Bagama’t ang karamihan sa mga gamot para sa mga bata ay iniinom na liquid syrup o mga suspension, ang iba ay mga rectal suppositories. Kadalasan, kapag ang mga magulang ay nakatanggap ng ganitong uri ng gamot, sila ay nag-aalala sa pagbibigay nito ng tama. Narito ang ilang mga alituntunin kung paano gamitin ang suppository sa baby kapag ang doktor ay nagrekomenda nito para sa sanggol.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Ano ang rectal suppository?
Ang rectal suppository ay isang gamot na ipinasok sa rectum ng pasyente. Karaniwan, ito ay mukhang pahabang tableta na may matulis na dulo. Bagama’t solid ang mga suppositories, dahan-dahang natutunaw ang mga ito kapag nasa loob ng tumbong upang ma-absorb ng katawan ang mga aktibong sangkap ng gamot.
Tandaan: Bukod sa rectal, may vaginal at urethral suppositories din.
Ang Rectal Suppositories ba ay Para Lamang sa Constipation?
Sapagkat pinapasok ang mga ito sa tumbong, maraming tao ang nag-iisip na ang mga suppositories ay inilaan lamang gamutin ang constipation. Ngunit, hindi iyon ang kaso.
Ang suppository para sa sanggol ay maaaring irekomenda para sa mga sumusunod na dahilan:
- Hindi maaaring uminom ng gamot sa pamamagitan ng bibig (halimbawa, kapag sila ay may seizure)
- Hindi sila makalunok sa ilang kadahilanan.
- May mga bara sa kanilang digestive system na pumipigil sa gamot na makarating sa tiyan.
- Hindi tinatanggap ng sanggol ang pagkain at inumin (tulad ng kapag sila ay nagsusuka)
- Ang gamot ay masyadong mabagsik sa digestive system.
- Para sa mas mahusay at mas mabilis na absorption. Dahil nilaktawan nito ang proseso ng pagsipsip pagkatapos ng digestion (tulad ng mga iniinom na gamot). Kaya naman sa mga emergency case, kapag ang pag-access sa IV lines ay maaaring maantala/mahirap, ang mga gamot na maaaring ibigay sa pamamagitan ng tumbong ay isang mabilis na alternatibo.
- Masama ang lasa ng gamot at hindi ito matiis ng pasyente.
Suppository Para Sa Baby: Paano Ito Gamitin?
Nag-aalala tungkol sa kung paano gamitin ang suppository sa baby? Ang mga alituntuning ito ay makakatulong sa iyo:
- Hugasan mabuti ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig.
- Para sa malambot na suppository, bago alisin ang wrapper, maaaring kailanganin mong ilagay ang gamot sa refrigerator sa loob ng mga 30 minuto. Bilang kahalili, maaari mo itong ilagay sa ilalim ng malamig at umaagos na tubig. Mangyaring sundin ang mga tagubilin sa pakete o ang mga tagubiling ibinigay ng pediatrician ng iyong anak.
- Dahan dahang alisin ang plastic o foil wrapping.
- Kung ang kailangang ibigay ay isang bahagi lang, gupitin ito nang pahaba mula dulo hanggang dulo, hindi sa gitna.
- Magsuot ng disposable gloves.
- Iposisyon ang iyong anak patagilid, na ang kanyang ibabang binti ay nakaunat at ang itaas na binti, nakabaluktot ang tuhod, pataas patungo sa tiyan.
- Gamit ang iyong mga kamay na naka-disposable gloves, paghiwalayin ang mga pisngi ng puwet ng iyong sanggol upang mas makita ang kanyang anus. Ipasok ang suppository (unahing nakatutok ang dulo) sa tumbong ng iyong anak. Ituro ito patungo sa kaniyang pusod at subukang ipasok ito sa loob ng kalahating pulgada hanggang isang pulgada mula sa butas ng tumbong. Ang pagpasok nito ng masyadong malalim ay maaaring maging sanhi ng pag-pop out nito. Kung ito ay lumabas, ipasok ito sa pamamagitan ng pagsunod sa parehong mga hakbang.
- Kung sakaling tila mahirap para sa suppository na dumulas sa tumbong, subukang maglagay ng water-based na pampadulas. HUWAG gumamit ng petroleum jelly.
- Matapos matagumpay na maipasok ang suppository para sa sanggol, hawakan ang kanilang puwet ng ilang segundo at panatilihin nakahiga nang humigit-kumulang 15 minuto. Binabawasan nito ang panganib ng paglabas ng gamot pabalik.
- Itapon nang maayos ang mga ginamit na materyales at hugasan nang maigi ang iyong mga kamay.
Paano Tamang Mag-imbak ng Suppositories?
Depende sa ibinigay na dosage, maaaring kailangan mo ng ilang suppositories upang makumpleto ang treatment ng iyong anak. Narito ang ilang mga alituntunin para sa pag-iimbak ng mga ito:
- Ilayo ang mga suppositories (o anumang gamot) sa paningin at abot ng mga bata.
- Panatilihin ang mga suppositories sa kanilang orihinal na packaging at iimbak ang mga ito sa isang malamig, tuyo na lugar.
- Tingnan ang mga tagubilin sa pakete kung kailangan mong itago ang mga ito sa refrigerator.