Ang respeto at disiplina ay dalawang pangunahing mga bagay na dapat taglay ng bawat bata. Ito ay para sa pakikibahagi ng maayos sa totoong mundo. Ngunit paano turuan ng respeto ang bata? Sa bawat bahagi ng buhay ng iyong anak, iba-iba ang diskarte. Lahat ng ito ay laging epektibong nagsisimula sa isang mahinahon at matatag na parenting approach.
Ang mga bata na may matatag na respeto, disiplina at mga limitasyon sa ibang mga tao ay malamang na lumaki sa mahusay na mga matatanda.
Paano Turuan ng Respeto ang Bata, Pati na ng Disiplina
Pagdidisiplina sa mga Sanggol
Alam na ng mga sanggol na anim na buwan ang salitang “Hindi.” Pero imposible sa mga sanggol sa napakamurang edad na mangatuwiran o malaman ang sanhi at epekto o kahihinatnan ng kanilang mga galaw. Hindi epektibo ang pagtampal dito.
Ang pinakamabuting gawin para magkaroon ng respeto at disiplina ang isang sanggol ay ang angkop na kapaligiran para ipakita ito. Halimbawa, huwag ilagay ang sanggol kung saan may mga mamahaling bagay na maaaring masira n’ya. Huwag din ilagay ang mga bagay na ito sa loob ng play area ng sanggol.
Kung sakaling hindi sinasadyang makuha ni baby ang isang hindi laruan, kunin nang tahimik at ilayo sa hindi abot ng bata. Tingnan ang iyong sanggol sa mata at mahinahong ipaliwanag kung bakit kailangan mong alisin ang bagay. Huwag asahan na matatandaan agad n’ya ito. Maaaring kailanganin gawin ito ng ilang beses bago maging isang natural na bagay para gawin ng iyong sanggol. Depende rin ito sa kanilang yugto ng pag-unlad.
Inirerekomenda din ng mga doktor na magtakda ng isang regular na routine para sa pagtulog at pagkain ng mga sanggol. Sila ay lumalaki sa istraktura. Magiging maayos disiplinahin ang kanilang mga sarili kung nasanay sila sa isang routine na maaasahan nila. Mahalaga ito kung paano turuan ng respeto ang bata.
Pagtuturo sa mga Toddler at Preschoolers
Ang mga bata sa ganitong age group ay tinatawag na “three-nagers. Ang panahon ng “terrible twos” ay totoo. Ito ang panahon ng paghampas sa sahig, pag iyak sa mga pampublikong lugar tulad ng supermarket, at pakikipag-ayos sa tila isang maliit na terorista. Madaling mawalan ng pag-asa at magtaka kung ano ang nagawa mong mali bilang magulang kapag ganito.
Gayunpaman, ito ay ganap na normal para sa mga bata sa edad na ito para subukan ang iyong limitasyon at pasensya. Kasama ito sa kung paano turuan ng respeto ang bata.
Sina Julie King at Joanna Faber, ang magkatuwang na sumulat ng How to Talk So Little Kids Will Listen. Sila ay mga dalubhasa sa pagtatanim ng respeto at disiplina sa kanilang mga anak mula 2 hanggang 7 taong gulang. Sa kanilang aklat, binanggit nila na kailangan ang mata-sa-mata sa iyong anak sa oras ng pagtuturo. Hindi magsi-sink in ng tama kung minamaliit mo ang iyong anak habang nakikipag-usap sa kanila sa oras na dapat turuan.
Spiraling tantrum
Ipinaliwanag din nina King at Faber ang mekanismo ng isang spiraling tantrum. Ang mga bata sa edad na ito ay hindi makikinig sa gitna ng pag-aalboroto. Dahil sila ay nasa gitna ng isang kritikal na oras ng pag-laki. Malaki na sila para magkaroon ng magkakaibang mga damdamin para sa mga bagay. Ngunit hindi pa nila ganap na kayang dalahin ang matinding emosyong ito kapag nangyari sa kanila.
Kailangan mong madalas na maglagay ng mga limitasyon sa mga bata at preschooler bilang isang magulang. Pero kung paano mo gagawin ang pagtatakda ng mga limitasyon ay magbibigay sa iyong anak ng pangmatagalang impresyon. Magkakaroon ng pagkakaiba sa, ano ang iyong sinasabi kumpara sa kung paano mo ito sinasabi.
Ang pagiging emphatic o ang maka-relate sa mga isyu ng iyong anak ang paraan para magkaintindihan kayo. Sa ganitong sensitibong edad, ipaparamdam ng mga magulang sa bata na sila ay pinahahalagahan o pinapakinggan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng mas malakas, mas malusog na relasyon sa iyong anak. Nakakatulong ito na itanim ang uri ng respeto at disiplina na hindi madaling mawala dahil nakuha mo silang makipagtulungan sa iyo. Ang mga anak ay susunod sa mga magulang, hindi lamang para umiwas sa parusa tulad ng takot na mapalo.
Pagdidisiplina sa School Age
Ang mga bata sa school age ay may mas mahusay na pag handle sa mga resulta ng kanilang ginawa. Ito ay ang pagkakaroon ng time out, pagbabawas ng ilang mga pribilehiyo, at iba pang anyo ng disiplina ay maaaring pumasok. Ito rin ang panahon na ang mga bata ay pwedeng gumawa ng kanilang sariling mga desisyon sa ilang mga bagay. Halimbawa na ang pagpili ng mga kaibigan, pananamit o mga bagay, at mga paboritong aktibidad. Ang pagbibigay ng magandang halimbawa ng respeto sa iba ay mahalaga pa rin sa bahaging ito, gayundin ang empathy. Tulad sa toddler stage, mas marami ang magagawa ng mga magulang sa pamamagitan ng pananatiling kalmado.
Ang pagtulong sa mga bata na magkaroon ng empathy sa kanilang sarili ay tumutulong din sa kanila na isipin ang kapakanan ng iba. Ito rin ang paraan kung paano turuan ng respeto ang bata. Ang paghikayat sa kanila na magtakda ng maayos na limitasyon sa mga tao sa murang edad ay nagtuturo sa kanila na magkaroon ng respeto sa ibang tao.
Teen Years
Ang teenage years ay maaaring maging isang pabagu-bagong panahon para sa mga magulang at mga anak. Kung ang pundasyon ay inilatag ng tama sa paglaki ng bata, mas madali ang pagdidisiplina kahit na ang teen years ay may mas mataas na risk ng pagiging rebelde. Ang mga kabataan ay patungo pa lamang sa pagtanda. Kaya mayroong isang inner conflict, na maaaring maging dahilan ng pagrerebelde ng iyong tinedyer.
Si Dr. William Doherty, ay isang therapist ng pamilya at may-akda ng aklat, Take Back Your Kids. Siya ay nagtataguyod na ang paminsan-minsang pagkagalit ay kinakailangan para sa mga magulang na ipakita ang kanilang awtoridad.
Ito ay kinakailangan lalo na kung ang teenager ay talagang hindi pinapansin ang mga mangyayari at pinipilit na sundin ang kanilang gusto.
Key Takeaways
[embed-health-tool-vaccination-tool]