backup og meta

5 Masamang Epekto Ng Pagpapahiya Sa Bata Ng Magulang

5 Masamang Epekto Ng Pagpapahiya Sa Bata Ng Magulang

Nakalulungkot may ilang magulang na ipinapahiya ang kanilang anak bilang pagdidisiplina. Inaakala ng ilang magulang na isa itong mahusay na paraan para mabago ang pag-uugali ng isang bata tungo sa mas katanggap-tanggap na bata.

Nagdudulot ng malalim na sugat sa mga bata ang pamamahiya. Pati ang pakiramdam na wala silang halaga ay posible ring maging epekto nito

Narito ang 5 masamang epekto ng pamamahiya sa bata na dapat malaman ng mga magulang.

Bakit Hindi Magandang Ang Pagpapahiya Sa Bata?

1. Pagkasira Ng Relasyon Ng Anak At Magulang

Normal sa’ting mga magulang ang naisin na makabuo ng isang malapit na ugnayan sa anak. Ngunit mahirap itong ma-achieve kapag madalas natin silang pinapahiya — lalo sa publiko. Maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon nila ng pakiramdam na mahina at hindi sila iginagalang ng magulang. Ang ganitong pakiramdam ng anak ay humahantong sa kawalan ng tiwala sa pagmamahal ng magulang.

2. Takot Na Sumubok Ng Iba’t ibang Bagay

Ang pagpapahiya sa bata ng magulang ay maaaring magtulak sa kanila na matakot sumubok ng mga bagong bagay. Ito ay dahil sa pag-iisip na baka sila ay mapagalitan, mapahiya, o kutyain ng magulang. Nagiging sanhi din ito upang pigilan ng bata na tuklasin ang iba pang mga bagay dahil sa takot na magkamali at hindi matanggap sa oras na hindi maging kaaya-aya ang resulta.

3. Pagbaba Ng Kanilang Self-esteem

Natural sa mga magulang ang hangarin na magkaroon ng tiwala sa sarili ang anak upang makayanan ang hamon ng buhay. Ngunit kung lagi mong ipinapahiya ang iyong anak bilang paraan ng pagdidisiplina, posibleng hindi maging matibay ang self-esteem ng iyong anak. 

Sa pagpapahiya sa bata, pwede silang makabuo ng iba’t ibang kaisipan sa kanilang sarili tulad ng pagiging mahina na humahantong sa kawalan ng tiwala sa sarili. Mahalaga sa isang bata na maramdaman na may nagtitiwala sa kanila upang magkaroon ng lakas ng loob magtiwala sa kanilang kakayahan.

4. Gawin Ng Anak Ang Pamamahiya Sa Ibang Tao

Maaaring tularan ng iyong anak ang pamamahiya sa pag-aakala na tamang gawin ito. Puwedeng gawin nila ito para mabawasan ang frustration nila sanhi ng iyong pagpapahiya sa kanila. May mga pagkakataon na namamahiya ang iyong anak para maramdaman nilang malakas sila. Ito’y dahil kapag ikaw ang kaharap nila ay nagiging mahina ang tingin nila sa kanilang sarili.

5. Pagkakaroon Ng Mental Illness

Dahil sa pagpapahiya sa bata, maaaring makaranas ng depresyon at pagkabalisa ang anak. Ito ay isang malaking problema dahil ang mental illness ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng suicide thoughts. Sa oras na hindi ito maagapan, pwedeng mag-self harm ang iyong anak at kanilang ikamatay.

Key Takeaways

Hindi inirerekomenda ang pagpapahiya sa bata bilang paraan ng pagdidisiplina ng anak. Ito ay dahil sa psychological effects na pwedeng maranasan ng anak. Tandaan mo rin na maaaring makita ang pagpapahiya sa bata sa anyo ng physical, verbal, at emotional abuse.
Hindi mo dapat ugaliin na ipahiya ang anak para lamang matuto sa kanilang pagkakamali, dahil mas maganda pa rin na disiplinahin sila sa paraang makatao na naaangkop batay sa kanilang pangangailangan.
Kung nalilito ka sa kung paano disiplinahin ang iyong anak, maaari kang magtanong sa mga doktor at eksperto para sa mga payo sa pagdidisiplina ng anak. Huwag kang mahiya na magtanong o magpakonsulta. Makakatulong ito sa’yo at sa’yong anak para mas tumibay ang inyong relasyon.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Toxic Legacy Of Parent Shaming — And The Damage It Does To Children, https://theconversation.com/the-toxic-legacy-of-parent-shaming-and-the-damage-it-does-to-children-102382 Accessed February 6, 2023

Doctors Warn Of The Lasting Damage Of Shame, https://www.additudemag.com/doctors-warn-of-the-lasting-damage-of-shame/ Accessed February 6, 2023

Why Shaming Your Kids Isn’t Effective Discipline, https://www.verywellfamily.com/why-you-shouldnt-shame-your-children-4089277 Accessed February 6, 2023

The Toxic Effects Of Shaming Children, https://www.creativechild.com/articles/view/the-toxic-effects-of-shaming-children Accessed February 6, 2023

Think hard before shaming children, https://www.health.harvard.edu/blog/think-hard-before-shaming-children-2020012418692 Accessed February 6, 2023

How Shaming A Child Has More Psychological Effects Than You Think, https://www.moms.com/psychological-effects-shaming-child/#:~:text=Shaming%20Inhibits%20Natural%20Self%20Expression&text=Shame%20crushes%20children’s%20natural%20exuberance,and%20inhibits%20their%20authentic%20reactions. Accessed February 6, 2023

Kasalukuyang Version

04/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement