Malaking ginhawa ang pagbili ng commercial baby food, ngunit mahalagang matiyak na napipili mo ang tamang produkto para sa iyong baby. Mahalaga malaman din ang edad kung kailan puwede o ideal kumain ng mga baby food na available sa market. Magandang ideya ring malaman ang mga brand ng mga ibinebentang baby food at malaman kung kailan ito puwede o hindi puwedeng ibigay sa iyong anak. Sa artikulong ito, mas malalim pa nating pag-uusapan ang mga ibinebentang mga brand ng baby food na maaari mong pagpilian.
Ang mga Advantage ng Commercially-Prepared Baby Food
Ang baby food ay pagkaing ginawa para sa bata na nagbibigay ng sustansyang kailangan nila at nakabatay sa kakayahan nilang kumain. Madalas, ang mga baby food ay para sa mga batang nasa edad na 6 na buwan (kung saan maaaring simulan pakainin ng solid food kasabay ng gatas ang bata) hanggang 2 taon.
Marami sa mga baby food ay nakalagay sa garapon (jar) o pouch na puree ng gulay at prutas, ngunit mayroon ding mga cereal na kailangan mong haluan ng gatas o tubig. May mga ilang advantage ang pagbibigay sa iyong baby ng commercially-prepared food.
Ginhawa
Una, syempre, ang ginhawa sa paghahanda. Hindi mo na kailangang mag-alala sa kung paano magdudurog o magpu-puree ng pagkain tuwing pakakainin ang baby. Ang mga madaling matunaw sa tiyan na pagkain ay kadalasang ready-to-eat.
Ginawa para lamang sa mga baby
Karamihan sa mga brand ng baby food ay ginawa para sa mga bata ng naka-ayon sa kanilang edad. Hindi mo kailangang manghula kung kaunti o sobrang dami ng serving nito.
Madaling iimbak
Panghuli, ang mga brand ng baby food ay shelf-stable. Kung maiimbak nang tama, maaari silang tumagal nang higit pa sa baby food na gawang bahay. Advantage din na malalaman mo kung gaano katagal mo eksaktong puwedeng ikonsumo ang pagkain.
Karamihan sa mga brand ng baby food ay maaari mong ilagay sa refrigerator nang hanggang 3 araw. Gayunpaman, inirerekomenda ng ilang kompanya na ilagay sa freezer ang baby food kung matagal pa bago ito kainin ng iyong anak. Ngunit tandaang hindi ito puwedeng patigasin.
Naghahanap ka ba ng brand ng baby food? Ikonsidera ang mga sumusunod.
Naghahanap ka ba ng mga brand ng baby food para sa infant at toddler? Maaari mong tingnan ang mga sumusunod:
- Gerber: Ang Gerber ay isa sa pinakakilalang brand ng baby food sa Pilipinas. Mayroon silang ibinebentang single at multiple ingredient puree ng mga prutas at gulay na nasa garapon.
- Cerelac: Ang Cerelac ay brand ng infant cereal na gawa sa mga prutas at gulay, baby grade grains, at 18 vitamins at minerals. Ang mga halimbawa ng kanilang produkto ay Chicken and Vegetables, Brown Rice and Milk, at Wheat Banana at Milk.
- Happy Baby: Maraming produkto ang brand na ito para sa First Foods, Advancing Taste and Textures, at Self-Feeding. Nasa garapon at pouch na puwedeng pigain ang kanilang mga produkto. Mayroon din silang peanut at tree nut na ginawa ng pediatric allergists upang maisama ang mani sa pagkain ng inyong baby.
- Organix PH: Maraming mapagpipilian sa Organix PH, at hindi lamang baby food. May baby rice, fruit porridge, at muesli (parang oatmeal) ang kanilang baby food. Nahahati rin ang kanilang mga produkto batay sa kanilang kayang kainin sa edad nila (6+buwan, 7+buwan, 10+buwan)
Huling Paalala
Bagaman may mga advantage ang mga brand ng baby food, tandaang marami pa ring “rules” na kailangang sundin.
Halimbawa, maaaring kailangan mo munang magbigay ng isang sangkap ng pagkain sa loob ng ilang araw upang malaman kung may allergy siya rito.
Panghuli, marami sa mga Stage 1 (starter) food ay may layuning magpakilala ng iba’t ibang lasa. Hindi ito nagbibigay ng kompletong nutrisyon, kaya’t kailangan mo itong dagdagan ng breast milk o formula milk at iba pang mga solid food.
Key Takeaways
Maraming uri ng mga brand ng baby food na ibinebenta. Maaaring nakalilito kung alin dito ang pinakamabuti para sa iyong anak. Ang dapat tandaan ay lahat ng baby ay magkakaiba kaya’t ang maganda sa isang sanggol ay hindi nangangahulugang maganda rin sa iba. Kung nag-aalala ka, kumonsulta sa pediatrician ng inyong anak.
Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.