Mahalaga para sa mommies na malaman ang benepisyo ng baby oil. Sapagkat, ang baby oil ay isang skincare products na inihahanda para sa babies.
Madalas ginagamit ng mommies ang baby oil, para i-moisturize ang balat ng kanilang sanggol. Dahil may paniniwala sila na makakatulong ito para sa pagbibigay ng init — at hindi mapasukan ng lamig ang katawan ng anak.
Subalit, ano ba ang science sa likod ng mga benepisyo ng baby oil? Alamin dito!
Benepisyo ng baby oil: Ligtas ba ang mga ito?
Ipinaliwanag sa website ng isang sikat na brand ng mineral oil sa Pilipinas na ang kanilang baby oil ay:
- Hypoallergenic — ibig sabihin, malamang na hindi ito humantong sa isang allergic reaction.
- Ito ay partikular na idinisenyo upang matugunan ang sensitibong balat ng isang baby.
- Wala itong mga nakakapinsalang sangkap tulad ng parabens at phthalates.
- Dermatologist tested o tinest ng mga eksperto sa balat
Sa kabila nito, nag-aalala ang ilang magulang tungkol sa kaligtasan ng baby oils. Dahil sa katotohanang nagmula ang mga ito sa crude oil.
Bagama’t hindi maaalis sa mga magulang ang matakot at mabahala na gumamit ng crude oil. Makikita pa rin, na ito ay isang natural na pinagmumulan ng mineral oil. At napatunayan ng mga extensive studies, na ang mineral oil ay ligtas at mabisa — lalo na para sa tuyong balat
Kailan Pwedeng Gumamit ng Mineral Oil ang Babies?
Bago natin pag-usapan ang tungkol sa mga benepisyo ng baby oil. Talakayin muna natin kung tama para sa babies na gumamit ng mineral oil.
Hindi ka dapat mag-apply ng anumang produkto ng skincare product. Hanggang ang iyong baby ay hindi pa lumalagpas sa kanilang unang buwan. Nilinaw ng mga eksperto na ang maagang exposure (2 hanggang 4 na linggo) ay pwedeng humantong sa pagkakaroon ng eczema o allergic reactions.
Pagkatapos ng isang buwan, asahan na ang protective skin barrier ay nadepelop na. Kaya pwede nilang i-tolerate ang skin products na walang harsh ingredients.
Kung ang iyong baby ay premature. Pinakamahusay na maghintay muna hanggang sa mag-2 buwan ang baby. Bago mag-isip na gumamit ng skincare products.
Mga Benepisyo ng Baby Oil: Para Saan Ito?
Ngayong alam na natin na mas okay para sa babies na gumamit ng mineral oil. Pagkatapos ng kanilang unang buwan (ika-2, kung sila ay premature). Pag-usapan muna natin ang mga benepisyong makukuha nila mula dito.
Moisturization
Sinabi ng isang sikat na brand ng baby oil, na ang kanilang oil ay pwedeng magbigay ng mas moisture ng balat (10x). Kung ikukumpara ang mga ito sa karamihan ng lotion para sa tuyong balat. Gayunpaman, sinasabi ng ilang ulat na hindi ka dapat gumamit ng baby oil. Dahil binabawasan nito ang natural oils ng baby.
Kung nakikita mo na may tuyong balat ang iyong baby. Maaaring makatulong ang baby oil. Gayunpaman, para maging ligtas, pigilin o i-refrain ang paggamit nito. Hanggang sa sabihin ng kanilang pediatrician na okay lamang na gamitin ito.
Benepisyo ng baby oil: Eczema Flare-up Relief at Prevention
Maaaring maiwasan ng moisture ang eczema flare-up, dahil iniiwasan nito ang tuyong balat. Mahalaga na maiwasan ito, sapagkat ang dry skin ay kilalang trigger ng eczema flare-up.
Gayunpaman, kung ang iyong anak ay nakakaranas ng flare-ups. Huwag mag-apply ng baby oil nang walang pag-apruba ng doktor. Pwede silang magrekomenda ng isang partikular na brand ng mineral na naglalaman ng steroids o cortisones. Isa itong gamot na nagpapagaling ng irritated eczema rashes.
Masahe
Ang isa sa mga pinakamahusay na benepisyo ng baby oil ay ang paggamit ng mga magulang, para gawing mas mahusay ang pagmamasahe.
Cradle Cap Remedy
Tandaan na ang cradle cap o seborrheic dermatitis sa anit ay karaniwan sa babies. Kung ang iyong sanggol ay nagkakaroon ng tuyo, nangangaliskis, o “marumi ang hitsura” ng anit. Isaalang-alang ang paglalagay ng kaunting baby oil, pagkatapos mag-shampoo. At sa susunod na araw, dahan-dahang i-brush ang kanilang buhok. Para alisin ang lumang balat bago mag-shampoo.
Mga Karagdagang Paalala
Hindi kasama sa mga benepisyo ng baby oil ang pagpapainit sa kanila at pagpapagaling ng skin infections.
Para panatilihing mainit ang iyong sanggol. Pinakamahusay na patuyuin sila kaagad pagkatapos maligo, at panatilihin na maayos silang binibihisan.
Ang skin infections na karaniwang mukhang pula at namamaga — at maaaring sinamahan ng lagnat, ay kailangang suriin ng doktor. Sapagkat ang tritment sa kanila ay pwedeng mangailangan ng antibiotic therapy.
Gayundin, tandaan na bumili lamang ng baby oil sa mga kilalang tindahan, upang maiwasan ang mga pekeng produkto.
Panghuli, kapag gumagamit ng baby oil. Siguraduhing hindi ito ilalagay ng iyong anak sa kanilang bibig.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.