backup og meta

Bakit Ayaw Dumede Ni Baby? Heto Ang Mga Posibleng Dahilan

Bakit Ayaw Dumede Ni Baby? Heto Ang Mga Posibleng Dahilan

Maaaring nakakabahala kung ang iyong sanggol, na magana dumede sa loob ng maraming buwan, ay biglang ayaw dumede. Hindi ka lang maaaring mag-alala sa “pagtanggi,” ngunit kung nakukuha ba o hindi ang nutrisyon na kinakailangan niya. Kung ang sanggol mo ay nagpapatuloy sa breastfeeding strike, tandaan na hindi ka nag-iisa; nasa paligid mo ang suporta. Alamin dito kung bakit ayaw dumede ni baby.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ang Maraming anyo ng Nursing Strike

Kapag sinabi ng isang magulang na “ayaw dumede ni baby,” maaaring ang sanggol ay tumatangging dumede sa ilang mga sesyon ng pagpapasuso. Maaari rin na ayaw talaga! Minsan, ang ibig sabihin ay ang sanggol ay dumedede sandali, pagkatapos ay biglang aayaw.

Tandaan na ang hindi pagdede ay maaaring mangyari sa anumang edad, at ang mga dahilan ay nag-iiba depende sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan o development ng bata.

Bakit Ayaw Dumede ni Baby?

Madaling ipalagay na kapag nangyari ang hindi pagdede, ay dahil ang sanggol ay hindi nagugutom. Kaya lang hindi ito ang palaging dahilan. In fact, maraming mga baby ang hindi dumedede kahit na nagugutom talaga sila.

Sinasabi ng mga eksperto na ang isang newborn ay maaaring tumangging dumede kung sila ay: 

  • Inaantok
  • May congenital issue
  • O kapag ang ina ay may baliktad na nipple

Siyempre, nangyayari rin na ang mga bagong panganak ay ayaw dumede dahil sa mahinang pagka-latch ni baby sa nipple mo.

Iba pang posibleng dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby:

  • May masakit o discomfort, tulad kung nagngingipin o kung siya ay may namamagang gilagid.
  • Pagkakasakit. Sipon. Maaaring maging mahirap para sa iyong sanggol na huminga habang dumedede.
  • Stress. Ang hindi agad napadede, mga distorbo, separation anxiety, ay pwedeng makadagdag sa breastfeeding strike ni baby.
  • Mahinang supply ng gatas.
  • Mga pagbabago sa lasa at amoy. Kung nagbago ka ng cologne, deodorant, o lotion. Pwedeng biglang umayaw si baby sa pagsuso. Gayundin, ang pagbabago sa lasa ng gatas ng ina dahil sa iyong diet ay maaaring dahilan din.

Minsan, ang mga sanggol ay tumatangging dumede dahil nararamdaman nila ang stress ng kanilang ina. Halimbawa, ang malakas na reaksyon ng ina kapag kinagat nila ang suso ay maaaring magbigay takot sa kanila at umayaw sa pagsuso.

Mga Dapat Gawin Kapag Ayaw Dumede ni Baby

Kung patuloy ang breastfeeding strike, gawin ang mga sumusunod:

1. Maging Matiyaga

Kung ang iyong sanggol ay ayaw dumede, huminto at subukan muli maya maya . Maging kalmado. Kung madidismaya ka, maaaring maramdaman ito ng sanggol at lalo pang tumanggi.

2. Baguhin ang mga Posisyon

Baguhin ang iyong posisyon kapag naganap ang isang nursing strike. Maaari mo ring subukang magpasuso habang naglalakad nang mabagal. Sa mga sitwasyong ito, maaaring magamit ang isang baby sling.

3. I-cuddle ang sanggol bago ang Pagpapadede

Kapag ayaw dumede ni baby, subukan ang pag-cuddle sa kanila habang nakahubad ka mula baywang pataas para sa skin-to-skin contact. Makipaglaro sa iyong sanggol saglit at pagkatapos ay ilapit ang iyong suso at tingnan kung dedede muli.

4. Lumayo sa mga Abala

Overstimulated ba si baby? Kung gayon, pasusuhin sa isang tahimik na silid kung saan may mas kaunting mga abala.

5. Gawan ng Solusyon ang  Pagkagat, Pag-latch, o Pagsipsip 

Kung kinagat ka ng ang iyong sanggol at malamang na malakas ang reaksyon mo, subukang “asahan” ang kagat, manatiling kalmado, at ipasok ang iyong daliri sa kanilang bibig upang mahinto saglit ang pagsipsip.

Bilangin kung ilang beses mong matagumpay na napapadede ang iyong sanggol sa loob ng 24 na oras. Gayundin, bilangin ang kanilang mga basang lampin at suriin kung may dehydration. Regular na timbangin ang mga ito. Makakatulong sa iyo na malaman kaagad kung hindi sila nakakakuha ng sapat na nutrisyon o likido.

Kung may iba pang mga senyales ng mga problema, o kung ang sanggol ay ayaw pa ring dumede, dalhin sila kaagad sa doktor.

Key Takeaways

Bakit ayaw dumede ni baby? Maaaring mangyari ito dahil sa iba’t ibang dahilan. Maging kalmado at subukan ang mga tip sa itaas. Kung magpapatuloy ang problema, makipag-ugnayan sa kanilang pediatrician.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breast refusal, https://www.breastfeeding.asn.au/bf-info/breast-refusal, Accessed December 3, 2021

Why would a baby go on a breast-feeding strike?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/breastfeeding-strike/faq-20058157, Accessed December 3, 2021

Problems with Latching On or Sucking, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=ineffective-latch-on-or-sucking-90-P02650, Accessed December 3, 2021

Nursing Strikes, https://www.llli.org/breastfeeding-info/nursing-strikes/#:~:text=If%20your%20baby%20or%20toddler,they%20are%20almost%20always%20temporary., Accessed December 3, 2021

Frequency of “Nursing Strike” among 6-Month-Old Infants, at East Tehran Health Center and Contributing Factors, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4662758/, Accessed December 3, 2021

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement