backup og meta

Safe Ba Ang Glutathione Sa Mga Inang Nagpapasuso?

Safe Ba Ang Glutathione Sa Mga Inang Nagpapasuso?

Ang glutathione ay isang magandang antioxidant na nakatutulong sa pagsuporta sa immune system. Dahil nais ng mga nagpapadedeng ina na magkaroon ang kanilang mga anak ng pinakamalakas na resistensya, natural lamang na mapapaisip: safe ba ang glutathione sa nagpapadede na ina? Epektibo ba ito? Narito ang mga impormasyong mahalagang malaman tungkol dito at kung safe ba ang glutathione sa nagpapadede

Safe Ba Ang Glutathione Sa Nagpapadede?

Isang non-toxic antioxidant ang glutathione na natural na pinoprodyus ng katawan. Ito ay ligtas na sangkap sa supplements ng mga nakatatanda. Gayunpaman, wala pang anomang mga pag-aaral ang naisagawa tungkol sa kaligtasan ng glutathione habang nagpapasuso, kung kaya mahalagang kumonsulta sa doktor bago uminom nito nang regular.

Kung nagpapadede, ang malusog na diet na may posibleng supplementation ay nagiging mas mahalaga. Habang nagpapadede ay nasusunog ang calories, at anomang iyong kainin ay maaaring may direktang epekto sa iyong gatas. Kung kaya, mahalagang siguruhing ang mga kinakain at iniinom na supplements ay ligtas para sa sanggol.

Bagama’t ang glutathione ay isang natural na antioxidant na nakatutulong sa pagprotekta sa ina at sa sanggol mula sa toxins at maging upang labanan ang mga epekto ng oxidative stress, pinakamainam na kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang supplement.(Kabilang na ang pag-inom ng birth control pills).

Ang Pag-Inom Ba Ng Glutathione Ay Nakapagdaragdag Ng Antioxidants Sa Gatas Ng Ina?

Kung mayroon mang isang bagay na maaaring makaakit sa mga ina sa paggamit ng glutathione supplements, ito marahil ay ang posibilidad na “nakapagpapasa” ito ng antioxidants sa kanilang gatas, na may benepisyo sa sanggol.

Ayon sa mga ulat, ang gatas ng ina ay natural na nagtataglay ng glutathione. Ito ay maaaring makapagbigay ng proteksyon laban sa mga masasamang epekto ng oxidative stress.

Nagkakaroon ng oxidative stress kung may masyadong maraming free radicals o masyadong kaunting antioxidants. Ang masyadong maraming free radicals ay maaaring maging sanhi ng pagkasira sa cellular level na maaaring humantong sa pamamaga sa tissues at organs ng katawan.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ang glutathione ay isa sa mga pinakamalakas na antioxidants; maaari nito tayong protektahan sa pamamagitan ng pag-neutralize sa masasamang compounds habang ang mga ito ay kusang nabubuo sa cell o tissue. Ang pagkakaroon ng sapat na glutathione sa katawan ay may benepisyo, ngunit walang sapat na datos ang nagsasabi na ang pag-inom ng supplements habang nagpapadede ay may benepisyo sa sanggol.

Mga Karagdagang Impormasyon Tungkol Sa Glutathione Supplements

Safe ba ang glutathione sa nagpapadede? Mainam na huwag uminom ng glutathione habang nagpapadede o kung buntis o kung sinusubukang magbuntis. Ito ay dahil ang kaugnayan ng supplement na nito at sa pagpapadede, fertility, o pagbubuntis ay hindi pa tiyak na napatutunayan. Imumungkahi lamang ng doktor kung ang pag-inom ng glutathione kung may mas benepisyo ito kaysa panganib.

Kung handang simulan ang pag-inom ng glutathione, magpatuloy nang may pag-iingat, partikular na kung may ibang kondisyong pangkalusugan o umiinom ng ibang gamot. Ang mga supplement ay maaaring makaapekto sa kasalukuyang sakit o maaaring may interaksyon sa gamot.

Tandaan din na katulad ng ibang supplements, maaaring makaranas ng side effects. Ang glutathione ay maaaring maging sanhi ng mga sintomasna digestive, tulad ng pagduduwal at pagsusuka. Mayroong ding posibilidad na makaranas ng allergy kung kaya mahalagang tandaan ang mga matitinding reaksyon tulad ng pamamaga at kahirapan sa paghinga.

Samantala…

Kung interesado sa pag-inom ng glutathione dahil sa mga benepisyo nitong nakapagpapaputi ng balat, tandaang may ibang paraan upang maisagawa ito. Maaaring kumonsulta sa dermatologist upang malaman ang mga paraan ng pagpapaputi nang ligtas at epektibo para sa iyo.

Kung nais mong matamo ang mga benepisyo ng antioxidant ng glutathione, tandaang marami ang mapagkukunan nito. Ang pagkain ng maraming prutas at gulay ay mainam na paraan upang magkaroon ng antioxidant.

Key Takeaways

Safe ba ang glutathione sa nagpapadede? Walang sapat na patunay na ang pag-inom o paggamit ng glutathione habang nagpapadede ay maaaring makasama sa sanggol. Ngunit wala ring mga pag-aaral na nagsasabing ang glutathione ay may benepisyo sa gatas ng ina o sa sanggol. Sa kabuoan, maaaring isaalang-alang ang paggamit o pag-inom ng glutathione habang nagpapadede kung iminungkahi ng doktor. Hindi imumungkahi ng doktor ang supplement maliban na lamang kung mas marami itong benepisyo kasya panganib. Ang mga karagdagang paalala na kailangang isaalang-alang ay ang kasalukuyang sakit, gamot, o allergies.

Matuto pa tungkol sa Pagpapasuso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Glutathione and its antiaging and antimelanogenic effects, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5413479/#:~:text=Glutathione%20is%20generally%20a%20safe,adverse%20reactions%20have%20been%20observed., Accessed July 25, 2022

Weight Loss – for Mothers, https://www.llli.org/breastfeeding-info/weight-loss-mothers/#:~:text=While%20breastfeeding%20burns%20about%20500,2002%3B%20Dewey%2C%201994)., Accessed July 25, 2022

Review on the role of glutathione on oxidative stress and infertility, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5844662/, Accessed July 25, 2022

Total Antioxidant Concentrations of Breastmilk—An Eye-opener to the Negligent, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3259723/, Accessed July 25, 2022

Nutritional supplements and mother’s milk composition: a systematic review of interventional studies, https://internationalbreastfeedingjournal.biomedcentral.com/articles/10.1186/s13006-020-00354-0,  Accessed July 25, 2022

Kasalukuyang Version

05/08/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang Electric Breast Pump?

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement