backup og meta

Dapat Bang Ipag-alala Ang Sobrang Paglalaway Ng Baby?

Dapat Bang Ipag-alala Ang Sobrang Paglalaway Ng Baby?

Ang paglalaway ng baby ay normal ngunit maaaring makabahala sa magulang kapag sumobra.   Ang paglalaway ay karaniwan para sa mga sanggol sa panahon kung saan ang kanilang mga pangangailangan ay nakasentro sa bibig. Kadalasan ay makikita ito sa mga sanggol mula sa mga tatlo hanggang apat na buwan ang edad. Ang drooling ay maituturing na karaniwang pangyayari sa malusog na batang wala pang dalawang taong gulang. Maraming function ang kinakailangan para sa paglalaway. Pinapanatili nitong basa ang bibig ni baby, upang mas madaling makalunok. Pinapakalma din nito ang gilagid ng sanggol habang sila ay nagngingipin.

Gayunpaman, maaaring sumobra ang paglalaway ni baby.  Kadalasan, ang klinikal na labis na paglalaway ay nagsasangkot ng:

  • Low muscle tone
  • Kakulangan ng sensitivity sa mga labi at mukha
  • Kahirapan sa paglunok

Bagama’t ang drooling ay normal, ang labis na drooling ay karaniwang nakikitang sintomas sa mga batang may neurological na kapansanan. Mahalagang kumunsulta sa iyong doktor, dahil ang labis na paglalaway ay maaaring maging sintomas ng isang mas malubhang kondisyon na sanhi ng pinsala sa panganganak.

Normal lang ba ang labis na paglalaway ni baby?

Drooling ang tawag sa laway na umaagos sa labas ng bibig. Ang labis na paglalaway sa mga sanggol at maliliit na bata ay normal. Malamang na hindi ito nauugnay sa alinman sa sakit o mga komplikasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang labis na produksyon ng laway ng isang sanggol ay konektado sa isang nabubuong digestive system. Kaya ang itsura ng laway ay malamang na senyales na ang digestive system ng iyong sanggol ay nasa full development mode.

Ngunit kung minsan, ang drooling ay resulta ng mahina o hindi nabuong mga kalamnan sa paligid ng bibig, o pagkakaroon ng labis na laway. Ang mga glands na gumagawa ng laway ay tinatawag na mga salivary gland. Mayroong anim na mga glandula na ito, na matatagpuan sa ilalim ng bibig, sa mga pisngi, at malapit sa mga ngipin sa harap. Ang mga glandula na ito ay karaniwang gumagawa ng dalawa hanggang apat na pints ng laway sa isang araw. Kapag ang mga glandula na ito ay gumagawa ng labis na laway, maaaring makaranas ng paglalaway. Ang mga sanggol ay hindi madalas na nagkakaroon ng ganap na kontrol sa paglunok at sa mga kalamnan ng bibig hanggang sa sila ay nasa pagitan ng 18 at 24 na buwang gulang. Maari ding maglaway si baby kapag nagngingipin o natutulog. 

Sobrang paglalaway ng baby at Autism

Isa sa mga sintomas na karaniwang nararanasan ng mga batang na-diagnose na may autism ay ang kahirapan sa pagkontrol ng kalamnan at pagiging sensitibo. Ang mga batang may autism ay mas nahihirapan kontrolin ang kanilang mga kalamnan sa mukha. Kung kaya ang paglalaway ay isang pangkaraniwang sintomas.

Para sa mga batang na-diagnose na may autism, ang mga opsyon sa paggamot para sa drooling ay dapat na personal na iniakma sa bata. Tuklasin ang mga posibleng paggamot kasama ng doktor ng iyong anak. Halimbawa, maaaring makatulong ang isang speech-language pathologist o occupational therapist na nakaranas sa oral-sensitivity at muscle tone.

Sobrang paglalaway ng baby at Cerebral palsy

Ang cerebral palsy ay isang grupo ng mga neurological disorder na nakakaapekto sa kakayahan ng isang tao na gumalaw at mapanatili ang balanse at postura. Ito ang pinaka karaniwang kapansanan sa motor sa pagkabata. Ito ay sanhi ng abnormal na pag-unlad ng utak o pinsala sa pagbuo ng utak. Sa mga kaso ng cerebral palsy, ang isa sa mga apektadong muscular function ay ang oral muscular control. Ibig sabihin, ang isang batang may cerebral palsy ay maglalaway halos palagi. Ang drooling ay karaniwang nauugnay sa:

  • Mga abnormalidad sa paglunok
  • Nahihirapang ilipat ang laway sa likod ng lalamunan
  • Hindi magandang pagsasara ng bibig
  • Kawalang-tatag ng panga
  • Pagtulak ng dila

Tandaan na ang hindi makontrol na paglalaway ay isa lamang sa maraming sintomas ng cerebral palsy. Bago mo ipagpalagay na ang iyong anak ay may ganitong karamdaman, dapat mo munang isaalang-alang kung nagpapakita sila ng anumang iba pang mga sintomas. Ang mga batang may cerebral palsy ay magkakaroon din ng:

  • Writhing o spastic muscular movements
  • Stiff muscles
  • Inconsistencies sa kanilang muscle tone
  • Developmental delays

Kailan dapat mag-alala sa paglalaway ng baby?

Ang paglalaway at pag-ihip ng mga bula ay karaniwan sa mga sanggol sa yugto ng pag-unlad kapag ang pagkuha ng kailangan nila ay nakasentro sa bibig. Lalo itong nagiging maliwanag sa edad na tatlo hanggang anim na buwan. Ang pagtaas na daloy ng laway ay kadalasang hudyat ng paglitaw ng bagong ngipin. Ito ay tila nagpapa ginhawa sa malambot na gilagid. Gayunpaman, kung ang iyong sanggol ay mukhang labis na naglalaway at mukhang may sakit, maaaring nahihirapan siyang lumunok, at nangangailangan ng medikal na atensyon. 

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Drooling

https://www.mountsinai.org/health-library/symptoms/drooling#:~:text=Some%20drooling%20in%20infants%20and,body%20makes%20too%20much%20saliva.

Excessive drooling in infants

https://www.birthinjuryhelpcenter.org/excessive-drooling.html

What causes drooling

https://www.healthline.com/health/drooling

Drooling and your baby

https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/teething-tooth-care/Pages/Drooling-and-Your-Baby.aspx

Sialorrhea

https://www.nationwidechildrens.org/conditions/sialorrhea

What to know about excessive drooling in children

https://www.webmd.com/children/what-to-know-excessive-drooling-children

Kasalukuyang Version

06/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement