backup og meta

Pag-iimbak ng Breast Milk, Paano Ito Masisiguradong Safe?

Pag-iimbak ng Breast Milk, Paano Ito Masisiguradong Safe?

Kung ikaw ay nagpapasuso, ngunit kailangan nang bumalik sa trabaho o mayroong ibang mga sitwasyon na nakapipigil mula sa pagpapasuso sa sanggol, breast milk pumping ang para sa iyo. Ang pag-iimbak ng breast milk ay isa sa mga paraan para sa mga ina upang ipagpatuloy ang pagpapadede sa kanilang sanggol gamit ang gatas ng ina sa mga oras na hindi direktang galing sa suso. Maraming mga breast milk pumping at tips sa pag-iimbak na labis na makatutulong para sa mga bagong mga magulang.

Ang Pangunahin sa Pag-iimbak ng Breast Milk

Ang pag-iimbak ng breast milk ay perpektol para sa mga nanay na may mga tiyak na sitwasyon na hindi maaaring direktang makapgpasuso sa mga sanggol. Kung ang direktang pagpapasuso ay hindi kaya, ang pag-iimbak ng breast milk sa eksaktong oras ay ang pinakamainam na pagpapadede sa sanggol upang mapanatili ang produksyon ng gatas.

Bago simulan ang pag-iimbak ng breast milk, siguraduhin na sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig
  • Kung walang tubig at sabon, gumamit ng 60% na alcohol-based sanitizer
  • Siguraduhin na ang lugar na kung saan dadausan ang pagpa-pump ay malinis. Kung nasa labas ng bahay, may mga breastfeeding stations sa mall, at ibang mga establisyemento na maaaring mag-pump ng gatas
  • Linisin at i-sterilize ang pumping equipments at maghanda ng bagong storage bags para sa susunod na pumping session
  • Hindi na kailangan na linisin ang iyong suso bago mag pump

Kung nahihirapan na palabasin ang gatas ng wala ang sanggol, maaaring makatulong ang mga tips na ito:

  • Tingnan ang mga larawan ng sanggol sa phone, magdala ng mga damit ng baby na may amoy niya
  • Maglagay ng mainit na tuwalya sa iyong suso upang mabuksan ang milk ducts at mag-stimulate ng daloy ng gatas
  • Gamitin ang iyong mga dulo ng daliri upang marahan na imasahe ang itaas ng iyong suso pababa at papunta sa iyong utong upang maibaba ang gatas
  • I-relax ang isip, huwag ma-stress, at ilaan ang oras sa pag-pump

pag-iimbak ng breast milk

Paano mailabas ang breast milk

Ang pagpa-pump at pag-iimbak ng breast milk ay may iba’t ibang paraan. Narito ang mga paraan upang magpalabas ng breast milk:

Paraan 1. Hand expression

Ang hand expression ay pinaka madaling paraan upang mapalabas ang gatas. Madali makaka-stimulate ang mga nanay rito dahil ginagaya nito ang skin-to-skin contact. Ang hand expression ay karaniwang marahan na ginagawa upang mailabas ang bawat patak ng colostrum kung saan ito ang unang gatas na nagagawa kapag nagsisimula sa pagpapasuso at ang perpektong pagkain para sa isang bagong panganak na sanggol, sa unang mga araw matapos ang panganganak. Upang magawa ang paraan na ito, kailangan mo lang ng iyong mga kamay at dalawang lalagyanan para sa pag-imbak.

Ang hand expression ay nangangailangan ng maraming ensayo, kakayahan, at pagsasanay. Kung nasanay na sa hand expression, mas magiging madali na para sa iyo ang pag-imbak ng gatas na hindi na gumagamit ng pump. Ang mga nanay, lalo na ang mga bago ay kailangan na alam ang kung paano ang hand expression sa pag-iimbak ng gatas kung sakaling magkaroon man ng emergencies.

Paano ito isasagawa

  • Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig
  • Magkaroon ng malinis at sterilize na container sa iyong tabi para sa paglalagyan
  • Imasahe nang marahan ang iyong suso gamit ang iyong mga daliri upang magbukas ang milk ducts at mag-stimulate ng pagdaloy ng gatas
  • Hawakan ang iyong suso gamit ang isang kamay sa pamamagitan ng paglalagay ng hinlalaki sa itaas ng suso at ang mga natirang daliri ay sa ilalim
  • Gamitin ang isa pang kamay upang hawakan ang container upang saluhin ang gatas
  • Marahan na pigain ang iyong suso upang mailabas ang gatas at maglagay ng pressure sa iyong milk ducts. Ulitin ang proseso hanggang bumagal ang pagbagsak ng gatas.
  • Iwasan ang pagpisil ng iyong utong dahil magiging sanhi ito ng pamamaga
  • Mainam na magpalitan ang iyong mga kamay upang may mailabas ang parehong suso hanggang kakaunti na lang ang lumabas.
  • Maaari mong ibigay sa iyong sanggol ang iyong gatas na nakalagay sa bote, o maaari mo itong iimbak.

Paraan 2. Manual breast pump

Kung kailangan mo lang na paminsan-minsan na i-pump ang iyong gatas, maaari mong isagawa ang manual breast pump. Ang manual breast pump ay naisasagawa manually sa pagpisil ng lever na mayroon nito upang kumolekta ng gatas. Ito rin ay may breast shield at container.

Ang manual breast pump ay perpekto para sa paminsan-minsan na pag-iimbak ng breast milk dahil ang suction capability nito ay hindi gaanong kalakas gaya ng sa electric pump. Gayunpaman, ang mainam na bagay sa manual breast pump ay mas madali itong bitbitin at kakaunti lang ang parte kaysa sa electric pump.

Paano ito isasagawa

  • Simulan sa paghuhugas ng iyong mga kamay.
  • Linisin lahat ng pump parts at i-sterilize ang mga ito
  • Ilagay ang breast shield sa iyong utong. Ang breast shield ay sumusuporta sa daloy ng gatas at nagbibigay ng mas komportableng karanasan sa pag-pump.
  • Simulan sa pagpisil ng lever hanggang ang unang tulo ng gatas ay lumabas.
  • Baguhin ang posisyon ng pump kung kailangan upang mailabas ang gatas
  • Ipagpatuloy ang pag-pump hanggang dumaloy ang gatas nang marahan at ulitin ang proseso sa kabilang suso. Ang proseso ng pumping ay magtatagal ng 10 hanggang 15 minuto kada suso depende sa milk production at ang pwersa ng suction ng iyong pump.
  • Upang tanggalin ang breast shield, marahan na ipasok ang iyong daliri sa pagitan ng shield at ng suso upang matanggal ang vacuum.
  • Huwag kalimutan na linisin at sterilize ang bawat parte ng pump kada pagkatapos gamitin.

Paraan 3. Electric breast pump

Kumpara sa naunang dalawa, ang electric breast pump ay mas mabilis at mas may mainam na suction na mas nagpapa-stimulate upang lumabas ang gatas. Ang ilang electric breast pumps ay gumagana sa pamamagitan ng battery, na maaaring i-recharge kung hindi ginagamit, habang ang iba ay direktang nakasaksak sa outlet.

Mainam ang mga electric breast pump para sa mga nanay na laging umaalis dahil kailangan lamang ng 2 minuto upang mag-stimulate ng pagdaloy ng gatas. Isa sa pinaka-kapaki-pakinabang na breast milk pumping at storage tips ay ang paggatas ng dalawang suso sa parehong pagkakataon (double pumping) gamit ang electric breast pump.

Ang double pumping ay nakababawas ng oras sa pag-pump at mag-ge-generate ng dalawang beses ng dami na maaaring ma-produce na gatas habang nagpu-pump, gamit ang manual breast pump, o hand expressing.

Paano ito gawin

  • Upang simulan ang proseso, hugasan ang mga kamay ng sabon at tubig
  • Hugasan at i-sterilize ang parte ng electric pump
  • Ilagay ang breast shield sa iyong mga suso. Hawakan ang breast shield, at i-adjust ang mga ito kung kailangan.
  • I-on ang pump at maghintay na simulan ang paglabas 
  • Mainam kung ikaw ay may self-adjusting pump, ngunit kung wala, i-adjust ang bilis ng pump manually upang magaya kung paano sumisipsip ng utong ang sanggol
  • Umupo, mag-relax at maghintay hanggang marahan na lumabas ang gatas
  • Patayin ang machine at alisin ang breast shields. Matapos ito, marahan na tanggalin ang mga bote kung nasaan ang breast milk ay iniimbak at itabi ito hanggang sa susunod na pagpapadede sa sanggol,
  • Matapos na gamitin, hugasan at i-sterilize ang lahat ng parte ng pump at i-recharge kung kailangan.

Paano ang pag-iimbak ng breast milk?

Matapos ang pag-pump at pagpapalabas ng gatas, iimbak ito nang maayos kung kailangan. Iimbak ang iyong breast milk sa BPA-free at freezer friendly milk na mga bote o milk storage bags. Siguraduhin na ang mga bote ay naksara ng mahigpt gamit ang takip at gumamit lamang ng milk bags na may double zipper seals.

Narito ang ilang breast milk pumping at storage tips na kailangan mong malaman upang manatili at tumagal ang iyong mga gatas.

Matapos ang pumping, maaari mong itabi ang iyong breast milk

  • Sa temperatura ng kwarto (77℉ o mas malamig pa) ng nasa 4 na oras
  • Ilagay sa loob ng refrigerator (40℉) ng nasa 4 na araw
  • Ilagay sa loob ng freezer (0℉ o mas malamig) ng 6 na buwan hanggang 12 buwan. Ang pag-imbak ng iyong mga gatas sa loob ng freezer sa pinakamaayos na paraan ay pagpe-preserba ng kalidad ng gatas
  • Sa pamamagitan ng insulated cooler sa loob ng 24 na oras. Kung ang gatas ay iniwan na hindi ginagamit sa cooler matapos ang 24 na oras, agad na ilagay ito sa refrigerator o freezer.

Ang tumigas na breast milk ay maaaring itabi

  • Sa temperatura ng kwarto sa loob ng 4 na oras
  • Sa refrigerator sa loob ng 24 na oras
  • Huwag mag-refreeze ng thawed breast milk dahil nakasisira ito sa nutritional properties ng gatas. Maaari din itong magresulta sa gatas na mapanis at maging sanhi ng food poisoning kung iinumin ng gatas. 

Tirang breast milk

  • Itapon ang naritang gatas mula sa bote sa loob ng 2 oras matapos padedehin ang sanggol

Ibang mga pag-iimbak ng breast milk at pumping tips

  • Maglagay ng label sa bote o milk bag na may petsa kung kailan nilabas ang gatas. Maaari mo ring ilagay rito ang pangalan ng iyong baby maging ang panuto kung may ibang mag-aalaga sa baby.
  • Ilagay ang breast milk sa likod at ilalim na parte ng freezer. Ang paggawa nito ay magpapanatili sa gatas mula sa pagtigas nito kung may ibang nakalagay sa freezer.
  • I-freeze ang dami ng breast milk na mauubos ng iyong baby sa isang pag-inom. Huwag maglagay ng maraming breast milk sa container dahil nag e–expand ito kung frozen.
  • Patigasin ang matagal nang breast milk na nakaimbak. Ang kalidad ng breast milk ay bababa kung tatagal sa freezer.
  • Upang mas maayos na patigasin ang breast milk, ilagay ang breastmilk sa refrigerator, sa bowl na may maligamgam na tubig, o gumamit ng breast milk bottle heater.
  • Huwag pakuluan o patigasin ang breast milk sa microwave dahil maaaring mapaso ang labi ng iyong baby. Ang breast milk sa temperatura ng kwarto ay mainam para sa iyong sanggol.
  • Bago padedehin, magpatak ng kaunting gatas sa iyong pulso upang masubok kung ang gatas ay masyadong mainit o sakto lang.

Key Takeaways

Ang breast milk pumping ay mainam na paraan para sa mga nanay upang patuloy na magbigay sa mga sanggol ng pinaka mainam na nutrisyon kahit na sila ay abala o malayo. Ang tatlong paraan upang mailabas ang breast milk ay mas magiging matagumpay kung ang mga nanay ay makatatanggap ng mga panghihikayat mula sa kanilang asawa at ibang miyembro ng pamilya. Karagdagan, kung nais paramihin ang produksyon ng gatas, subukan ang pagpapabuti ng iyong diet at laging manatiling hydrated.

Key-takeaways

Matuto pa tungkol sa pagpapasuso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breastfeeding and Pumping: 7 Tips for Success https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breastfeeding/art-20048312 Accessed August 17, 2020

Breastfeeding FAQs: Pumping https://kidshealth.org/en/parents/breastfeed-pump.html Accessed August 17, 2020

Pumping Breast Milk https://www.cdc.gov/nutrition/infantandtoddlernutrition/breastfeeding/pumping-breast-milk.html Acccessed August 17, 2020

Expressing and Storing Breast Milk https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/expressing-storing-breast-milk/ Accessed August 17, 2020

Proper Storage and Preparation of Breast Milk https://www.cdc.gov/breastfeeding/recommendations/handling_breastmilk.htm Accessed August 17, 2020

Pumping and Storing Breast Milk https://www.womenshealth.gov/breastfeeding/pumping-and-storing-breastmilk Accessed August 17, 2020

 

Kasalukuyang Version

11/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement