backup og meta

Balat Sa Mukha Ng Baby O Port Wine Stain, Dapat Bang Ipag-alala?

Balat Sa Mukha Ng Baby O Port Wine Stain, Dapat Bang Ipag-alala?

Karaniwan, ang mga birthmark o balat ay hindi nakakapinsala. Bagama’t lumilitaw ang mga ito sa katawan ng maraming sanggol, ang mga birthmark ay madalas na nawawala sa loob ng ilang linggo. Kung minsan, nawawala sila pagkatapos ng isang taon. May mga pagkakataon na ang mga birthmark ay mga sintomas ng isang bagay na higit na nakababahala. Ang senaryo na kailangang harapin ng mga magulang ay ang port wine stain at balat sa mukha ng baby.

Ano Ang Port Wine Stain?

Ang port wine stain ay isang bihirang congenital disorder na may abnormal na development ng mga daluyan ng dugo. Ito ay kilala bilang Klippel-Trenaunay syndrome kapag lumilitaw ang marka sa buong katawan. Gayunpaman, ito ay tinatawag na Sturge-Weber syndrome kapag ito ay balat sa mukha ng baby. Kasama rin dito ang abnormal na development ng malambot na mga tissue, buto, at lymphatic system. 

Port wine stain ang tawag dahil ito ay pulang birthmark na kahawig ng mantsa dahil sa port wine. Kasama rin ang sobrang paglaki ng mga tissue at buto. Kasama rin dito ang malformation ng ugat na meron o walang mga abnormal na lymphatic. 

Mga Sintomas ng Port Wine Stain  

Ang port wine stain ay kadalasang kulay rosas hanggang sa reddish-purple at nakatakip sa bahagi ng isa sa mga binti ng sanggol. Ito ay maaaring nasa anumang bahagi ng balat at maaaring maging darker o lighter habang lumalaki ang sanggol. Ang birthmark o balat ay sanhi ng sobrang maliliit na blood vessels o mga capillary sa pinakaibabaw na layer ng balat. Ang pagtaas ng vascular profiles at ectasia ay kasama din sa kondisyong ito.

Mayroon ding mga malformations ng ugat na namamaga o pilipit na mga ugat sa ibabaw ng mga binti. Ang iba pang mga lugar kung saan maaaring lumitaw ang mga ugat ay sa mga braso, binti, tiyan, at pelvis. 

Maaaring magsimula sa pagkabata. Ito ay kadalasang matatagpuan sa isang binti lamang ang labis na paglaki ng mga buto at malambot na tisyu. Ito ay maaaring mangyari sa isang braso at, sa mga bihirang pagkakataon, sa katawan o mukha ng baby. Resulta ng overgrowth na ito ay ang mas malaki at mas mahabang extremity. Ang pagsasanib ng mga daliri o paa o pagkakaroon ng mga dagdag na daliri sa kamay o paa ay maaari ding mangyari.  

Ang lymphatic system na nagpoprotekta laban sa impeksyon at sakit ay maaaring abnormal. Maaaring may dagdag na bilang ng mga lymphatic vessel na pwedeng hindi gumana nang maayos. Ito ay maaaring humantong sa pamamaga o leakage.

Ang Klippel-Trenaunay syndrome ay maaari ding humantong sa mga katarata, glaucoma, dislokasyon ng balakang sa kapanganakan, at mga problema sa pamumuo ng dugo.

Paggamot sa balat sa mukha ng baby

Dahil ang birthmark na ito ay hindi unti-unting nawawala, naghahanap ng mga treatment para alisin ang port wine stains. Isang daan dalawang pasyente na may edad isang buwan hanggang 66 na taon ang binigyan ng flashlamp-pumped dye laser treatment para sa kanilang port wine stains mula 1989 hanggang 1994.

Sa mga ginagamot, 15.3% ang nakakita ng higit sa 90% sa kanilang mga sugat na gumagaan. Habang 65.3% ay nagkaroon ng lightening mula 50% hanggang 90%. Ang poor response naman ay mula 11% hanggang 49% ay nairehistro ng 17.8% ng mga ginamot. Tanging 1.7% lamang ang may mas mababa sa 10% o walang response.

Habang ang response na ito ay may mga positibong resulta, nabanggit ng mga researcher na ang port wine stain ay umuulit. Ito ay sa isang rate na papalapit sa 50% sa pagitan ng tatlo hanggang apat na taon pagkatapos makumpleto ang treatment.

Key takeaways

Ang port wine stains ay naiiba sa iba pang mga birthmark dahil ang mga ito ay may abnormal development ng mga daluyan ng dugo.

Kilala bilang Klippel-Trenaunay syndrome kapag lumilitaw ito kahit saan maliban sa mukha. Ang mga sintomas ng port wine stain ay may labis na paglaki ng mga buto at malambot na tissue. Kasama ang mga malformation sa ugat, at isang posibleng abnormal na lymphatic system.  

Sturge-Weber syndrome ang tawag dito kapag lumitaw ang birthmark o balat sa mukha ng baby. Ito ay may mga abnormalidad sa mata tulad ng glaucoma dahil sa mutation ng somatic mosaic na nakakagambala sa vascular development.  

Napatunayang epektibo sa paggamot sa port wine stain ang flashlamp-pumped dye laser treatment. Sa kasamaang palad, ayon sa pananaliksik na maaari itong maulit sa pagitan ng tatlo hanggang apat na taon pagkatapos ng treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Klippel-Trenaunay syndrome: Symptoms & causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/klippel-trenaunay/symptoms-causes/syc-20374152, Accessed January 11, 2022

The Nature and Evolution of Port Wine Stains: A Computer-assisted Study, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0022202X15457331, Accessed January 11, 2022

Facial Port-Wine Stains and Sturge-Weber Sundrome, https://publications.aap.org/pediatrics/article-abstract/76/1/48/79421/Facial-Port-Wine-Stains-and-Sturge-Weber-Syndrome?redirectedFrom=fulltext, Accessed January 11, 2022

Sturge–Weber Syndrome and Port-Wine Stains Caused by Somatic Mutation in GNAQ, https://www.nejm.org/doi/full/10.1056/nejmoa1213507, January 11, 2022

Port-wine Stains: An Assessment of 5 Years of Treatment, https://jamanetwork.com/journals/jamaotolaryngology/article-abstract/623746, January 11, 2022

 

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement