Anong mangyayari kung uminom ng breastmilk ang isang matandang lalaki? Maaari bang magpasuso ang isang lalaki? Naglatag ng katotohanan sa ilang nakagugulat na mga tanong tungkol sa breastfeeding at breastmilk ang medical expert na si Dr. Mary Rani Cadiz.
Maaari bang magpasuso (male lactation) ang isang lalaki? Anong mga kondisyon ang maaaring gawing posible ito?
Hindi. Kahit na may mammary glands ang mga lalaki, wala silang sapat na prolactin para gumawa ng gatas.
Karaniwang may mababang prolactin ang mga lalaki. Kapag mataas ang prolactin ng mga lalaki sa dugo, nagiging sagabal ito sa tungkulin ng testicles, produksyon ng testosterone (pangunahing male sex hormone) at sperm. Itinuturing itong isang abnormalidad na kadalasang sanhi ng pituitary tumor. Prolactinoma ang tawag sa benign (noncancerous) na tumor ng pituitary gland na responsable sa paggawa ng maraming prolactin.
Sinasabing nakatutulong ang breastmilk sa pagpapagaling ng mga sanggol na may sakit. Kung ganoon, maaari bang inumin ko o ng aking asawa ang aking breastmilk upang mapalakas ang aming immune system? Anong mangyayari kung uminom ng breastmilk ang isang matandang lalaki?
Kung walang anumang impeksyon sa dugo tulad ng hepatitis B at HIV, ligtas at maaaring inumin ng iyong kabiyak ang iyong breastmilk. Nasusunod din ang karaniwang pag-iingat para sa mga body fluid sa tuwing umiinom ng breastmilk ang isang matandang lalaki. Maaaring makaapekto sa kalidad ng iyong breastmilk ang mga kemikal mula sa usok ng sigarilyo, metabolites mula sa mga gamot, at pagkain.
Mabisa ba ito?
Dapat maunawaang magkaiba ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga bata at ng matatanda. Maaaring hindi sapat ang breastmilk upang matugunan ang kinakailangang sustansya ng isang adult.
Maraming pag-aaral patungkol sa complex sugars mula sa breastmilk o human milk oligosaccharides (HMOs) ang nagpakita ng potensyal na benepisyo sa immune system. Ngunit nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang masagot ang tanong tungkol sa breastfeeding at mga benepisyo nito partikular sa matatanda. Kadalasang isinasagawa ang mga pag-aaral na ito sa mga laboratoryo at kakaunti lamang ang mga taong kasangkot.
Ano ang (dapat) benepisyo ng pag-inom ng breastmilk sa mga matanda?
May kakayahang kontrolin ng HMO ang immune function at gut barrier. Sinusuportahan nito ang potensyal ng HMO na magbigay ng benepisyo sa kalusugan ng mga matanda. Kilala ang HMO sa kanilang prebiotic effect.
Kabilang sa mga benepisyo ng HMO ang:
- Pinalakas na gastrointestinal function
- Pagbawas sa mga allergy
- Pagbaba ng obesity
- Mas magandang immune function
Mahalagang tandaang hindi pa naitatala ang dami o “dosage” ng breastmilk. Tandaan ding magkaiba ang digestive system ng sanggol sa matanda. Maganda itong malaman kung maitatanong kung dadaan ba sa parehong proseso ng metabolism ang mga component ng breastmilk.
Dapat bang subukan ito?
Tandaang maaaring makatulong o hindi makatulong sa immune system ng matanda ang pag-inom ng breastmilk. Maaari itong subukan kung walang anumang nakahahawang sakit at kung mayroon pang higit sa sapat na breastmilk para sa sanggol.
Sanayin palagi ang wastong pag-handle at pag-imbak ng breastmilk dahil posible ang kontaminasyon ng bacteria at virus.
Matuto pa tungkol sa Breastfeeding dito.