Ang pagkakaroon ng bagong kapatid at bagong miyembro ng pamilya ay kapanapanabik para sa lahat. Lumalaki na ang pamilya mo at ang bagong “ate” o “kuya” ay mayroon ng bagong kalaro. Gayunpaman, katulad ng anumang pagbabago sa bahay, kailangan ito ng ilang mga adjustment. Paano mo sasabihin sa anak mo na magkakaroon na siya ng kapatid?
Ang atensyon mo ay natural na mahahati dahil kailangan mo ng dagdag na pagmamahal at pag-aalaga sa iyong bagong panganak. Narito kung paano mo ihahanda ang anak mo sa maraming pagbabagong darating. Ito ay habang tinitiyak na siya ay kasama sa pagbabagong ito.
1. Pakitunguhan ang may bagong kapatid ayon sa kanyang edad.
Iba’t iba ang pagharap ng mga bata sa mga pagbabago. Ang ilan sa kanila ay malugod na tinatanggap ito. Samantala ang iba ay maaaring magpakita ng selos. Ang dito susi ay gawin siyang excited. Kung toddler ang anak mo, magpakita ng cute na mga baby pictures. Ito ay para magustuhan niya ang ideya ng pagkakaroon ng baby sa bahay. Para sa older kids, tiyakin sa kanila na hindi magbabago ang pagmamahal mo sa kanya.
2. Ipaliwanag ang inaasahang pag-uugali ng bagong sanggol
Kung naiintindihan na ng anak mo ng sitwasyon, ipaliwanag sa kanya kung paano kumilos at ano ang ginagawa ng isang sanggol. Ito ay mula sa kung paano siya kakain, matutulog, at kung minsan, iiyak sa gitna ng gabi kapag natutulog na ang lahat. Ipaliwanag din na naging baby din siya noon, kaya kailangan niyang maging mas maunawain. Ang pagkakaroon ng bagong kapatid ay adjustment para sa lahat.
3. Isali siya sa paghahanda para sa bagong kapatid
Magiging abala ka sa paghahanda ng nursery at ng baby bag bago ipanganak ang baby. Tanungin ang magiging “kuya” o “ate” kung ano ang gusto niya para sa kanyang kapatid. Hayaan siyang pumili ng mahahalagang gamit ni baby tulad ng damit, crib, at ilang mga laruan. Mararamdaman niya na kasama siya sa proseso ng pagkakaroon ng bagong kapatid.
4. Magtalaga ng oras mo para sa kanila
Isa sa mga dahilan kung bakit naiinggit ang mga nakatatandang kapatid sa pagkakaroon ng bagong kapatid ay ang takot nila na hindi na sila prioridad. Habang ang oras mo ay nasa bagong panganak, hindi mo dapat pabayaan ang oras mo para sa ibang anak. Maglaan ng oras kasama sila, makipag-bonding at gawin ang mga bagay na gusto mong gawin kasama sila.
5. Magbasa ng mga kwento tungkol sa magkapatid at pagkakaibigan
Ang pinakamagandang relasyon ng magkakapatid ay laging nagiging pinakamagandang pagkakaibigan. Hayaan itong mangyari sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat na pambata. Magbasa ng mga kwento tungkol sa pagkakaibigan at relasyon ng magkapatid. Tulad ng Adarna House Books’ Diego at Marie at Adarna House Books’ Hating Kapatid.
6. Maging tapat at ipaalam sa kanila sa lalong madaling panahon
Huwag maghintay hanggang sa dumating ang bagong sanggol sa iyong tahanan bago sabihin sa iba pang anak ang tungkol sa malaking pagbabago sa pamilya mo. Maging tapat sa mga pagbabago na dapat nilang asahan. Huwag maliitin ang pang-unawa ng iyong anak.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
Ang kuwentong ito ay orihinal na lumabas sa Edamama at muling ginamit nang may pahintulot:
https://www.edamama.ph/discover/nurture/how-to-prepare-your-child-for-a-new-sibling
[embed-health-tool-bmi]














