backup og meta

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?

Ang pagpapasuso ang pinakamabuting paraan upang pakainin ang sanggol hanggang sa maging handa na sila sa mga solid food. Bukod pa sa pinagmumulan ito ng kompletong sustansya, pinoprotektahan din ng pagpapasuso o pagpapadede ang bata mula sa mga impeksyon at may benepisyo rin ito sa kalusugan ng ina. Panghuli, nagbibigay din ito ng pagkakataon sa sanggol at ina na makapag-bonding. Gayunpaman, maraming kinakailangan upang makapagpasuso ang ina. Isa na rito ang nutrisyon. Dahil dito, maraming ina ang nais uminom ng multivitamins para sa nagpapadede tulad ng Stresstabs. Maaari bang uminom ng Multivitamins ang nagpapadede? Narito ang dapat mong malaman.

Okay Lang na Uminom ng Multivitamins para sa Nagpapadede ang Karamihan sa mga Babae

Maaaring ang unang tanong mo ay ito: Okay lang bang uminom ng multivitamins para sa Nagpapadede?

Karamihan sa mga nagpapasusong ina ay puwedeng uminom ng multivitamins, ngunit kailangan nilang maging maingat sa brand. Inirerekomenda ng mga eksperto ang “isang uri ng multivitamin na may 100% ng inirerekomendang dietary allowance.” Ipinapayo rin nilang ipagpatuloy ng ina ang kanilang mga vitamin na iniinom noong bago manganak, ngunit ipinapaalala sa kanilang maaaring may higit na iron ang mga supplement na ito kumpara sa kinakailangan ng mga nagpapadede. 

Kung may mga tanong ka kung ligtas bang uminom ng anumang uri ng multivitamins para sa nagpapadede – lalo na kung may iron ito – palaging makipag-ugnayan sa doktor bago uminom ng anumang gamot. 

Paano naman ang StressTabs Multivitamins para sa Nagpapadedeng Ina?

Muli, kumonsulta muna sa doktor kung nais mong uminom ng Stresstabs habang nagpapasuso. Dahil ang brand ng gamot na ito ay may iron. Bukod sa iron, may taglay pa itong:

  • Vitamin C
  • Vitamin E
  • 8 B-Complex Vitamins

Sinasabi ng Center For Disease Control na kailangan ng nagpapasusong ina ng Vitamin D, Vitamin K, at Iodine. Lahat ng ito ay wala sa Stresstabs.

May Kapahamakan ba ang Pag-inom ng Sobrang Micronutrients?

Dahil sa demand sa nutrisyon ng pagpapadede, maliit ang dahilan upang ipag-alala mo ang sobrang micronutrients. Ngunit posible pa rin itong mangyari. Halimbawa, ang matagal na pagkakaroon ng mataas na dose ng B6 ay maaaring magdulot ng pansamantalang mga problema, tulad ng neuropathy, sa mga nanay. Madali ring maipapasa ang mga micronutrient sa babay sa pamamagitan ng gatas ng ina. Posible itong makaapekto sa tinatanggap na nutrisyon ng iyong sanggol

Ngunit dahil hindi lamang nakadepende sa brand ng gamot ang “mataas na dose”, kundi maging sa nutrisyong kinakain ng ina, mahirap matiyak kung gaano karami ang sobra para sa isang babae. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang payo ng doktor.

Para sa Stresstabs multivitamins para sa nagpapasuso, inirerekomenda ang 1 tableta araw-araw o depende sa reseta ng doktor. Binigyang diin din nila ang mga sintomas ng overdose na pwedeng mangyari, tulad ng pagduduwal, hindi magandang pakiramdam sa tiyan, pagtatae, at constipation.

Ang Hangad ay Makakuha ng Sustansya Mula sa Healthy Diet

Sa pagpapasuso ng iyong sanggol, napakahalagang kumain ng magkakaibang masustansyang pagkain. Kailangan mong tiyaking nakakakuha ka ng sapat na calories bawat araw upang matugunan ang iyong pangangailangan. Ang pagkain ng magkakaibang masustansyang pagkain ay magtitiyak din na nakukuha ng iyong baby ang lahat ng nutrisyon – macros at micros – na kanyang kailangan upang lumaking malusog. 

Key Takeaways

Maaaring may benepisyo ang pag-inom ng multivitamins para sa nagpapadede. Madaling makakuha ng lahat ng sustansyang kailangan mo kung kumakain ka nang mabuti, ngunit mahirap itong mangyari kung hindi balanse at magkakaiba ang iyong kinakain. Dito papasok ang mga supplement. Tandaan lamang na hindi lahat ng babae ay pwedeng uminom nito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Lalo na’t hindi puwedeng sa mataas na dose, dahil maaari itong magdulot ng mga side effect (tulad ng pagtatae o constipation). Panghuli, bagaman ligtas ang multivitamins para sa nagpapadede, palaging kumonsulta sa iyong doktor bago magsagawa ng mga pagbabago sa iyong kinakain. 

Matuto pa tungkol sa Pagpapasuso dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition Tips for Breastfeeding Mothers, https://www.ucsfhealth.org/education/nutrition-tips-for-breastfeeding-mothers#:~:text=Breastfeeding%20mothers%20need%20to%20take,iron%20than%20needed%20for%20breastfeeding., Accessed July 26

Stresstabs, https://www.mims.com/philippines/drug/info/stresstabs?type=full, Accessed July 26

Diet and Micronutrients, https://www.cdc.gov/breastfeeding/breastfeeding-special-circumstances/diet-and-micronutrients/index.html, Accessed July 26

Breastfeeding While Taking High Dose Vitamins, https://lacted.org/questions/0147-high-dose-vitamins-breastfeeding/#:~:text=High%20dose%20vitamin%20B%2D6,have%20been%20reported%20in%20infants., Accessed July 26

Breastfeeding and diet, https://www.nhs.uk/conditions/baby/breastfeeding-and-bottle-feeding/breastfeeding-and-lifestyle/diet/, Accessed July 26

Kasalukuyang Version

03/12/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamitin Ang Electric Breast Pump?

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement