backup og meta

Ano Ang Umbilical Granuloma Sa Baby? Alamin Dito

Ano Ang Umbilical Granuloma Sa Baby? Alamin Dito

Maraming mga magulang ang nagtatanong kung ano ang umbilical granuloma? Dahil sa ‘di matutumbasan na espesyal na koneksyon ng ina at anak. Kung saan nagsisimula ang koneksyong ito habang nasa loob ng sinapupunan ang baby.

Kapag ang baby ay nasa loob pa ng sinapupunan ng ina. Nagsisimula na rin ang isang pisikal na koneksyon sa pamamagitan ng pusod. Ito ang nagpapanatili sa ina at anak na magkasama. Sa pamamagitan ng cord connection na ito. Ang mga hindi pa isinisilang na bata ay nakakatanggap ng oxygen at nutrients na kailangan nila. 

Sa sandaling ipanganak ng ina ang bata. Pinuputol ng doktor ang cord na nag-iiwan ng maliit na stump. Kadalasan, ang umbilical stump na ito ay nahuhulog sa sarili nitong paraan. Sa ilang mga kaso, may posibilidad na magkaroon ng umbilical granuloma ang baby.

Ano Ang Umbilical Granuloma?

Ang small segment ay nananatili sa pusod ng sanggol kapag naputol ang umbilical cord. Sa bahaging ito ang cord ay karaniwang nahuhulog sa sarili nitong paraan. Isa hanggang tatlong linggo pagkatapos ng kapanganakan. Gayunpaman, sa ilang mga sitwasyon, ang healing process ay maaaring mabagal at magresulta ng low-grade infection.

Ang umbilical granuloma ay tumutukoy sa labis na paglaki ng tissue. Ito ay nangyayari kapag ang pusod (umbilicus) ay gumaling na pagkatapos ng kapanganakan. Karaniwan itong lumilitaw bilang isang malambot na kulay-rosas o pulang bukol. Kung saan nagkakaroon ng small amount of leaks (malinaw o dilaw na likido). Pinakamadalas itong nangyayari sa mga unang linggo ng buhay ng isang baby.

Hindi ito humantong sa anumang sakit. Gayunpaman, maaari itong maglabas ng ilang uri ng liquid na nagiging sanhi ng pamumula at inflamed na balat.

Ano Ang Umbilical Granuloma: Mga Sanhi

Hindi pa rin alam ang dahilan ng kondisyong ito. Ngunit, ang low-grade infection sa pusod ay nangyayari sa halos 1 sa 500 bagong panganak.

Paano Mo Masasabi Kung Mayroon Nito Si Baby?

Ang umbilical infections ay maaaring hindi karaniwan sa ibang mga kondisyon. Subalit dapat kang kumunsulta sa’yong doktor. Kung mapapansin mo ang alinman sa mga sumusunod na palatandaan:

  • Mabaho ang madilaw na discharge mula sa cord (hindi kasing tuyo ng normal na balat)
  • Redness sa paligid ng base ng kurdon
  • Baby reaction (i.e., pag-iyak) kapag hinawakan o tinapik mo ang partikular na lugar

Paano Ginagamot Ang Umbilical Granuloma?

Ang ganitong mga impeksyon sa balat ay maaaring gumaling sa kanilang sarili paraan. Nang walang anumang extensive therapy o tritment. Maaaring sumapat na ang general care sa loob ng anim hanggang walong linggo.

  • Panatilihin ang malinis at tuyo na pusod sa pamamagitan ng paggamit ng malinis, basa-basa na tela o cotton swab. Siguraduhing linisin ang isang inch sa paligid ng base ng umbilical stump. Hayaang matuyo sa hangin ang lugar pagkatapos punasan ito ng malinis na tela.
  • Kung ang pusod ay kontaminado ng ihi o dumi, linisin ito ng sabon at maligamgam na tubig.
  • I-rollback ang top ng lampin upang ilantad ang pusod sa hangin.

Kung hindi gumaling ang granuloma pagkatapos sundin ang mga hakbang na ito. Maaari ka ring pumili ng iba’t ibang paraan.

Paggamit Ng Asin

Ipinakita sa pananaliksik na ang asin ay kapaki-pakinabang sa paggamot ng umbilical granulomas. Inaalis nito ang tubig mula sa cells, na nagiging sanhi ng pag-shrink ng granuloma.

Ang pagsunod sa mga hakbang sa ibaba ay maaaring makatulong sa’yong gamutin ang impeksiyon:

  • Para makita ang gitna o center, pindutin ang lugar sa paligid ng pusod.
  • Hugasan at patuyuin ang apektadong bahagi ng maligamgam na tubig.
  • Maglagay ng malambot na paraffin jelly sa nakapalibot na balat.
  • Maglagay ng isang pinch of table o cooking salt sa area. Tandaan: Iwasang gumamit ng sobrang asin. Dahil maaaring makasira ito sa natural skin.
  • Takpan ang umbilical area gamit ang gauze dressing swab at hawakan ito ng 10-30 minuto.
  • Pagkatapos ng 30 minuto, banlawan ang lugar na may maligamgam na tubig. Para matiyak na ang lahat ng asin ay naalis. Pagkatapos, patuyuin ang buong lugar.

Ulitin ang mga hakbang na ito sa loob ng tatlong araw, dalawang beses sa isang araw. Sa paggawa nito, maaari mong makita na ang granuloma ay lumiit, nagbago ng kulay, o ganap na natuyo.

Paggamit Ng Silver Nitrate

Kung ang granuloma ay hindi nawala pagkatapos ng paggamot sa asin. Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng silver nitrate sa tritment. Ang pink tissue ng granuloma ay dapat na maging kulay abo o itim bilang resulta ng paggamit ng kemikal na ito. Nakakatulong ito para matuyo ang inflamed area.

Sa tritment na ito, ang granuloma ay nakatali sa base nito gamit ang surgical thread. Sa paglipas ng panahon, ang granuloma ay babagsak nang mag-isa.

Ang ganitong uri ng tritment ay maaaring tumagal ng tatlo hanggang anim na pagbisita sa doktor.

Key Takeaways

Ang umbilical cord stump ay dapat na matuyo at malaglag sa oras na ang iyong sanggol ay tatlong linggong gulang na. Sa ilang mga kaso, hindi ito nangyayari at maaaring mabuo ang umbilical granuloma. Ang patuloy na follow-up care sa’yong doktor ay kinakailangan para magamot ang umbilical granuloma.

Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Umbilical Granuloma in Babies – Fact Sheet, https://www.ruh.nhs.uk/patients/patients_leaflets/paediatrics/Umbilical_Granuloma_patient_info.pdf, Accessed November 7, 2021

Umbilical Granuloma in Babies – Fact Sheet, https://www.nhsaaa.net/media/7175/20190515umbilicalgranulomababies.pdf, Accessed November 7, 2021

Umbilical Granuloma: Care Instructions, https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=abp5555, Accessed November 7, 2021

Umbilical Cord Care, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/bathing-skin-care/Pages/Umbilical-Cord-Care.aspx, Accessed November 7, 2021

Umbilical (Bellybutton) Granuloma, https://hhma.org/healthadvisor/pa-umbigran-pep/, Accessed November 7, 2021

Umbilical Granuloma, https://pediaclinic.net/Umbilical-Granuloma, Accessed November 7, 2021

Umbilical Cord Granuloma (Newborns), https://www.fairview.org/patient-education/511182EN, Accessed November 7, 2021

Kasalukuyang Version

01/11/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement