Ang makitang may milestone ang iyong anak ang magpaparamdam sa iyo na napakabilis lumipas ng panahon. Ang maliit mong baby sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan ay lumalaki sa paglipas ng bawat araw. Maaaring napapaisip ka kung “Normal ba ang paglaki ng anak ko ayon sa kanyang edad? At kailan dapat ako mabahala?” Madaling malaman ang mga sagot sa iyong mga tanong. Maaari kang matuto pa tungkol sa paglaki ng iyong anak sa pamamagitan ng World Health Organization o WHO growth chart ng bata.
Pag-unawa sa Growth Chart ng Bata
Palaisipan sa bawat magulang kung naaayon ang paglaki ng kanyang anak. At may mga pagkakataon – gayunpaman ay hindi nila dapat gawin – ikinukumpara nila sa ibang bata na kasing edad ng kanilang anak ang sukat o laki ng kanilang baby. Minsan, nabubuo ang mga tanong na ito dahil sa ibang mga salik na nakakaapekto sa growth ng iyong anak.
Ipinapakita ng baby growth chart kung papaano nagdedevelop ang bata sa pamamagitan ng projection ng tangkad, timbang, at sukat ng ulo. Tinutulungan ka nito at ang iyong doktor na makita ang tuloy-tuloy nilang development. Sa ilang pagkakataon, nagbibigay ng maagang mga indikasyon ang chart na ito kung may medical problem ang iyong anak.
Sa regular physical checkup, gumagamit ng baby growth chart ang mga pediatrician bilang isang pamantayan upang makita kung naaayon ang paglaki ng iyong anak o hindi, batay kani-kanilang individual growth curve.
Magkakaiba ang bawat bata, kaya mas magandang paraan na gumamit ng baby growth chart upang masukat ang akmang development ng iyong anak kaysa ikumpara ito sa iba.
Lumalaki ang mga babae at lalaki sa magkakaibang pattern sa magkaibang bilis. Sa kadahilanang ito, may magkaibang growth chart para sa mga lalaki at para sa mga babae.
Papaano susukatin ang iyong baby?
Titimbangin at susukatin ng doktor ang iyong baby sa kanyang pagsilang. Sa magkakasunod-sunod na checkup, magsasagawa ng regular na pagsusukat ang pediatrician ng iyong anak upang masundan ang kanyang paglaki. Madalas nilang sinusukat ang tatlong mahahalagang bagay:
- Timbang
- Height o haba (sinusukat habang nakahiga ang mga batang nasa tatlong taon pababa, at nakatayo para sa mga batang nasa tatlong taon pataas)
- Head circumference (sinusukat gamit ang tape measure mula sa likod ng kanilang ulo patungo sa ibabaw ng kanilang kilay)
Ang mga batang nasa dalawang taon ang edad pababa ay kadalasang ginagamitan ng special infant scale. Partikular na nakatutulong ang scale na ito sa pagkuha ng timbang ng mga newborn.
Kung mayroon kang premature baby, dapat na i-adjust ang edad sa chart upang isaalang-alang ang linggo hanggang sa umabot sila sa dalawang taong gulang. At kapag nagdalawang taong gulang na sila, saka kakalkulahin ng mga doktor ang body mass index (BMI) ng bata. Nakatutulong ang index na ito upang matantiya ang body fat ng bata.
May mga kaso kung saan nagbabago-bago ang timbang ng bata araw-araw. Normal ito sa mga lumalaking bata. Pinagkukumpara ang mga sukat na ito sa standard (normal) range sa mga batang may parehong kasarian at edad habang isinasaalang-alang ang individual growth pattern ng iyong anak.
Ginagamit ang growth chart na ito hanggang sa umabot ang iyong anak sa edad na 18.
Suriin ang growth ng iyong anak – Gamitin ang ating WHO Growth Chart
Tipikal na ginagamit ang World Health Organization growth standards upang kalkulahin ang paglaki ng infant (edad 0 hanggang 2). Kung napapaisip ka sa growth ng iyong anak, maaari mong gamitin ang ating medically-verified baby growth chart. Ang kailangan mo lamang gawin ay ibigay ang ilang detalye ng iyong anak:
- Pangalan/Palayaw (opsyunal)
- Kasarian
- Edad
- Tangkad/Taas
- Timbang
- Head circumference
- Petsa kung kailan kinuha ang mga binigay na sukat
Pindutin ang calculate at makikita mo ang isang chart. Nirerepresenta ng solid blue dot ang standing ng iyong anak sa mga ibang makukulay na linya na nagpapakita ng percentiles.
Paano binabasa ang WHO Growth Chart
Ang percentiles ay tumutukoy sa mga sukat na nagpapakita kung saan nakaranggo ang iyong anak kung ihahambing ito sa ibang bata. Nakikita ito sa baby growth chart bilang curved lines.
Kapag nai-plot ng iyong pediatrician ang timbang at tangkad ng iyong anak sa isang chart, makikitang kung aling percentile line ang natamaan ng mga sukat na ito:
- Pagtaas ng bilang ng percentile, pagtangkad o pagbigat ng bata kung ikukumpara sa ibang bata na nasa parehas na age group at kasarian.
- Pagbaba ng bilang ng percentile, pagliit ng bata kumpara sa iba.
Mabuti kung makasusunod ang bawat bata sa parehas na growth pattern sa paglipas ng panahon, nadaragdagan ang height at weight sa magkaparehas na bilis, at pumapantay sa isa’t isa. Ibig sabihin nito, ang growth curve ng isang bata ay karaniwang tumitigil sa isang tiyak na percentile line. Kaya, kung matagal nang nasa ikasampung percentile line ang iyong apat na taong gulang na anak na lalaki, lumalaki pa rin siya na naaayon sa kaniyang pattern. Magandang senyales ito para sa kanyang growth at development.
MAHALAGA
Key Takeaways
Mahalagang isaisip na nagdedevelop ang mga bata sa kani-kanyang panahon. Mananatiling maliit ang ibang bata habang mas malalaki ang ilan sa iba. At normal lamang ito.
May ilang mga salik na nakakaapekto sa tangkad (haba) at timbang ng bawat isa —- genetics, kasarian, nutrisyon, at physical activity, kung pangangalanan ang ilan. At marami sa ng salik na ito ang maaaring lubos na maiba mula sa isang pamilya hanggang sa susunod na henerasyon.
Ang pinakamahalaga, lumalaki sila sa inaasahang bilis para sa kanilang percentile. Tutulungan ka at ang iyong doktor ng WHO growth chart upang malaman kung tuloy-tuloy na naaabot ng iyong anak ang kanilang lubos na paglaki.
Matuto pa tungkol sa iyong baby dito.
[embed-health-tool-child-growth-chart]