backup og meta

Paano Patahanin Ang Sanggol: Mga Tips Na Dapat Mong Tandaan

Paano Patahanin Ang Sanggol: Mga Tips Na Dapat Mong Tandaan

Palaging mahirap patahanin ang umiiyak na sanggol at pinakamahirap na aliwin sila. Lalo na para sa mga bagong magulang na hindi pa sanay maging magulang. Maaaring mahirap ito sa una, pero habang natututo ka, maiintindihan mo na maraming paraan para pakalmahin ang umiiyak na sanggol. Maraming mga paraan para pasayahin at patawanin ang iyong sanggol. Una, mas mabuting kalmahin mo ang iyong sarili at alamin ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Ang tanong, ‘paano patahanin ang sanggol?’ basahin dito para malaman ang mabisang mga tip.

Bakit umiiyak ang mga sanggol?

Ito ang ilang karaniwang dahilan kung bakit umiiyak ang iyong sanggol. 

  • Basa o maruming lampin
  • Pagod
  • Gas
  • Stranger anxiety o takot
  • Kulang sa tulog
  • May masakit o pagkakasakit
  • Gutom
  • Colic, acid reflux, o mga allergy sa pagkain
  • Dahil sa ingay o aktibidad

Ito ang mga dahilan kung bakit patuloy na umiiyak ang iyong sanggol. Dapat mong alamin kung bakit umiiyak ang iyong babyl.

Paano patahanin ang sanggol 

Mahalagang sundin mo ang mga payo na ito na magpapakalma sa iyong anak at ibalik siya sa kanyang normal na pag-uugali. Ang pinakamahusay at epektibong paraan ay ang mga sumusunod:

Magsimula sa Basic Needs

Minsan, umiiyak ang iyong sanggol dahil gutom lang. Ito ay pwedeng sa anumang oras ng araw at gabi. May mga pagkakataon din na umiiyak ang anak mo para lang makuha ang atensyon mo. Kapag ganito, huwag magalit, sa halip, makipaglaro sa kanya.

Kumanta

Kargahin ang iyong sanggol, at tahimik na kumanta o makipag-usap sa iyong sanggol. Kumanta ng mahina. Makakatulong ito sa iyong anak na maging mahinahon at maaliw. Maaaring kausapin ng mahina at sabihin ang ‘Okay ka lang’, ‘Okay lang’, ‘Nandito ako para sa iyo’, ‘Maganda ang lahat’ atbp.

Ipasyal ang Iyong Sanggol

Kung maganda ang panahon, ilagay ang iyong sanggol sa stroller at maglakad ng kaunti. Maaari mo ring i-buckle ang sanggol sa kanyang upuan sa kotse at magmaneho ng maikling biyahe. Gayunpaman, pinakamahusay na maglakad. Dahil makakatulong ito sa kanya na mapayapang tumingin sa paligid at maging maganda ang pakiramdam. 

Sumayaw

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan para aliwin ang iyong anak ay ang pakikinig ng music at pagsayaw. Huwag mahiya dahil maaaring magustuhan ito ng iyong anak at sumama sa iyo. Palaging pinakamahusay ang musika at sayaw pagdating sa pag-aliw sa isang bata.

Pakainin

Umiiyak ang mga bata kapag gutom na gutom. Kaya, mahalaga na pakainin ang iyong anak tuwing tatlo hanggang apat na oras. Kung nalilito ka tungkol sa mga timing ng pagkain, hingin ang tulong ng doktor na gabayan ka. I-breastfeed o bigyan ng formula milk at tingnan kung ang iyong anak ay magiging kalmado.

Ito ang mga payo na dapat mong subukan kung paano patahanin ang sanggol. Sa ngayon, kailangan mong tandaan ang ilang pointers na magiging kapaki-pakinabang para sa sanggol.

Mga Bagay na Dapat mong Isaisip Kung Paano Patahanin ang Sanggol

Basahin ang mga pointers para maintindihan ang mga dapat tandaan habang inaaliw ang imiiyak na sanggol.

Kumalma

Palaging paalalahanan ang iyong sarili na normal na ma-frustrate kapag umiiyak ang iyong sanggol. Tandaan,  kung mawala ang iyong pasensya at magalit ka, hindi rin ito makatutulong sa iyo kung paano patahanin ang sanggol. Baka mas madaragdagan lang ang iyong problema.

Mag-time Out

Kung sa tingin mo ay malapit ka nang mawalan ng pasensya, ilagay ang iyong anak sa isang ligtas na lugar, tulad ng kanyang silid. Lumabas ng silid para makalanghap ng sariwang hangin.

Kapag sa tingin mo ay handa ka na, puntahan ang iyong umiiyak na sanggol. Siguraduhin lang na hindi ka sobrang matatagalan sa pagpapahinga kung ikaw lang ang kasama ng iyong anak.

Maging Makatotohanan

Laging tandaan na hindi ka nagkukulang sa pagpapalaki sa iyong sanggol kung hindi mo mapigilan ang kanyang pag-iyak. Minsan kailangan lang umiyak ng mga sanggol. Hayaang umiyak ang iyong anak na naroon ka at aliwin siya. Siguraduhin na dama ng iyong anak ang kapayapaan at katiwasayan kapag karga mo siya.

Humingi ng Tulong para Kalmahin ang Umiiyak na Sanggol

Humingi ng tulong mula sa iyong partner o mga miyembro ng iyong pamilya. Samantalahin ang mga alok sa pag-aalaga ng sanggol mula sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan o kapitbahay. Gamitin ang oras para umidlip o mag-relax at kalmahin ang iyong sarili.

Maging Magiliw sa Pagpapatahan ng Umiiyak na Sanggol

Maging malumanay pagdating sa pag-aliw at pagpapatahan sa iyong anak. Ngunit tandaan na huwag kalugin ang iyong sanggol. Sila ay may mahinang kalamnan sa leeg at mahirap para sa kanila na suportahan ang kanilang mga ulo.

Ang pag-alog sa iyong sanggol dahil sa hindi siya mapatahan ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto.  Pagkabulag, pinsala sa utak o mental retardation ang ilan sa mga side effect. Ang matinding pag-alog ay maaaring life-threatening o nakamamatay.

Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong kakayahang patahanin ang sanggol, humingi ng tulong sa  isang miyembro ng pamilya o kaibigan para sa suporta. Kung sa tingin mo ay may masakit sa iyong anak, kumunsulta sa iyong doktor. Sundin ang kanyang payo sa kalusugan ng iyong anak. 

Gayundin naman, kung nagkakaproblema ka sa iyong mga emosyon o sa pagiging magulang, humingi ng tulong. Ang health care provider ng iyong sanggol ay maaaring mag-alok ng isang referral sa isang tagapayo o iba pang mental health provider.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

When Your Baby Won’t Stop Crying/https://www.helpguide.org/articles/parenting-family/when-your-baby-wont-stop-crying.htm/Accessed on 13/11/2019

Crying baby? How to keep your cool/https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/crying-baby/art-20046995/Accessed on 13/11/2019

Crying: babies and children 0-8 years/https://raisingchildren.net.au/newborns/behaviour/crying-colic/crying-0-8-years/Accessed on 13/11/2019

How to cope and keep calm with a crying baby/https://www.nct.org.uk/baby-toddler/crying/how-cope-and-keep-calm-crying-baby/Accessed on 13/11/2019

How to Calm a Fussy Baby: Tips for Parents & Caregivers/https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/crying-colic/Pages/Calming-A-Fussy-Baby.aspx/Accessed on 13/11/2019

6 Genius Ways to Make a Baby Stop Crying/https://www.parents.com/baby/care/crying/ways-to-soothe-a-crying-baby/Accessed on 13/11/2019

Kasalukuyang Version

03/22/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement