backup og meta

Gamot Sa Rashes Ng Baby: Heto Ang Maaaring Subukan

Gamot Sa Rashes Ng Baby: Heto Ang Maaaring Subukan

Madalas ang mga rashes sa mga bata, lalo na sa mga bagong silang na sanggol. Karamihan sa mga ito ay kusa namang nawawala pagkalipas ng ilang araw o linggo. Ngunit, nababahala ka ba dahil ang rashes ng iyong anak ay hindi pa rin nawawala mapasahanggang ngayon? Ikaw ay nasa tamang lugar kung ang hanap mo ay mga posibleng gamot sa rashes ng baby. Alamin kung paano mawawala ang mga pantal na ito dito. 

Mga Karaniwang Kondisyon Ng Balat Sa Mga Sanggol At Bata

Ang karaniwang sensitibong balat ng mga sanggol ay maaaring magreact sa ilang mga trigger tulad ng mikrobyo at iba pang irritant na maaaring magdulot ng pagkpantal ng balat. Bago tayo tumungo sa mga gamot sa rashes ng baby, narito ang ilan sa mga kondisyon ng balat sa mga sanggol at bata. 

Eczema (Atopic Dermatitis)

Ito ang pinakakaraniwang kondisyon ng balat na nakakaapekto sa mga sanggol at bata. Lumilitaw ito bilang pula at makaliskis na madalas kinakamot dahil sa kating dulot ng mga pantal. Sa mga bata, karaniwang nakaapektuhan ang anit at mukha, lalo na sa pisngi.

Ang iyong sanggol din ay maaaring makaramdam ng pagkabalisa at madalas na kuskusin ang kanyang mukha. Sa mas matinding mga kaso, maaari rin itong makaapekto sa mga limbs at trunk.

Contact Dermatitis (Irritant Contact Dermatitis)

Ang contact dermatitis ay isang pisyolohikal na reaksyon na nangyayari kapag nadikit ang balat sa ilang partikular na sangkap. 80% ng reaksyong ito ay bunga ng mga irritant sa balat, habang ang natitirang 20% ​​ay sanhi naman ng mga allergens na nag-titrigger ng allergic response. 

Kabilang ang mga sumusunod sa maaaring maging irritant o allergen:

  • Laway
  • Sabon at mga baby lotion
  • Mga detergent
  • Mga halaman
  • Ilang mga partikular na pagkain
  • Latex
  • Mga metal (nickel, chrome, at mercury)
  • Ilang mga gamot 

Diaper Rash 

Ang diaper rash ay tumutukoy sa mapupula at namamagang mga pantal sa balat sa paligid ng lampin ng sanggol. Ito ay karaniwang makikita sa mga sanggol sa pagitan ng 9-12 buwang gulang, ngunit maaaring magsimula nang maaga sa 2 buwan.

Isa ang mga fungal infection sa maaaring sanhi ng naturang kondisyon. Ang isa pang karaniwang dahilan ay ang pamamaga ng balat na dulot ng dumi at ihi ng sanggol. Maaari ring dahil sa masikip na pagkalagay ng lampin o diaper, o ang namuong pawis sa apektadong parte. 

Bungang Araw (Milaria Rubra)

Karaniwan ang bungang araw o prickly heat rash sa mga bata, ngunit maaari rin itong mangyari sa anumang edad. Ang mga rashes na ito ay lumilitaw bilang maliliit na pulang bukol o paltos sa ulo, leeg, at balikat ng mga sanggol. 

Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ito ay kadalasang nangyayari sa panahon ng mainit at maalinsangang panahon at sanhi ng mga baradong oil glands. 

Ano-Ano Ang Maaaring Gamot Sa Rashes Ng Baby Batay Sa Mga Kondisyon Ng Balat?

Ngayon na natukoy na natin ang iba’t ibang mga posibleng kondisyon na maaaring magdulot ng mga rashes, atin namang alamin ang mga posibleng gamot sa rashes ng baby. 

Eczema (Atopic Dermatitis)

Gumamit ng fragnance-free moisturizer 3-4 beses sa isang araw para sa eczema ng iyong anal. Ipahid ito sa mga lugar kung saan laganap ang mga rashes, maging sa mga parte ng katawan na nangangailangan ng moisture. 

Ang gamot sa rashes ng baby ay nakadepende sa edad ng iyong anak at sa kalubhaan ng eczema. Maaaring kailanganin ng mga partikular na paggamot gaya ng topical steroids, oral anti-histamines at oral/topical antibiotics na karaniwang inirereseta ng doktor. 

Contact Dermatitis (Irritant Contact Dermatitis)

Kapag natukoy na ito ang nararanasan ng iyong anak, ang pinakagamot na para rito ay ang pag-iwas sa mga irritant. 

Hugasan ang balat nang maigi gamit ang sabon at tubig pagkatapos ang exposure sa iba’t ibang mga irritant at allergens. Kung ang iyong anak ay may mga paltos, ang cold compress ay maaaring makatulong na mapawi ang kati at pamamaga. Kung magkaroon ng malubhang reaksyon, agad na humingi ng medikal na atensyon mula sa mga propesyonal. 

Diaper Rash 

Ilan sa mga gamot sa rashes ng baby na dulot ng diaper rash ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Madalas na pagpapalit o pagtanggal ng lampin sa loob ng ilang oras sa isang araw
  • Mga iniresetang antifungal o antibiotic cream 
  • Anti-inflammatory cream mula sa iyong doktor
  • Mga moisture-resistant diaper barrier cream tulad ng zinc oxide

Kabilang din ito ang wastong pangangalaga ng balat upang maiwasan ang pagkakaroon ng diaper dermatitis. 

Bungang Araw (Milaria Rubra)

Hindi naman nakakapinsala ang pagkakaroon ng bungang araw. Sa katunayan, maaari sandali lang ito at kusang mawala sa loob ng ilang araw sa sandaling lumamig na ang bata. Alisin ang sobrang makakapal na damit at dalhin ilagay siya sa malamig na kwarto. Maaari ring makatulong ang cold compress para maibsan ang init na nararamdaman ng bata. 

Hindi tulad ng ibang mga kondisyon, hindi nangangailan ng gamot sa rashes ng baby ang bungang araw. Ito ay dahil sa posibilidad na maaari pa nitong mapalala ang mga rashes.

Key Takeaways

Mayroong iba’t ibang mga kondisyon ng balat na maaaring magdulot ng mga pantal sa mga sanggol. Bago malaman kung ano ang pinakaangkop na gamot sa rashes ng baby, nararapat na alam mo kung anong klaseng mga pantal ito upang mas matugunan nang maayos ang concern patungkol dito.  

Alamin ang iba pa tungkol sa Pag-aalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diaper Rash, https://kidshealth.org/en/parents/diaper-rash.html Accessed June 8, 2022

Diaper rash, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diaper-rash/diagnosis-treatment/drc-20371641#:~:text=The%20best%20treatment%20for%20diaper,baby%20has%20a%20fungal%20infection Accessed June 8, 2022

Baby Rashes 101, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/family-resources-library/baby-rashes-101 Accessed June 8, 2022

Newborn Skin 101, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/newborn-skin-101 Accessed June 8, 2022

5 Common Skin Conditions/Rashes in Babies/Children, https://kidsclinic.sg/pd-guides/parenting-tips/five-common-skin-conditions-rashes-babies-children/ Accessed June 8, 2022

Common childhood rashes, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/common-childhood-rashes#:~:text=Many%20newborns%20develop%20a%20blotchy,few%20days%20or%20a%20week Accessed June 8, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Milia, At Bakit Ito Nangyayari sa mga Newborn Baby?

Rashes Sa Bagong Panganak, Dapat Bang Ipag-Alala?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement