backup og meta

Ano Ang Vernix Caseosa? Halaga Sa Bagong Silang Na Sanggol

Ano Ang Vernix Caseosa? Halaga Sa Bagong Silang Na Sanggol

Sa pagsilang ng iyong anak, maaaring iyong mapansin ang puting bagay na nakabalot sa kanyang balat. Ito ay ang vernix caseosa, isang balot na nadedebelop upang protektahan ang iyong anak habang siya ay nasa sinapupunan.Subalit ang gampanin ng vernix caseosa ay hindi lamang magbigay ng proteksyon sa sinapupunan, na may mga benepisyo sa kalusugan ng iyong anak sa mga unang araw nang kanyang pagsilang. Bagama’t ang unang pagligo ng sanggol ay maaaring makapagtanggal ng balot na ito, maaaring may dahilan kung bakit matagalan ang pagtanggal ng bagay na ito. Ngunit ano ang vernix caseosa? Alamin sa artikulong ito.

Ano Ang Vernix Caseosa?

Ano ang vernix caseosa? Sa ikatlong trimestre ng pagbubuntis, ang madulas, tila kesong baloy — ang vernix caseosa —  ay nagsisimulang bumalot sa iyong sanggol na nasa sinapupunan. Ang bagay na ito ay nakatutulong upang protektahan ang maselang balat ng iyong anak. Kung wala ito, maaaring magkaroon ng pagkakalantad sa mga galos, at pagputok at paninigas ng balat dahil sa amniotic fluid. Kaya namang ang pagdebelop ng vernix caseosa ay lubhang mahalagang yugto.

Ang vernix caseosa ay isang komplikadong proteolipid. Sa utero, ito ay binubuo ng bahagi ng sebaceous glands ng sanggol. Ito ay binubuo ng 80% na tubig, 10% protina, at 10% lipids kabilang na ang barrier lipids.

Ang salitang vernix caseosa ay unang lumabas sa Dunglison dictionary ng Medical Sciences noong 1846. Ito ay literal na nangangahulugang “varnish with a cheesy nature.”

Ano Ang Vernix Caseosa? Paano Ito Gumagana?

Ang vernix caseosa ay responsable sa pagprotekta sa balat ng sanggol habang nasa sinapupunan. Subalit ito rin ay may maraming gampanin sa pagkasilang ng sanggol.

Para Sa Pagkontrol Ng Temperatura

Ang vernix caseosa ay nakatutulong sa mga sanggol na makaya ang pagkontrol sa temperatura. Ito ay lubhang mahalaga dahil kapag naisilang na ang sanggol, sila ay nakararanas ng biglang pagbaba ng temperatura sa kanilang paligid. Ang pananatili ng vernix caseosa sa balat ng sanggol ay nakatutulong upang ma-stabilize ang temperatura ng kanilang katawan at dahan-dahang ma-adjust ang temperatura sa kanilang bagong kapaligiran.

Pagpigil Sa Pagkawala Ng Tubig

Ang mga bagong silang na sanggol ay may immature epidermal barrier. Ang epidermal barrier na ito ay walang stratum corneum (pinakalabas na layer ng epidermis) na may sapat na tibay. Bilang resulta, ang sanggol ay maaaring makaranas ng lubhang pagkawala ng tubig sa pamamagitan ng balat. Ang vernix caseosa ay nakatutulong upang mapigilang mangyari ito.

Mga Benepisyong Antimicrobial At Iba Pa

Ang mga bagong silang na sanggol ay nahaharap sa mataas na oxidative stress, pagkakalantad sa mga lason sa labas ng sinapupunan, at mabilis na pagsisimula ng potensyal na panganib sa microbes. May maraming mga benepisyo ang verniz na maaaring magbigay ng protesyon sa sanggol na may kaugnayan sa pag-adjust sa maraming mga salik sa kanilang bagong kapaligiran. Ito ay ang:

  • Cleanser
  • Moisturizer
  • Anti-infective
  • Antioxidant

Ang vernix caseosa ay nagpapadali rin sa pagbuo ng acid mantle at nakatutulong sa mabuting bacterial colonization ng balat ng bagong silang na sanggol matapos ipanganak.

Sinabi sa isang pag-aaral noong 2005 na ang vernix ay maaari talagang maiwan sa balat ng sanggol pagkasilang. Ito ay dapat tingnan bilang isang natural na napoprodyus na cream na maaaring makapagpadali sa adaptation ng sanggol sa tuyong kapaligiran.

Bagama’t maraming ospital ang maaaring magbigay sa sanggol ng unang paliligo nito matapos ipanganak, maaaring piliin ng mga magulang na ipagpaliban ito upang panatilihin ang vernix sa balat ng kanilang anak. Maaaring tanggalin ng mga nars ang dugo at amniotic fluid sa pamamagitan ng malambot na tela. At kadalasan hindi kinakailangang paliguan agad ang sanggol matapos ipanganak.

Ang 24 hanggang 48 na oras ay dapat maging sapat upang ang iyong anak ay makinabang mula sa vernix. Subalit may ilang mga magulang na maaaring ipagpaliban ang unang paliligo ng kanilang anak nang mas matagal pa. Sa mga araw na ito, maaari mong dahan-dahang imasahe ang vernix caseosa sa balat ng iyong anak.

Key Takeaways

Ano ang vernix caseosa? Ito ay nagsasagawa ng maraming mga mahahalagang gampanin bukod pa sa pagbibigay ng proteksyon sa sanggol na nasa sinapupunan. Ang puti, madulas, at natural na napoprodyus na biofilm ay bumabalot sa balat ng fetus sa huling trimestre ng pagbubuntis. Gayundin, inihahanda nito ang fetus sa buhay sa labas ng sinapupunan. Ito ay nagbibigay ng baurrer na pumipigil sa pagkawala ng tubig, pagkontrol ng temperatura, at pagbibigay ng proteksyon laban sa masamang microbes.
Dulot ng maraming mga benepisyo, maaaring piliin ng mga magulang ang ipagpaliban ang unang paliligo ng kanilang anak sa loob ng ilang mga araw o higit pa.

Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pregnancy week by week, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/fetal-development/art-20046151, Accessed January 7, 2022

Vernix Caseosa in Neonatal Adaptation, https://www.nature.com/articles/7211305, Accessed January 7, 2022

The biology of vernix caseosa, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/j.1467-2494.2006.00338.x, Accessed January 7, 2022

Unraveling the mystery of vernix caseosa, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2763724/, January 7, 2022

Biology of the vernix caseosa: a review, https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/jog.14103, January 7, 2022

 

Kasalukuyang Version

12/27/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement