backup og meta

Pananakit Ng Utong o Nipple Thrush: Alamin Ang Sanhi, Sintomas At Gamot Dito

Pananakit Ng Utong o Nipple Thrush: Alamin Ang Sanhi, Sintomas At Gamot Dito

Ano ang nipple thrush o pananakit ng utong?

Ano ang nipple thrush at ano ang nagiging sanhi nito? Ang thrush ay isang ng fungal infection, na dulot ng yeast ng candida albicans na nangyayari sa tissue ng dibdib, nipples, bibig, o lalamunan. Kadalasan itong nagdudulot ng pananakit ng utong.

Ang thrush ay mas karaniwang makikita sa mga sanggol at sa may mahinang immune system. Habang ang mga malusog na indibidwal ay malayo sa panganib ng pagkakaroon ng kondisyong ito, ang mga sanggol na mahina ang immune system ay nasa panganib na makuha ang impeksyon at maipasa ito. Sa iba pang pagkakataon, hindi malinaw ang sanhi ng nipple thrush.

Dahil ang kondisyong ay maaaring makuha sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, posibleng maipasa ito ng mga sanggol sa nagpapasuso sa kanila. Maaaring makuha ng nagpapasusong nanay ang impeksiyong ito sa kanilang mga nipples o tissue sa dibdib.

Mas karaniwang tinatawag ito na nipple thrush, at ang impeksyon na ito ay maaaring maging sanhi ng pananakit at kakulangan sa ginhawa para sa nanay. Ang mga karaniwang lunas sa kondisyong ito ay mga antifungal na gamot o nipple thrush cream.

Karaniwang kondisyon ba ang nipple thrush?

Ang nipple thrush ay isang karaniwang isyu sa pagpapasuso. Madalas ay nagdudulot ito ng pananakit ng utong na nagpapahirap sa pagpapadede. Ang iyong sanggol ay mas madaling kapitan ng oral thrush dahil ang kanyang immune system ay dinedebelop pa.

Nangangahulugan ito na maaari mong maipasa ang impeksiyon na pabalik-balik, mula sa bibig patungo sa nipples o vice versa. Nangangailangan ng agarang lunas sa nipple thrush, maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng nipple thrush cream at iba pang mga gamot.

Mga palatandaan at sintomas 

Ngayon na alam mo kung ano ang nagiging sanhi ng nipple thrush, tingnan natin ang mga sintomas nito. Ang mga karaniwang sintomas ng nipple thrush ay :

  • Pananakit ng utong pagkatapos ng pagpapasuso 
  • Pananakit ng dibdib pagkatapos ng pagpapasuso 
  • Ang pananakit ay maaaring ilarawan bilang magaan o malubha, at may pangangati, may mainit at nakatusok na pakiramdam.
  • Malambot na dibdib 
  •  Mabagal na paghilom ng napinsalang nipple
  •  Ang mga areola ay maaaring nanunuyo o may bahaging natutuklap
  •  Ang mga utong ay maaaring lumitaw na matingkad na pink

Ang nipple thrush ay maaari ring maging sanhi ng mga sintomas na hindi pangkaraniwan. Ito ay maaaring maging: 

  • White rash

Mahalaga rin na obserbahan ang mga palatandaan ng oral thrush sa bibig ng iyong sanggol.

Ang mga sintomas ng oral thrush ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Paglitaw ng mga puting spot o patches sa dila, gilagid, ngalangala, o sa loob ng mga pisngi na hindi maaaring punasan
  •  hindi mapakali habang kumakain
  •  puting films sa labi

Hindi rin pangkaraniwan, na ang diaper rash na hindi nawawala ay maaari ding maobserbahan sa ilang mga sanggol na may thrush.

Kung sakaling magkaroon kang nipple thrush o pananakit ng utong, isaalang-alang ang paggamit ng nipple thrush cream.

Kailan ako dapat kumonsulta sa aking doktor?

Kung ang iyong anak ay magkaroon ng mga puting sugat sa bibig, maingat na kumonsulta sa iyong doktor o dentista.

Kung mapansin mo at paghinalaang maaaring mayroon kang nipple thrush, kumonsulta sa iyong doktor para malunasan. Ang gamot para sa nipple thrush ay kinabibilangan ng nipple thrush cream at iba pang mga medikasyon.

Mga Sanhi at Risk Factors 

 Ano ang nagiging sanhi ng nipple thrush o pananakit ng utong?

Ang nagiging sanhi ng nipple thrush ay isang impeksyon mula sa fungus, candida albicans. Halos lahat tayo ay may dala-dalang maliit na bilang ng fungus na ito. Ang ating immune system at good bacteria ay maaaring panatilihin ang bacteria na ito at maiwasang maging sanhi ng isang impeksiyon.

Gayunpaman, ang ilang mga kondisyon ay maaaring humantong sa paglaki ng bacteria na wala na sa ating kontrol at kung minsan ay may indikasyon na sobra na ito at hindi na kayang panghawakan pa ng ating immune system. 

Ang sakit, stress, gamot o iba pang mga kadahilanan ay maaaring magdagdag sa paglaki ng fungus nang higit sa ating kontrol.

Ang fungi tulad ng Candida ay nabubuhay sa mainit at basa-basang kapaligiran. Kaya naman, sa pagpapasuso ang eksaktong lugar para sila ay lumaki at maaaring humantong sa impeksyon sa iyo at sa iyong sanggol.

Ang iyong sanggol ay maaaring magdebelop ng thrush orally, samantala, maaari mong mabuo ang thrush sa iyong mga utong/nipples. Habang nagpapasuso, ikaw o ang iyong sanggol ay maaaring makahawaan.

Kaya naman ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda na ikaw at ang iyong sanggol ay sabay na gamutin upang maiwasan ang pagpapalitan ng mga impeksyon.

Ang lunas ay maaaring kabilangan ng paggamit ng nipple thrush cream.

Mga Risk Factors

 Ano ang nagpapataas ng panganib sa akin ng nipple thrush?

 Maraming dalang panganib ang nipple thrush, narito ang ilan: 

  • Weakened immunity
  • Vaginal yeast infections (thrush at vaginal yeast infection caused by candida albicans) 
  • Mga gamutan

Diagnosis at Gamutan 

Paano na-didiagnose ang nipple thrush at pananakit ng utong? 

Maaaring suriin ng doktor ang iyong mga suso at nipples para sa mga sintomas. Ang iyong doktor ay maaari ding obserbahan ang iyong sanggol kung siya ay nakabuo rin ng mga sintomas ng oral thrush, kung ano ang naging sanhi ng nipple thrush ay maaaring ding makaapekto sa impeksyon sa kanyang bibig.

Ang ilang posibleng pagtataya ay kinabibilangan ng:

  • Pagsusuri sa bibig 
  •  Mga swab mula sa bibig ng iyong sanggol 
  •  Mga swab mula sa iyong utang 
  •  Blood test (kung kinakailangan)

Paano ginagamot ang nipple thrush?

Ngayon na alam mo kung ano ang nagiging sanhi ng nipple thrush at kung paano ito nada-diagnosed, dapat mong malaman kung paano ito ginagamit. Ang gamot tulad ng nipple thrush cream ay maaaring ireseta ng iyong doktor upang gamutin ang kondisyon.

Kung ang thrush ay natagpuan sa iyong sanggol, ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi ng gamutan na na kasabay ng iyong anak.

Paggamot bukod sa nipple thrush cream maaaring kabilangan ng:

  •  Oral gel o drops
  •  Anti-fungal na gamot
  •  Paggamot ng anumang iba pang mga may impeksyon (vagina, diaper, rash o paa)

Pagbabago sa paraan ng pamumuhay at mga home remedies

Ang nipple thrush ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pamamahala sa kung ano ang nagiging sanhi nito (ang bacteria). Narito ang ilang posibleng mga pagbabago sa pamumuhay at mga home remedies upang makatulong na makontrol ang nipple thrush, bukod sa paggamit ng nipple thrush cream

  • Dalasan ang pagpapalit ng mga breast pads.
  • Linisin ang mga teats at pacifiers pagkatapos gamitin sa pamamagitan ng kumukulong tubig sa loob ng limang minuto 
  •  Regular na palitan ang mga teats at pacifiers kada linggo kung maaari 
  • Sanayin ang good hygiene para maiwasan ang pagkalat ng thrush
  •  Hugasan ang mga kamay bago at pagkatapos na magpalit ng diaper
  •  Labhan ang mga tuwalya, bras, lampin, nursing pads at patuyuin sa labas 
  •  Agad na gamutin ang mga vaginal infection

Ngayon na alam mo na kung ano ang nipple thrush, ang mga nagiging sanhi, pati na rin ang mga palatandaan at sintomas nito, ikaw ay mas maalam na upang harapin ito kung ito man ay mangyayari sa iyo. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor upang mas maunawaan mo ang pinakamainam na solusyon.

Matuto nang higit pa tungkol sa pangangalaga sa ina, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breastfeeding and Thrush https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/breastfeeding-and-thrush/ date accessed May 8, 2020

Breastfeeding Problems: Nipple Thrush https://www.thewomens.org.au/health-information/breastfeeding/breastfeeding-problems/breast-and-nipple-thrush date accessed May 8, 2020

Thrush https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10956-thrush date accessed 5/8/2020

Oral Thrush: Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oral-thrush/symptoms-causes/syc-20353533 date accessed 5/8/2020

Oral Thrush: Diagnosis and Treatment  https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/oral-thrush/diagnosis-treatment/drc-20353539 date accessed 5/8/2020

Breastfeeding Challenges: Thrush https://www.nhs.uk/start4life/baby/breastfeeding/breastfeeding-challenges/thrush/ date accessed 5/8/2020

 

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement