backup og meta

Magandang Gatas Sa Baby: Alin Ba Ang Mabuti Para Sa Kalusugan?

Magandang Gatas Sa Baby: Alin Ba Ang Mabuti Para Sa Kalusugan?

Ang infant formula ay may malaking bahagi sa buhay ng maraming magulang na Pilipino kapag sila ay may sanggol sa kanilang pangangalaga. Ito ay dahil may mga ina na kailangang ihinto ang pagpapasuso sa ilang kadahilanan. Kahit na gusto nilang magpasuso hanggang sa 6 na buwan, hindi nila ito magawa dahil kailangang bumalik sa trabaho o kulang ang supply ng gatas. Kaya’t ang pagpili ng magandang gatas sa baby ay napakahalaga dahil sa gatas makukuha ang karamihan sa mga sustansya. Ngunit ano ang pinakamahusay na formula milk para sa sanggol kapag sila ay 0 – 6 na buwan pa lamang? 

Pinakamaganda pa rin ang gatas ng ina

Alalahanin na ang gatas ng ina ang pinakamahusay pa rin sa mga sanggol. Napatunayan ito ng maraming siyentipikong pagsisiyasat. Gayunpaman, may mga kaso na hindi ipinapayo ng mga doktor ang pagpapasuso. Ang mga halimbawa nito ay kapag: 

  • Ang baby ay may galactosemia, isang metabolic disorder na nagpapahirap na madigest ang galactose sugar
  • May  ilang kondisyon ang nanay gaya ng impeksyon sa HIV o sakit na Ebola virus
  • Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang nanay

May mga kaso din na kailangan lang ng mga mommies na pansamantalang huminto sa pagpapasuso. Kasama ang mga sitwasyon na hindi sila makapag-breastfeed pero pwedeng padedehin ang kanilang sanggol ng nailabas nilang gatas. Matutukoy ng doktor ang mga kondisyong ito.

Ano ang Infant Formula?

Bago natin talakayin kung paano tamang piliin ang magandang gatas sa baby, tukuyin natin ang isang “formula milk.”

Ang infant formula ay isang espesyal na paghahanda ng gatas na may kalkuladong carbohydrate, fat, at protein na naglalayong maging katulad ng gatas ng ina. Bukod pa rito, para sa baby’s optimal growth at development, karamihan sa formula milk ay pinatibay ng iba pang mga nutrients tulad ng mga bitamina at iron.

Tandaan na ang infant formula ay ang tanging tinatanggap na kapalit ng breastmilk para sa mga sanggol. Dapat iwasan ng mga magulang ang paggamit ng plain na gatas ng baka, tupa, kambing, o bigas kapag pinapadede ang sanggol. Dahil ang mga ito ay walang tamang balanse ng mga sustansya na angkop para sa mga sanggol. Tutol din ang mga doktor sa paggamit ng toddler milk pati na rin sa homemade formula.

Ayon sa World Health Organization, ang rekomendasyon para sa magandang gatas sa baby ay dapat na nakabatay sa kanilang mga medikal na pangangailangan. Samakatuwid, mahalagang hakbang na komunsulta sa isang pediatrician.

Ano ang Mga Available na Formula Milk Preparations?

Alam mo ba na may iba pang magagamit na formula milk? Ito ang mga:

  • Concentrated liquid formula. Ito ay nasa liquid form, pero kailangan mo pa rin itong ihalo sa tubig.
  • Ready-to-use formula. Ito ang pinaka-convenient dahil hindi mo kailangang ihalo ito sa tubig. Kaya lang, ito rin ang pinakamahal.

Paano Pumili ng Magandang Gatas sa Baby

Kapag pumipili ng pinakamahusay na formula milk para sa sanggol, dapat kang kumunsulta sa iyong doktor. Dahil ang formula milk ay inirerekomenda batay sa medikal at nutritional na pangangailangan ng baby. Para sa kadahilanang ito, tingnan ang mga sumusunod na uri kapag namimili ng formula milk:

Cow’s Milk

Una sa aming listahan ay gatas ng baka. May 80% ng formula milk sa merkado. Maaaring piliin ito ng ilang ina bilang pinakamahusay at magandang gatas sa baby kung wala silang pinagbabatayan na kondisyon tulad ng allergy sa gatas.

Ang gatas ng baka ay karaniwang ligtas dahil sa mga sumusunod na katangian nito: 

  • “Digestible”ang mga protina nito. Nakamit ito ng manufacturers sa pamamagitan ng heat treatment at iba pang mga pamamaraan.
  • Ang manufacturers ay nagdaragdag ng mas maraming lactose (asukal sa gatas) sa gatas ng baka para mas maging katulad ito ng gatas ng ina.
  • Ang butterfat sa gatas ng baka, na mahirap matunaw ng mga sanggol, ay tinanggal. Kapalit nito ay vegetable oil, na hindi lamang mas natutunaw ngunit mas mahusay din para sa paglaki at development ni baby.

Soy Milk Formula

Hindi tulad ng karaniwang milk-based formula, ang soy milk ay may ibang komposisyon. Halimbawa, ang mga protina nito ay nagmula sa soy at ang carbohydrates nito ay nasa anyo ng alinman sa sucrose o glucose, at hindi lactose.

Ayon sa American Academy of Pediatrics, “May ilang mga pagkakataon na ang soy formula ay mas dapat kaysa sa cow milk-based preparations.”

Ang soy milk ay maaaring ang pinakamahusay na formula milk para sa sanggol kung:

  • Hindi ma-tolerate o allergic sa lactose sa cow-milk based infant formula. 
  • Ayaw mong isali ang mga protina ng hayop sa nutrisyon ng iyong sanggol.

Hydrolyzed Milk

Ang hydrolyzed milk ay tinatawag ding “pre-digested” na formula. Dahil naglalaman ito ng mga protina na nahati na sa mas maliliit na anyo para sa mas madaling digestion. Maaaring ito ang pinaka magandang gatas sa baby kung hindi nila matolerate ang parehong gatas ng baka at soy milk.

Sinasabi ng ilang ulat na kung ang iyong sanggol ay madaling magkaroon ng allergy, ang hydrolyzed milk ay maaaring magpabagal sa pagsisimula ng mga kondisyon tulad ng atopic dermatitis. Gayunpaman, sabi din ng mga eksperto na kailangan nila ng higit pang pag-aaral para kumpirmahin ang claim.

Ano ang Dapat Mong Hanapin sa isang Infant Formula

Dalawa ang pinakamahalagang bagay na dapat tingnan ng mga magulang sa pagpili ng magandang gatas sa baby: sustansya at integridad 

Nutrients

Kapag pumipili ng formula milk, tingnan ang nutrient content nito. 

Halimbawa, binibigyang-diin ng mga eksperto na ang mga magulang ay dapat maghanap ng iron-fortified milk formula. Ito ay dahil ang ilang mga sanggol ay walang likas na reserba ng nutrient na ito na mahalaga para sa normal na paglaki at pag-unlad. Bukod pa rito, ang iron sa gatas ay nagpapababa ng panganib ng iron-deficiency anemia.

Gusto rin ng ilang magulang na magkaroon ng docosahexaenoic acid (DHA) at arachidonic acid (ARA) ang gatas ng kanilang baby. Ang dahilan nito ay sa ilang mga pag-aaral, ang dalawang fatty acid na ito ay nagpapakita ng pag promote hindi lamang sa paningin ng sanggol kundi pati na rin ang brain development.

Panghuli, ang ilang mga gatas ay may mga probiotic at pre-biotic sa mga ito para itaguyod ang balanse ng malusog na bakterya sa bituka. Ginagawa ito upang gayahin ang kakayahan ng breastmilk na palakasin ang immunity.

Ang karamihan sa formula ng gatas ng baka ay pinatibay ng iron, DHA, at ARA.

Integrity

Kapag namimili ng magandang gatas sa baby, tingnan ang petsa ng pag-expire. Bihira ang kaso ng expired na powdered milk sa mga tindahan, ngunit posible pa rin ito. Tandaan na hindi ka makatitiyak sa kalidad at kaligtasan ng isang expired na gatas.  

Panghuli, suriin ang kalagayan ng lalagyan. Dapat itong selyado at nasa mabuting kondisyon. Iwasang bumili ng formula milk sa mga lalagyan na may butas, may kalawang, o puffy ends. 

Key Takeaways

Pinakamabuting gawin ang pagpili ng magandang gatas sa baby pagkatapos kumonsulta sa doktor o pediatrician. Pagkatapos ng kanilang masusing pagsusuri malalaman kung si baby ay may ilang mga kondisyon na maaaring mangailangan ng hydrolyzed na gatas o ibang espesyal na formula.  
Finally, huwag kalimutang isaalang-alang kung ang iyong sanggol ay ipinanganak nang full-term or premature. Kadalasan, naaapektuhan din nito ang uri ng magandang gatas para sa kanila. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infant Formula, https://www.aafp.org/afp/2009/0401/p565.html#:~:text=The%20wide%20variety%20of%20available,a%20term%20formula%20with%20iron., Accessed August 3, 2020

Safe preparation, storage and handling of powdered infant formula, https://www.who.int/foodsafety/publications/micro/pif_guidelines.pdf, Accessed August 3, 2020

Choosing an Infant Formula, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/formula-feeding/Pages/Choosing-an-Infant-Formula.aspx, Accessed August 3, 2020

Infant formula: Your questions answered, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/infant-formula/art-20045782, Accessed August 3, 2020

Docosahexaenoic Acid and Arachidonic Acid Nutrition in Early Development, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5207030/, Accessed August 3, 2020

Contraindications to Breastfeeding or Feeding Expressed Breast Milk to Infants, https://www.cdc.gov/breastfeeding/breastfeeding-special-circumstances/contraindications-to-breastfeeding.html, Accessed March 2, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Brand ng Baby Food na Mabibili ng mga Magulang

Alamin: Mga Pagkain para sa Baby-led Weaning


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement