Baby massage
  • Pagpapaligo at pagpapalit ng malinis na damit at lampin. 
  • Swaddling; magagawa mo lamang ito kung nakakadapa na ang sanggol
  • Pag-dim o pagbabawas ng ilaw
  • White noise o gentle sounds
  • Feeding hanggang sa sila ay inaantok na o nakarelaks, pero gising pa rin.

Ang susi ay upang bawasan ang aktibidad kung malapit sa oras ng pagtulog at gawin ang pagpaparelax sa sanggol.

Gumawa ng iskedyul

Sinasabi ng mga eksperto na magagawa ang mahimbing na tulog ni baby sa paggawa ng sleep-wake schedule. Maaaring napakabata pa nila para malaman ang oras, pero ang kanilang katawan ay nagre-react sa regularidad at mga pattern.

Payo ng mga Pediatrician na magkaroon ng mga pampakalmang gawain (tulad ng mga nabanggit sa itaas) na hudyat ng pagtatapos ng araw.

Ang isang karagdagang tip ay tiyaking pinapatulog mo sila kung saan sila dapat matulog.

Maraming mga ina ang madalas na hinahayaan ang kanilang mga sanggol na makatulog sa kanilang mga bisig dahil ito ay gumagana. Ngunit kung ito ay palaging nangyayari, may pagkakataon na maaari nilang asahan na palagi mo silang kakargahin  kapag oras na ng pagtulog.

Mahalaga: Ang pagpapatulog sa mga sanggol sa iyong mga bisig ay mapanganib din dahil maaari kang makatulog, at ang sanggol ay maaaring mapunta sa isang delikadong posisyon.

Kapag may iskedyul na kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing , huwag itong baguhin. Pero, kung ang mga bagay ay hindi epektibo, gumawa ng ilang mga adjustment. Halimbawa, pwedeng kailanganin ng iyong anak ng mas maagang nap time o pag gising para sa pagpapakain sa hatinggabi kung makakatulong ito sa kanila na makatulog sa buong gabi.

Para sa older babies, maari ang isang transitional object

Ang isang transitional object ay makakatulong sa mahimbing na tulog ni baby. Ito ay mga bagay na maaaring dalhin ng mga sanggol sa kanilang kama; maaaring ito ay isang manika, isang kumot, o anumang bagay na pipiliin ng bata upang maiwasan ang pagkabalisa. Sinasabi ng mga eksperto na ang mga transitional na bagay ay pisikal na kumakatawan sa kanilang “unang panlabas na bagay,” na kadalasan ay ang ina.

Gayunpaman, siguraduhing magbigay lamang ng isang transisyonal na bagay sa mas malaki ng mga sanggol na kayang gumulong at umupo. Ito ay upang maiwasan ang panganib ng suffocation.

Huwag mag-panic sa late-night na paggising

And finally, kasama sa home remedies kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing ay ang kalmadong pag handle ng pag gising sa gabi.

Nakaugalian na ng mga mommy na kunin kaagad ang kanilang sanggol kapag nagising sila sa hatinggabi. Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na maaaring hindi ito nakakatulong.

Ang maaari mong gawin sa halip ay maghintay ng ilang minuto. Maraming mga sanggol ang namimilipit at umiiyak ng kaunti bago makatulog muli; kapag ganoon, ang pagkarga sa kanila ay maaaring ganap na magpagising sa kanila.

Kung hindi sila tumitigil sa pag-iyak, maaari mo silang aliwin sa pamamagitan ng pag-kausap nang mahina at gentle na tapik. Kung sa tingin mo ay ganap na silang nagising dahil sa gutom o basang lampin, asikasuhin sila nang tahimik at malumanay hangga’t maaari. Panatilihing nak-dim ang mga ilaw. 

Mga alituntunin para sa kaligtasan

Bago natin tapusin ang usapang ito kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing, magkaroon tayo ng kaunting review sa mga sumusunod na alituntunin sa kaligtasan: 

  • Hinihikayat ang room sharing, pero ang bed-sharing ay nagpapataas ng risk ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS).
  • Gumamit ng matibay na kutson at tiyaking akma ang kumot.
  • Iwasan ang labis na pag-kumot sa iyong maliit na bata.
  • Kung gusto nila ito, maaari mo silang bigyan ng pacifier. Kung ito ay malaglag sa gabi habang sila ay natutulog, hindi mo ito kailangang palitan.
  • Huwag maglagay ng anumang bagay sa crib. Maaari mong bigyan sila ng isang transitional na bagay, kung ang bata ay may sapat na lakas na para gumulong at umupo.

Kumunsulta sa pediatrician ng iyong sanggol kung nagpapatuloy ang mga pagkagambala sa gabi.

Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The 6 Best Ways to Make Your Baby Tired (and 3 Things NOT to Do), https://health.clevelandclinic.org/the-6-best-ways-to-make-your-baby-tired-and-3-things-not-to-do/, Accessed February 24, 2021

Phasing out sleep habits: baby and child sleep strategy, https://raisingchildren.net.au/babies/sleep/solving-sleep-problems/changing-sleep-patterns, Accessed February 24, 2021

Helping your baby to sleep,https://www.nhs.uk/conditions/baby/caring-for-a-newborn/helping-your-baby-to-sleep/, Accessed February 24, 2021

Transitional object, https://dictionary.apa.org/transitional-object, Accessed February 24, 2021

Infant Sleep, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=infant-sleep-90-P02237, Accessed February 24, 2021

Sleep and Your 1- to 3-Month-Old, https://kidshealth.org/en/parents/sleep13m.html, Accessed February 24, 2021

Kasalukuyang Version

03/06/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement