Ayon sa mga eksperto, ang unang 1000 araw ng bata — ang panahon bago sila maging 2 taong gulang ay pinaka mahalaga para sa development ng utak. Karagdagan, binigyang-diin nila na mahalaga ang nutrisyon sa pagpapalakas ng brainpower. Ano ang pinaka mainam na nutrisyon bilang pagkain na pampatalino ng bata? Alamin dito.
Protina
Ang protina ay isa sa mga nutrisyon na nakapagpapatalino dahil ito ay nakatutulong sa brain cells upang makipag-communicate. Ayon sa pag-uulat, ang mga pagkain na mayaman sa protina ay nakapagbibigay ng amino-acids, na mahalaga sa formation ng neurotransmitters o “chemical messengers.”
Ang gatas ng ina ay mayaman sa protina, ngunit kung nagsimula na ang iyong baby na kumain ng solid foods, narito ang ilang halimbawa ng mayaman sa protina na pagkain na maaaring ibigay nang paunti-unti:
Iron
Ang iron ay mahalaga hindi lang habang nagbubuntis ngunit maging pagkatapos magbuntis. Sinasabi ng pag-uulat na ito ay mahalaga sa “neurogenesis at pagkakaiba ng tiyak na brain regions at brain cells.”
Ayon sa Center for Disease Control (CDC), ang iyong baby ay may sapat na iron na nakaimbak na tumatagal ng 4 na buwan matapos ipanganak. Kung siya ay pinapasuso, magandang ideya na kausapin ang iyong doktor tungkol sa iron-supplementation dahil ang breast milk ay may kaunting iron.
Kung nagsimula nang kumain ang iyong baby ng solid foods, maaari mo silang bigyan ng mga sumusunod na mayaman sa iron na pagkain:
- Karne
- Beans at lentils
- Dark, leafy vegetables
- Fortified bread
- Baked potatoes
Zinc
Ang zinc din ay isa sa mga pagkain na pampatalino ng bata para sa development ng brain ng baby. Ayon sa isang pag-uulat, ang nutrisyon na ito ay mahalaga sa formation ng brain cells o neurons. Karagdagan, ito ay nakapagpapalakas ng formation ng synapses, ang espasyo sa pagitan ng dalawang cells kung saan nakikipag-communicate sa bawat isa. Sa ibang salita, ang kakulangan sa zinc ay maaaring makaapekto sa pag-uugali at development ng bata.
Binanggit ng pag-uulat na ang colostrum ay may mataas na amount ng zinc: Kung nagsimula na ang iyong baby na kumain ng solid foods, ikonsidera ang pagbibigay ng mga sumusunod:
- Karne
- Isda
- Dairy products
Iodine
Kabilang din ang iodine sa ating listahan ng nutrisyon sa pagkain na pampatalino ng bata. Sinasabi ng mga eksperto na ang mga sanggol na edad 0 hanggang 6 na buwan ay kinakailangan ng 90 micrograms ng iodine kada araw. Sa kabilang banda, ang mga baby na 7 hanggang 12 buwang gulang ay kinakailangan ng 110 micrograms kada araw.
Ang mga baby ay inisyal na dumedepende sa gatas ng ina para sa kanilang pinagkukunan ng iodine, kaya’t kailangan na siguraduhin ng mga nanay na may sapat din silang iodine. Habang nasa weaning, maaari mong ikonsidera na bigyan ang iyong baby ng mga sumusunod na pagkain para sa iodine:
- Seafood
- Dairy products
- Pagkain na may iodized salt
Bitamina A, D, B6, at B12
Ayon sa mga eksperto, ang mga bitamina A, D, B6, at B12 ay nakatutulong na nutrisyon bilang pagkain na pampatalino ng bata. Kung ang iyong baby ay handa na kumain ng solid foods, ikonsidera ang mga sumusunod na sources:
Bitamina A
- Kamote
- Spinach
- Carrots
- Broccoli
- Isda
Bitamina D
- Fatty fish
- Fortified products
- Gatas
- Healthy exposure sa sinag ng araw
Bitamina B6 at B12
- Organ meat
- Isda
- Patatas
- Starchy vegetables
- Dairy
- Itlog
Omega-3 fatty acids
Habang nagbubuntis, angomega-3 fatty acids ay mahalaga dahil ito ay “building blocks,” ng retina at fetal brain. Matapos manganak, ang fatty acids ay mahalaga pa rin. Sa katunayan, ang ilang pag-uulat ay nagsasabi na nakatutulong ito sa hand-eye coordination, social skills, at attention span.
Nasa ibaba ang ilan sa sources ng omega-3 fatty acids para sa mga baby:
- Mga pagkain na fortified na may omega-3 fatty acids
- Fatty fish tulad ng sardines
- At salmon
- Fortified milk
Key Takeaways
Ang nutrisyon ay importanteng parte ng pagkain na pampatalino ng bata. Isang paraan upang masiguro ang maayos na nutrisyon ay sa pagpapasuso ng iyong baby hangga’t kaya at simulan ang proseso ng weaning kung sila ay handa na. Kung hindi posible ang eksklusibong pagpapasuso, kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinaka mainam na gatas na maaaring magpainam ng kalusugan ng iyong anak.
Sa huli, tandaan na ang paglilista ng mga nutrisyon para sa pagkain na pampatalino ng bata ay isa sa mga parte ng pagtulong sa iyong bulinggit na lumaki na malusog. Maraming mga paraan upang maging maayos ang brain development. Halimbawa, maaari mo ring mapalakas ang utak ng sanggol sa pamamagitan ng mga larong makakapagpasigla ng kanilang paglaki. Maglaan ng oras sa paglalaro na nakatutulong sa pag-develop ng parehong pisikal at mental na kalusugan ng iyong anak. Ang paraan ng iyong pakikipag-ugnayan sa kanila ay mahalaga rin.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.