Isa sa mga unang inaalala pagkatapos manganak ay ang pagpapasuso sa iyong sanggol. Bukod sa matuto kung paano magpasuso ng skin-to-skin way, ang ilang mga ina ay naghahanap din ng mga paraan kung paano ito gagawin. Narito ang ideya kung paano gumamit ng breast pump ng step-by-step.
Ano Ang Breast Pump?
Habang ang direktang pagpapasuso ay pinakamahusay pa rin, maaaring isaalang-alang din ng ilang ina ang paggamit ng breast pump. Ang ilan ay nagsasabi na ang pag breast pump ng gatas ng ina ay kapaki-pakinabang dahil nagkakaroon ka ng kontrol sa iyong oras. Nagbibigay-daan din ito sa iyo na mag-imbak ng breastmilk sa loob ng maraming araw. Nakasisiguro na ang iyong anak ay may gatas mo kapag nasa tagapag-alaga siya.
Ang mga breast pump ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi:
- Breast shield na kasya sa ibabaw ng nipple
- Pump na lumilikha ng vacuum para magpalabas ng gatas
- Natatanggal na lalagyan para sa pagkolekta ng gatas
Mayroong dalawang magkaibang uri ng breast pump depende sa kagustuhan ng ina:
-
Manual na mga breast pump
Ang mga ito ay hand-operated, maliit ngunit murang pump na maaari mong gamitin para magpalabas ng gatas. Maraming mga ina ang mayroon nito bilang backup kung sakaling wala silang access sa isang saksakan para sa kanilang electric pump.
-
Mga electric breast pump
Ang mga electric breast pump ay maaaring ginagamitan ng baterya o nakasaksak sa power outlet. Mas madaling gamitin ang ganitong pump dahil hindi nito kailangan ng anumang pisikal na effort para sa mga ina. Gayunpaman, ang mga ito ay mas mahal. Anuman ang uri, mabuting matuto kung paano gumamit ng breast pump.
Maraming dahilan kung bakit gustong gumamit ng breast pump ang isang ina. Para sa ilang mga ina,
mas nakaka ginhawa ito kung sobra sobra ang kanilang gatas. Sa ibang pagkakataon, ang ina at anak ay maaaring nahihirapan sa pagpapasuso o sa latching. Maraming ina ang gumagamit ng breast pump kapag bumalik sila sa trabaho. O maaaring gusto nila na magpalabas ng gatas kung kailangan nilang malayo sa anak sa loob ng ilang araw.
Anuman ang dahilan, ang pag-aaral kung paano gumamit ng breast pump ay makapagbibigay sa isang ina ng mga pagpipilian — habang naibibigay pa rin ang mga benepisyo ng breastmilk para sa mga sanggol.
Paano Gumamit Ng Breast Pump Nang Manu-Mano
Bago masanay sa paggamit ng electric pump, pinakamahusay na matutunan na gamitin ang isang regular na handheld pump.
Basahin ang gabay at ang leaflet ng pagtuturo na kasama ng pump. Siguruhing naiintindihan kung paano ito buuin at kung gaano kadalas mo kakailanganing linisin at i-sanitize ang mga bahagi. Mas makakatulong kung pipili ka ng magandang lokasyon para sa pumping.
Narito ang ilang tip na maaaring makatulong sa iyo kung paano gumamit ng breast pump.
- Bago gamitin ang pump, tiyaking malinis at na-sterile ito, bote, at ibang parts. Huwag din kalimutang maghugas ng iyong mga kamay.
- Magsimula sa pagmamasahe sa iyong mga suso sa loob ng ilang minuto. Makakatulong ito sa let-down reflex.
- Ilagay ang breast shield o funnel sa ibabaw ng iyong utong at simulan ang pagbomba ng dahan-dahan. Maaaring tumagal ng ilang minuto bago magsimulang dumaloy ang iyong gatas.
- Kapag ang nakukuhang gatas ay nagsimulang bumagal, palitan naman ng kabilang suso.
- Pagkatapos ay bumalik muli dahil baka marami kang gatas na ilalabas. Puede na ang isang suso na makagawa ng mas maraming gatas kaysa sa isa.
- Kapag natapos na sa dalawang suso, tanggalin na ang breast shield. Higpitan ang takip ng bote upang matiyak na maayos itong nakasara.
Nasa sa iyo kung ilalagay mo sa refrigerator agad ang gatas o hayaan lang sa room temperature nang hindi hihigit sa 4 hanggang 6 na oras. Huwag kalimutan na hugasan at i-strerilize ang pump at mga bahagi nito.
Key Takeaways
Mayroong iba’t ibang uri ng breast pump na magagamit. Makabubuti rin kung matuto kung paano gumamit ng breast pump. Siguraduhing isaalang-alang ang iyong pamumuhay at budget kapag pumipili ng breast pump para sa iyo. Matuto pa tungkol sa Breastfeeding dito.