Madalas na tuwang tuwa tayo sa amoy ng mga baby dahil sa amoy ng mga baby products na ginagamit natin para sa kanila, tulad ng lotion at cologne. Ngunit, habang ang lotion ay tumutulong na ma-maintain ang moisture sa kanilang balat, ang cologne sa baby ba ay may purpose?
Maselang bagay ang pangangalaga sa balat ng sanggol. Sa mga unang buwan habang lumalakas ang immune system nya ay mas gugustuhin mong gumamit ng pinaka banayad na panlinis. Ang mga baby ay nangangailangan ng mga skincare products na walang dye at walang pabango. Ngunit ano nga ba ang kaibahan ng perfume at cologne? Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan nila ay ang dami ng essential oils na ginagamit sa mga pabango. Ang cologne ay naglalaman ng mas kaunting essential oils. Dahil dito, ang cologne ay may mas banayad, hindi gaanong potent, at mas maikli ang pangmatagalang amoy kaysa sa mga pabango. Gayunpaman, sigurado ka ba sa safety ni baby?
Mga produktong may fragrance
Karamihan sa mga pabango, cologne sa baby, at body spray na ginagawa ngayon ay naglalaman ng mga kemikal na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan niya. Tandaan na ang mga maliliit na bata ay mas nasa panganib at nangangailangan ng lahat ng proteksyon. Bukod dito, ang kanilang mga sensory organs ay nagde-develop pa. At kahit na ang konting overdose ng cologne ng baby ay maaaring maging mapanganib sa kanila..
Ang publiko ay nalalantad sa mga produktong may mabangong kemikal araw-araw. Maaaring kabilang sa mga produktong ito ang mga pampaganda, pabango, detergent, air freshener, sabon, at deodorant. Nakapaloob sa mga mabangong produktong ito ang mga kemikal na maaaring makasama sa kalusugan at development ng bata. Kahit ang Fair Packaging and Labeling Act ay may loopholes. Kung kaya ang mga kompanyang gumagwa ng cologne at ibang produkto ay pinapayagan maglagay lamang ng terminong “fragrance”. Hindi kadalasan nilalagay ang mga sangkap at kemikal na ginagamit sa produkto. Marami sa mga kemikal na ito ay hindi pa sapat na nasubok para sa kaligtasan bago ibenta. Ang ilang mga kemikal ay ipinagbabawal sa mga pormulasyon ng mga pabango sa ibang mga bansa.
[embed-health-tool-vaccination-tool]
Bawal noon, pero ngayon, pwede na ba ang cologne sa baby?
Noong nagbubuntis ka ay maraming bawal tulad ng pangkulay ng buhok, pabango at kahit lotion. Ang problema ay isang uri ng kemikal na tinatawag na phthalates. Halos imposible na ganap na maiwasan ang mga phthalates, dahil literal ang mga ito sa lahat ng dako. Ang mga ito ay nasa mga produktong plastik kabilang ang packaging, sa mga laruan at mga hose sa hardin, pati na rin sa mga kosmetiko at iba pang mga produkto ng personal na pangangalaga. Maaari silang kumilos tulad ng mga hormone at makagambala sa pag-unlad ng ari ng lalaki. Idagdag pa ang panganib ng cardiovascular disease at diabetes.
Kung hindi mo ginagamit noong buntis ka dahil makakaapekto sa sanggol na di pa pinapanganak, paano naman ngayon? Ang mga panganib ng phthalates ay nagsisimula bago ipanganak. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga bata na nalantad sa phthalates sa panahon ng pagbubuntis ay mas malamang na magkaroon ng mga problema sa motor skills. Ito ang mga kasanayan na ginagamit hindi lamang sa sports kundi pati na rin sa mga pang-araw-araw na gawain.
Ano ang mga ingredients ng perfume at cologne sa baby?
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga kemikal ng pabango ay maaaring maging sanhi ng skin sensitivities, rashes at dermatitis. Halos 75% ng may asthma ay maaaring atakihin nito dahil sa pabango. Karamihan sa mga pabango ay naglalaman ng 78% hanggang 95% ng espesyal na denatured ethyl alcohol. Mayroon din itong oils na maaaring natural o synthetic. Bilang karagdagan, ang mga phthalates at glycerin ay ginagamit bilang mga fixative upang makatulong na mapanatili ang mga pabango.
Ang mga cologne ng baby ay karaniwang may mas mababang porsyento ng alkohol o maaari pa ngang walang alkohol. Gayunpaman, naglalaman pa rin ang mga ito ng essential oils, phthalates at glycerin, lahat ng sangkap na napag-alamang nagdudulot ng mga allergic reaction sa ilang tao.
Ang mga karaniwang sangkap na matatagpuan sa pabango ay:
- Benzyl alcohol
- Acetone
- Linalool
- Ethanol
- Ethyl acetate
- Benzaldehyde
- Camphor
- Formaldehyde
- Methylene chloride
- Limonene
Upang makasigurado, kausapin muna ang pediatrician ng inyong baby bago gumamit ng anumang cologne.