backup og meta

Kailan At Paano Putulan Ang Kuko Ng Baby?

Kailan At Paano Putulan Ang Kuko Ng Baby?

Ang kuko ng baby ay sobrang lambot kaya’t halos nakakatakot itong putulan lalo na kung first time mo itong gawin. Ngunit, mahalaga sa kaligtasan ng sanggol ang pagpapanatiling maikli ng kanyang mga kuko. Dahil wala silang kontrol sa kalamnan, ang mga sanggol ay madaling makakamot ng maselan nilang balat at laman. Lalong delikado kapag medyo malikot na si baby at ginagalaw ng husto ang kanyang kamay at paa.

Karamihan sa Pilipinas ay naghahanda ng mittens para sa maliit na kamay ni baby. Makakatulong ito sa pagprotekta sa kanya habang hindi pa napuputulan ang kanyang mga kuko. Ang pag putol ng kuko ng iyong sanggol ay isa sa mga baptism of fire ng isang magulang.  Malamang na mangangailangan sila ng pag-trim o pag-file nang hindi bababa sa isang beses sa isang linggo.

Kailangan ba talagang putulan ang kuko ni baby?

Alam mo ba na ang mga kuko ay tumutubo nang humigit-kumulang 0.1 mm bawat araw? Mas mabilis itong tumutubo sa mga kabataang mga lalaki lalo na kapag tag-araw. Nakakatakot man itong gawin ay dapat mong putulan ang mga kuko ng sanggol. Ito ay mahalaga upang panatilihing malinis ang mga kuko at upang matulungan ang sanggol na maiwasan ang hindi kanais-nais at hindi sinasadyang mga gasgas.

Walang nakatakdang oras sa pagputol ng kuko ngunit dapat huwag itong pahaban. Ayon kay Dr. Kristen Slack na isang pediatrician sa Children’s Hospital ng Philadelphia, ang ilang mga sanggol ay ipinanganak na may mahabang mga kuko. Kaya dapat mong simulan kaagad ang pagputol nito. Kadalasan, ang mga kuko sa paa ay hindi mabilis tumubo. Kung kaya maaaring hindi kailangan putulin nang kasingdalas ng mga kuko sa kamay. 

Reminder: Humanap ng magandang timing sa pagputol ng kuko ng baby

Tandaan na halos lahat ng sanggol ay ayaw na pinuputol ang kanilang kuko. Maaari silang maging napakalikot kung kaya mas delikado ang pagputol ng kuko. Ito ay magiging mahirap sa simula ngunit masasanay ka rin. Karamihan ng magulang ay natututo ng mga tricks sa pagputol ng kuko ng sanggol. Maaari mong sundin ang mga hakbang at tips na ito upang masiguradong ligtas ang pagputol ng kuko ng sanggol.

  • Ang pinakamainam na oras upang putulin ang mga kuko ng iyong sanggol ay kapag siya ay inaantok, natutulog o mahinahon. Isang magandang pagkakataon sa pagputol kapag katatapos maligo ni baby. Maliban sa magiging malambot ang kuko ay tiyak na aantukin ang sanggol dahil presko na sya. 
  • Siguraduhin na mayroon kang mabuting lighting kung kaya mas inirerekomenda ang pagputol ng kuko ng baby sa labas ng bahay o malapit sa bintana.  
  • Dapat ay hawak mo ang iyong sanggol at siguraduhin ang kanyang kaligtasan habang pinuputol ang kanyang kuko. 
  • Maaari siyang ilagay sa iyong mga bisig o sa isang highchair. Makakatulong kung may ibang humawak sa sanggol habang pinuputol mo ang mga kuko niya.
  • Huwag gamitin ang regular na nail clipper para sa matatanda. Maaari kang gumamit ng baby nail clippers o baby nail scissors na may bilugan na dulo. 
  • Dahan-dahang hilahin ang pad ng daliri o paa palayo sa kuko upang maiwasang maputol ang balat at pagkatapos ay putulin ang kuko nang diretso. 
  • Minsan maaaring kailangan mo lang gumamit ng emery board upang pakinisin at bilugan ang kuko upang hindi ito maging matulis.
  • Maaaring hindi gusto ng ilang mga sanggol na gupitin ang kanilang mga kuko. Dito pumapasok ang kakayahan mong makipaglaro kay baby habang pinuputol ang kanyang kuko.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Paano kapag nasugatan si baby?

Gaano ka man kaingat ay maaaring magka-aksidente at masugatan sa pagpuputol ng kuko ng baby. Huwag mag-panic at mataranta. Kung ito ay dumudugo, dahan-dahang pindutin ang isang malambot at malinis na tela sa ibabaw ng hiwa hanggang sa tumigil ang pagdurugo. Huwag magsuot ng dressing na parang band-aid dahil baka sipsipin ito ng sanggol at maaari itong matanggal.Kapag nagka-impeksyon sa tabi ng kanilang kuko ay maaari kang gumamit ng kaunting water-based na antiseptic cream, lotion o solusyon sa asin. Tutulong itong mapanatiling malinis ang lugar. Kung gumagamit ka ng cream o lotion, maglagay ng guwantes sa kamay ng iyong sanggol upang hindi niya ito masipsip.

Kung ang impeksyon ay kumalat at ang daliri o daliri ng paa ay nagiging pula at namamaga, kakailanganin mong magpatingin sa doktor dahil ang iyong sanggol ay maaaring mangailangan ng antibiotic.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to cut your baby’s nails

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/how-to-cut-your-babys-nails#:~:text=If%20their%20nails%20are%20sharp,and%20trim%20them%20when%20necessary.

Nail care for newborns

https://medlineplus.gov/ency/article/001914.htm#:~:text=Clean%20the%20baby’s%20hands%2C%20feet,tips%20or%20baby%20nail%20clippers.

Trimming your baby’s nails

https://kidshealth.org/en/parents/trimming-nails.html

Nailing it: how to trim your baby’s fingernails

https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/bathing-skin-care/Pages/Nails-Nails-Everywhere.aspx

11 best baby nail clippers

https://www.healthline.com/health/best-baby-nail-clippers

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement