Ang adolescence ay yugto ng paglaki at pag diskubre. Ito ay ang pagtra-transition ng mga bata papuntang pagiging matanda. Dahil ang stage na ito ay kinakailangan ng maraming adjustments, hindi nakagugulat na magkaroon ng mga problema sa proseso. Ano ang mga karaniwang isyu ng teenager sa bansa? Ano ang maaaring gawin ng mga magulang pagdating sa problema sa kalusugan ng teenager?
Mga Problema sa Kalusugan ng Teenager
Karahasan
Ayon sa WHO, ang interpersonal na karahasan ay ang ikatlong nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga teenager. Gayunpaman, tiniyak nila na ang mga kilalang isyu ay nakadepende sa iba’t ibang rehiyon sa mundo.
Ang karahasan o ang pisikal na akto na pananakit sa isang tao ay isa sa pinaka karaniwang isyu sa kalusugan ng mga teenager sa Pilipinas.
Sa katunayan, sa mga kalahok ng 2013 Young Adult Fertility Sex Survey (YAFSS), 17% ang nakaranas ng karahasan sa nakalipas na taon. At 23% ng mga kalahok, na edad 15 hanggang 24 na taong gulang ay mga “nagpapasimula ng karahasan.”
Karagdagan, sa isang Epidemiological Survey ng UNICEF noong 2016, 80% ng mga Pilipino na kalahok na may edad na 13 hanggang 24 ay nakaranas ng ibang porma ng karahasan. Bagaman may mga kabataan na kabilang sa 20-24 na edad sa estadistika, walang duda na ang bilang ay nakababahala.
Ano ang Maaaring Gawin ng mga Magulang
- Palaguin ang iyong relasyon sa iyong teenager. Ang mga kabataan ay natural na kailangan ang mga matatanda na masasandalan nila para sa proteksyon at gabay.
- Gumawa ng aksyon upang mabawasan ang kanilang access sa alak at weapons.
- Antabayan ang mga senyales na maaaring magsabi na ang iyong anak ay nakaranas ng karahasan o trauma. Kabilang dito ang problema sa pagkontrol ng kanilang ugali, problema sa pagtulog, pagbabago ng gana sa pagkain, pagiging nerbyoso o madaling ma-distract ng mga ingay.
- Lumahok sa mga programa sa paaralan na naglalayon na mabawasan ang araw-araw na aksyon ng agresyon.
- Imonitor kung ang iyong anak ay biktima ng cyberbullying dahil maaari itong humantong sa karahasan.
Maagang Pagbubuntis at Panganganak
Isa pang pinaka karaniwang isyu sa kalusugan ng mga teenager sa bansa ay ang maagang pagbubuntis at panganganak.
Sa Pilipinas, humigit kumulang 576 na mga sanggol ang isinisilang kada araw ng mga teenager na babae.
Ang maagang pagbubuntis at panganganak sa mga teenager na babae ay nagdudulot ng banta sa kanilang kalusugan. Ayon sa WHO na data, ang pagbubuntis at panganganak ay nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga babae edad 15 hanggang 19.
Ano ang Maaaring Gawin ng mga Magulang
- Maging bukas sa komunikasyon. Hinahayaan nito na ma-monitor ang pag-uugali ng iyong anak at umaksyon kung kinakailangan.
- Kausapin ang iyong mga anak tungkol sa pakikipagtalik at ang values at pag-uugali tungkol dito. Sa puntong ito, maaari mong mahikayat sila na hindi makipagtalik hanggang sa sila ay handa na o bigyan sila ng tips paano gumamit ng contraceptives.
- Maging proactive sa pag-alam ng kanilang aktibidad at ng mga taong kinakasama nila. Tandaan na ang kanilang mga kaibigan ay malaki ang naidudulot sa kanilang pag-uugali at paano kinakaya ang kanilang stress.
- Para sa parehong mga babae at lalaki na teenager, bigyang-pansin ang kahalagahan ng edukasyon. Turuan sila tungkol sa paggamit ng contraceptive at tulungan sila na timbangin ang banta ng hindi inaasahang pagbubuntis.
- Kung ang iyong teenager ay nabuntis, siguraduhin na siya ay may access sa magandang healthcare facility at antenatal na pangangalaga.
Alak at Droga
Ang iresponsableng pag-inom ng alak at droga ay isa rin sa mga karaniwang isyu sa kalusugan ng mga teenager na humahantong sa pagtaas ng pagkakaroon ng delikadong pag-uugali at kabawasan ng kontrol sa sarili.
Dahil dito, ang WHO ay nagsasabing ang alak at droga ay maaaring humantong sa:
- Hindi ligtas na pagtatalik
- Panganib sa pagmamaneho
- Injuries
- Karahasan
Ang mga droga at alak ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan at haba ng buhay ng isang teenager. Ngunit ano ang maaaring gawin ng mga magulang upang iiwas sa mga kabataan ang mga ganitong bisyo?
Ano ang Maaaring Gawin ng mga Magulang
- Maging isang halimbawa. Kung ikaw ay umiinom, gawin ito ng may moderasyon. Ipakita sa kanila paano maging responsable sa pag-inom ng alak. Halimbawa, huwag uminom at magmaneho, sa halip magtakda ng drayber.
- Magtakda ng ilang mga tuntunin sa pamilya tungkol sa alak at droga na gagamitin at maging mahigpit tungkol dito. Bigyang-diin na ang pagtatakda ng mga tuntuning ito ay upang maprotektahan sila.
- Pag-usapan ang negatibong epekto ng ilegal na droga at paano ito nakaaapekto sa hinaharap at sa kalusugan,
- Itama ang kanilang pagtingin tungkol sa pag-inom ng alak at droga. Ang ibang mga teenager ay umiinom at gumagamit ng droga dahil ang tingin nila ay “Lahat ay umiinom, kaya bakit hindi ako iinom? at “Hindi nakasasama ang droga!”
- Turuan sila ng iba’t ibang paraan upang humindi, tulad ng “Hindi ako interesado riyan,” o “Pasensya na, Hindi pwede. Magagalit ang mga magulang ko.”
- Hikayatin ang mga aktibidad at pakikipagkaibigan dahil ito ay nag-iimpluwensya sa kanilang pag-uugali sa pag-inom ng alak at paggamit ng droga.
Paninigarilyo
Dahil ito ay may relasyon sa paggamit ng droga at alak, ang paninigarilyo ay isa rin sa mga karaniwang problema sa kalusugan ng teenager sa ating bansa.
Ayon sa WHO, marami sa mga matatandang naninigarilyo ngayon ay sinimulan ang kanilang nakasanayan simula pa noong teenager sila. Ang mga teen ay nagsisimulang manigarilyo sa maraming mga rason, ngunit isa lang ang tiyak – nagdudulot ito ng maraming negatibong epekto sa pang kabuuang kalusugan.
Ang pangmatagalang epekto ng paninigarilyo ay kabilang ang:
- Adiksyon sa nicotine
- Mas mataas na banta na magkaroon ng sakit sa puso
- Mataas na banta sa sakit sa baga
- Cancer
Karagdagan, kung isasama natin ang listahan ng mga panandaliang negatibong epekto, makikita mo ang malalang ubo, kinakapos na hininga, mantsa sa ngipin, at mabahong hininga.
Dahil sila ay teenager, lalo na ang mga nasa legal na edad ay madaling maka-access ng sigarilyo, anong mga estratehiya ang magpapaiwas sa kanila sa paninigarilyo?
Ano ang Maaring Gawin ng mga Magulang
- Subukang unawain bakit ang iyong mga anak ay naninigarilyo. Ang ilan sa kanila ay naninigarilyo dahil nagrerebelde laban sa mga magulang habang ang iba ay naninigarilyo upang tingnan sila bilang “cool’ ng mga kaibigan nila.
- Paalalahanan ang iyong mga anak na ang paninigarilyo ay nakasasama sa kanilang itsura at pakiramdam. Sa rurok ng mga negatibong epektong pangkalusugan, tandaan na ito rin ay nagiging sanhi ng mantsa sa ngipin, baho ng hininga, at mabahong amoy ng katawan.
- Tulungan sila na unawain ang disadvantage ng paninigarilyo. Halimbawa, paalalahanan sila na ang sigarilyo ay mahal.
- Kung ang iyong anak ay nagsabi na kaya nilang “huminto ng paninigarilyo kahit kailan nila gustuhin,” paalalahanan sila na ang adiksyon sa nicotine ay totoo at seryoso.
Key Takeaways
Karahasan, maagang pagbubuntis, at panganganak, gayundin ang alak, droga at paninigarilyo ay ilan sa mga pinaka karaniwang isyu sa kalusugan ng mga teenager sa ating bansa. Sa pagsubok na matugunan ito, huwag kalimutan na ang mga magulang ay malaki ang kapangyarihan na impluwensyahan ang kalusugan sa hinaharap ng kanilang mga anak.
Matuto pa tungkol sa Parenting Adolescents dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]