Nakatutuwang makita na lumaki at mag-develop ang isang baby hanggang sa mapansin mo silang umiiyak sa sakit sa gitna ng gabi dahil sa pagngingipin. Natural lamang na mangamba tungkol sa kung anong gagawin kapag nangyari ito.
Natural na proseso ang pagngingipin na karaniwang nangyayari sa ika-4 hanggang ika-7 buwan. Gayunpaman, ang ilang mga baby ay maaaring maranasan ito nang mas maaga o kinalaunan. Kaya’t huwag mangamba kung ang iyong anak ay hindi pa nararanasan ang mga pagbabagong ito dahil ito ay nagpapatuloy hanggang sa lumabas na ang huling set ng molars.
Sa normal, ang dalawang ngipin sa harap (central incisors) na maaaring sa itaas o ibabang parte ang unang lumalabas, sunod ay lateral incisors, sunod ay ang unang molars. Matapos ito, susundan ito ng canine at sa huli, ang pangalawang set ng molars.
Senyales at Sintomas
Ang ilang karaniwang senyales at sintomas ng lagnat kapag nagngingipin na karamihan na nararanasan ng mga bata ay ang mga sumusunod:
Iritable at Makulit
Normal sa mga baby na magkaroon ng lagnat kapag nagngingipin at iba pang pagbabago tulad ng pagiging iritable, lalo na kung palabas pa lamang ang ngipin.
Labis na Paglalaway
Dahil ang mga ito ay nagde-develop, ang pinaka magagawa ng mga baby ay kumain at makipag-interact sa pamamagitan ng kanilang bibig upang mabawasan ang sakit mula sa pagngingipin. Ito ay hahantong sa labis na paglalaway.
Rashes
Ang labis na paglalaway ay nakakairita sa mukha ng baby, na nagiging sanhi ng rashes.
Pagnguya at Pagkagat
Ang mga baby ay may tendensiya na ngumuya at kumagat ng kahit na anong nakikita nila. Ang pagkakataon na ito ay mas lalong dadalas kung sila ay nagngingipin.
Sakit at Pamamaga ng Gilagid
Hindi lahat ng baby ay mararanasan na masakit ito, ngunit ang ilan ay magiging masungit at iritable.
Nahihintong Tulog
Dahil sa kanilang iritableng pag-uugali, mas gumigising sila sa gitna ng gabi dahil sa sakit na nararanasan.
Panandaliang Pagbawas ng Gana/Kawalan ng Gana Kumain
Ang pamamaga ng gilagid at iba pang mga salik ay maaaring maging sanhi na maging mapili ang baby sa pagkain at mabawasan ang kanilang gana.
Pangangati sa Paligid ng Bibig, Tenga, at Bahagi ng Pisngi
Ang pamamaga at sakit ng gilagid ay maaaring magpakati ng kanilang bibig, tenga, at pisngi.
Pag-ubo
Ang labis na paglalaway na tumutulo sa lalamunan habang may lagnat kapag nagngingipin ay makapagbibigay ng minsanang pag-ubo.
Nagiging Sanhi ba ng Lagnat Kapag Nagngingipin ang Baby?
Maaaring may kaunting pagtaas ng temperatura ng katawan dahil sa mga binanggit na senyales at sintomas, na magiging sanhi ng low-grade na lagnat.
Ang mababang lagnat ay nasa temperatura sa pagitan ng 98-100°F (37.6 – 37.8 °C).
Gayunpaman, taliwas sa mga paniniwala ng mga tao tungkol sa pagngingipin, ang lagnat ay hindi mula rito. Ang ilang mga magulang ay maaaring sabihin na ang kanilang anak ay nilalagnat dahil dito, ngunit ito ay dahil sa pamamaga sa paligid ng gilagid.
Karaniwan, ang kanilang regular na paglalagay ng maruming kamay mula sa iba’t ibang gamit papunta sa bibig ay sanhi ng mild infections, na nagiging lagnat.
Anong Maaaring Gawin Upang Mabawasan ang Lagnat Kapag Nagngingipin ang Baby?
Lahat ng mga baby ay sumasailalim sa ganitong pagbabago, at walang mali rito sa development ng isang bata. Kung ang iyong baby ay nagkakaroon ng discomfort sa pagngingipin, maaari mong ikonsidera ang sumusunod na tulong:
- Baby chew/teether toys
- Solid at cold rings (malamig na kutsara at frozen na saging/berries ay maaari ding alternatibo)
- Gum massage
- Pain relievers o ibang mga gamot na nireseta ng pediatrician
- Sippy cup ng malamig na tubig
Hindi inirerekomenda ang amber necklaces at numbing gels sa ganitong kaso.
Kailan Dapat Magtungo sa Doktor Tungkol Dito
Ang ilan sa mga sintomas na nabanggit ay maaaring magdulot ng ibang reaction o infections, na maaaring humantong sa mas seryosong problema.
Ipatingin ang iyong anak sa isang pediatrician kung:
- Ang temperatura ay tumaas sa 38°C o mas mataas pa
- Nakararanas ng pagsusuka o pagtatae
- Lahat ng mga tips ay hindi nagpawala ng discomfort ng anak
Mahalagang Tandaan
Normal sa magulang na mangamba tungkol sa pagbabagong ito. Ngunit mahalaga na malaman na ang lagnat kapag nagngingipin ay hindi tumatagal. Ang pinaka mainam na gawin ay tulungan ang anak na mawala ang sakit sa proseso. Maglaan ng mga ligtas na laruan na maaari nilang nguyain upang mabawasan ang sintomas ng pagngingipin at siguraduhin na malinis ang kanilang mga kamay sa ganitong stage. Higit sa lahat, konsultahin ang pediatrician ng iyong anak upang matuto sa best tips at pamamaraan upang mawala ang sakit sa proseso ng pagngingipin.
Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng sanggol dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.