Maraming mga magulang na nagbibigay ng marahang masahe sa kanilang baby dahil naniniwala silang ito ay nakapagpapagaan at relax sa kanila. Ano ang mga benepisyo at banta ng masahe sa baby? Paano ito gagawin ng mga magulang nang ligtas at epektibo? Alamin dito.
Ang Benepisyo ng Masahe sa Baby
Ang masahe sa baby ay hindi “hilot”. Karagdagan, ang mga magulang ay maaaring magbigay lamang ng masahe sa mga sanggol na walang kasalukuyang kinahaharap na kondisyon. Iminumungkahi ng mga ulat na ang masahe sa baby ay:
- Nakapagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga magulang at sanggol. Sa katunayan, sa maliit na pag-aaral na kabilang ang nanay at mga sanggol, naitaya ng mga mananaliksik na ang ugnayang emosyonal sa pagitan ng nanay at sanggol ay bumubuti dahil sa pagsasagawa ng masahe.
- Nakatutulong sa iyong sanggol ma-relax at makatulog. Naitala sa mga rebyu ng maraming pag-aaral tungkol sa pagmamasahe sa sanggol na may positibong epekto talaga ito sa pattern ng pagtulog at gising ng sanggol. Nabanggit din sa isa pang ulat na ang masahe ay naka-iimpluwensya sa haba ng tulog ng sanggol at kung gaano kaingay ang kanilang pagtulog.
- Nakapagpapabuti ng lebel ng stress ng baby. Kawili-wili na ang pagmamasahe sa baby ay nakapaglalabas ng oxytocin (ang hormone na nakapagpapasaya) at nakababawas ng cortisol (ang stress hormone).
- Nakapagpapakalma ng pag-iyak ng baby. At sa huli, kung nasa pagkakataon ka na ang iyong sanggol ay matagal nang umiiyak o masama ang loob, sinasabi ng mga eksperto na bigyan sila ng masahe upang pakalmahin sa kanilang pag-iyak.
Bagaman kinakailangan pa ng maraming ebidensya upang suportahan ang mga benepisyo ng masahe sa baby, nabanggit ng mga pag-aaral ang mga positibong epekto nito sa pagdagdag ng bigat ng sanggol at sa neuromotor development nila. Maaari din itong makatulong sa paglaki ng premature na mga sanggol.
Banta ng Pagmamasahe sa Sanggol
Kung mali ang pagmamasahe, maaari itong humantong sa physical injury.
Gayundin, tandaan na ang kanilang balat ay sensitibo, kaya’t hindi ipinapayo ang paggamit ng lubricants na may matapang na mga kemikal dahil maaaring mag-trigger ito ng allergic reaction. Laging subukan ang lubricants sa maliit na parte ng balat ng iyong baby upang makita paano ito magre-react.
Tandaan na ang iyong sanggol ay maaari ding aksidenteng mailagay ang lubricant sa kanilang bibig. Sa rason na ito, iminumungkahi ng mga eksperto na gumamit ng nakakain at walang amoy na langis.
Kung ang iyong sanggol ay may kasalukuyang kondisyon, mainam na kausapin muna ang iyong doktor bago sila bigyan ng masahe.
Paano Ibibigay sa Iyong Sanggol ang Marahan na Masahe
Upang ligtas na bigyan ang iyong sanggol ng marahan na masahe, alalahanin ang mga sumusunod na bagay;
Bumuo ng mainit at tahimik na paligid
Dahil huhubaran mo ang sanggol para sa masahe, ang mainit na paligid ay kinakailangan. lhiga siya upang manatili ang eye contact at pakikipag-usap sa kanila.
Kailan at paano mo isasagawa ang masahe ay nasa sa iyo na, ngunit inirerekomenda ng mga eksperto na gawin ito kung ang baby ay tahimik, alerto, at maayos na nakapagpapahinga. Ikonsidera ang masahe sa baby matapos ang pagtulog o kung pinapalitan mo ang kanilang lampin.
Iwasan ang pagsasagawa ng masahe sa sanggol sa oras matapos ang pagkain upang maiwasan ang banta ng pagsusuka.
Kontrolin ang Diin
Bago simulan ang masahe, painitin muna ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito. Laging maging marahan sa pagmamasahe ng iyong baby at i-adjust ang diin na inilalagay kung sila ay lumalaki na. Iwasan ang pagkiliti sa kanila dahil maaaring mairita ang iyong sanggol.
Masahiin ang katawan ng iyong baby.
- Maaari kang magsimula sa kanilang mga paa. Gamitin ang iyong hinlalaki upang hagurin mula sakong hanggang daliri sa paa.
- Imasahe ang kanilang binti sa pamamagitan ng mahaba at banayad na paghagod mula sa bukong-bukong hanggang hita. Matapos ito, maaari kang maglagay ng isang kamay sa likod ng kanilang tuhod at gamitin ang kabilang kamay upang pisilin nang marahan ang kanilang tiyan. Iwasan ang bahagi ng kanilang ari.
- Para sa itaas na bahagi ng kanilang katawan, simulan sa mga balikat at hagurin pababa sa kanilang dibdib.
- At, imasahe ang kanilang mga braso mula sa balikat papuntang mga pulso sa pamamagitan ng mahaba at marahan na paghagod. Kung ikaw ay gumagamit ng lubricant, iwasan na ilagay ang produkto sa kanilang mga kamay.
- Imasahe ang kanilang tiyan sa pamamagitan ng marahan at paikot na pagdampi. Iwasan ang kanilang pusod.
- Upang imasahe ang mukhang ng baby, gamitin ang pads ng iyong mga daliri. Simulan sa gitna ng kanilang noo at pababa sa kanilang mga pisngi. Maaari mo ring imasahe ang kanilang mga anit sa parehong pamamaraan.
- At panghuli, kung kalmado pa rin ang pakiramdam ng baby, idapa ang baby at imasahe ang kanilang likod sa pamamagitan ng mahaba at marahan na paghagod.
Basahin ang mood ng iyong baby
Kung ang iyong bulinggit ay ngumiti at humagikgik sa pagsasagawa ng masahe, malamang na sila ay masaya rito. Gayunpaman, kung nagsimula silang iiwas ang kanilang mga ulo at nagmumukhang malungkot, mainam na ihinto ang masahe at subukan ito sa susunod.
Mahalagang Tandaan
Ang pagbibigay sa iyong baby ng marahan na masahe ay makatutulong upang mapabuti ang kanilang mood, kalidad ng pagtulog, at pagkakaroon ng ugnayang emosyonal sa pagitan mo at ng iyong baby. Gayunpaman, mayroon pa ring mga banta tulad ng physical injury. Kung hindi ka sigurado tungkol pagmamasahe ng mga sanggol, kausapin ang iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.