backup og meta

Ano Ang Tongue Tie? At Paano Ito Hinarap Ng Anak Nina Cong At Viy?

Ano Ang Tongue Tie? At Paano Ito Hinarap Ng Anak Nina Cong At Viy?

Ang breastfeeding ay isang paraan para masigurado ng isang ina na naibibigay sa baby ang pangangailangan ng bata. Kaugnay nito, hindi maitatanggi na isa sa mga alalahanin ng first-time mom ang kanyang kakayahang magpasuso sa kanyang baby.

Isa sa mga first-time mom na nakaranas ng frustration sa pagpapasuso ay ang sikat na vlogger na si Viy. Ito’y dahil hindi makasuso sa kanya nang maayos ang kanyang anak na si Zeus Emmanuel o Kidlat.

Dumating pa sa punto na kinailangan na nilang isugod si Kidlat pabalik sa ospital ilang oras pagkatapos ma-discharge dahil sa dehydration.

“Simula nung nanganak ako, ang sakit [mag-breastfeed]. Yun pala yung cause noon is ‘yung tongue-tie. Pagkatapos ma-release yung tongue-tie, walang sakit,” pahayag ni Viy.

Ibinahagi ni Viy sa kanyang vlog na pinamagatan na “Laser Surgery ni Kidlat” na natuklasan ng mga doktor na may oral ties si Kidlat sa kanyang dila, labi, at pisngi. Kung saan kinakailangan na alisin ito para maiwasan ang mga problema na maaaring kaharapin ng bata.

Patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman kung ano ang tongue-tie.

Ano ang tongue-tie o oral ties?

Ang tongue-tie (ankyloglossia) ay isang kondisyon na makikita sa kapanganakan ng isang bata (congenital). Ang kondisyong ito ang nagre-restrict sa saklaw ng paggalaw ng dila ng isang tao.

Maaaring magkaroon ang isang tao ng kondisyon na ito kapag ang lingual frenulum (isang manipis na strip ng tissue na nagdudugtong sa’yong dila at sa ilalim na parte ng iyong bibig) ay mas maikli kumpara sa karaniwan. Pwedeng hadlangan ng pagkakaroon ng short frenulum ang paggalaw ng iyong dila.

Sino ang madalas na magkaroon ng tongue tie?

“Simula nung manganak ako ang sakit. Kaya nga ‘yong mga story ko, mapuputol na ‘yong utong ko. ‘Yun pala ang cause no’n ay ‘yong kaniyang tongue tie,” pahayag ni Viy.

Pinakakaraniwan pa rin sa mga bagong silang at maliliit na bata ang tongue tie. Maaaring mahirapan sa pagsuso ang mga sanggol na may ganitong kondisyon gaya ni Kidlat. Batay na rin sa naging pahayag ni Viy ang problema ni Kidlat sa pagsuso ang naging isa sa dahilan nila kung bakit pinili nila na ipasailalim sa surgery ang kanilang anak.

“Kasi nga hindi niya nagla-latch gawa ng sa dila niya although magaling siyang mag-latch ha pero sa side ko medyo may pain. Okay lang naman na hindi operahan pero mas maganda kung ngayon na. Kasi baka daw may effect sita sa paglaki ni Kidlat kagaya ng speech niya.”

Ang tongue-tie ay isang congenital na kondisyon. Nangangahulugan ito na ang mga sanggol ay ipinanganak na kasama ito.

Paano hinarap ni Kidlat ang laser surgery?

Binanggit din ni Viy sa kanyang vlog na marahil ay sa kanya nakuha ni Kidlat ang tongue tie dahil mayroon siyang level 3 tongue tie na hindi naoperahan. At dahil hirap sa pagdede si Kidlat, ang 21 days old na sanggol ay sumailalim sa laser surgery dahil napatunayan na siya ay may tongue tie. Ang pagkakaroon ni Kidlat ng ganitong kondisyon ang naging sanhi kung bakit masakit siyang dumede sa kanyang ina.

Dagdag pa rito, ang isa pang sanhi kung bakit minabuti ng mag-asawa na isailalim sa surgery ang kanilang anak ay dahil isa pa itong baby — at manipis pa ang tie nito sa pagitan ng kanyang dila. Kapag malaki na si Kidlat ay maaaring kailanganin na nito ang general anesthesia.

Noong madala na si Kidlat sa doktor upang maisagawa ang actual laser surgery ay napag-alaman nila na hindi lamang dila ni Kidlat ang may tie — dahil mayroon din ang labi at pisngi ng bata.

“Siguro parang 10 minutes lang ‘yong procedure pero parang nahimatay na talaga ko,” paglalahad ni Viy.

Matapos ang naging laser surgery ni Kidlat ay nakakadede na siya nang maayos kay Viy.

Kumusta na si Kidlat at Viy?

“Pagkatapos niyang ma-release ‘yong tongue tie niya pinadede sa’kin, walang sakit. Ang feeling ko pa nu’n baka hindi nakakadede kasi hindi masakit,” paglalahad ni Viy.

Sa kasalukuyan ay ine-enjoy ni Cong at Viy ang pagiging magulang kay Kidlat. Masaya ang mag-asawa ngayon dahil nakakasigurado na sila na nakakakuha na si Kidlat nang maayos ng gatas mula sa kanyang ina.

Matuto pa tungkol sa Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tongue-tie (ankyloglossia), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tongue-tie/symptoms-causes/syc-20378452#:~:text=Tongue%2Dtie%20(ankyloglossia)%20is%20a%20condition%20present%20at%20birth,may%20interfere%20with%20breast%2Dfeeding, Accessed September 29, 2022

Tongue-tie (ankyloglossia), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17931-tongue-tie-ankyloglossia, Accessed September 29, 2022

Tongue-tie, https://kidshealth.org/en/parents/tongue-tie.html, Accessed September 29, 2022

Tongue-tie, https://www.nhs.uk/conditions/tongue-tie/, Accessed September 29, 2022

Tongue-tie, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/tongue-tie, Accessed September 29, 2022

Kasalukuyang Version

07/11/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Kailan Kailangan ng Solid Food ng Sanggol? Alamin Dito!

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement