Para sa mga magulang, ang potty training ay isang malaking milestone! Ngunit habang lumalaki ang mga bata, maaaring mahirap matukoy ang pinakamagandang oras para simulan ang potty training. Ang pag-aaral kung paano mag potty training sa isang paslit ay kailangan ng pasensya pati na rin ang kooperasyon sa pagitan ng bata at ng magulang. Kung sa tingin mo ay handa na kayo ng iyong toddler para sa next big step, simulan na ang training.
Handa na ba ang Aking Toddler sa Potty Training?
Karaniwan, ang mga bata, edad 18-24 na buwan, ay naghahanda para sa potty training. Gayunpaman, hindi lahat ng bata sa edad na ito ay handa na. Ang iyong toddler ay dapat handa na ang pisikal, mental, at ang pag-uugali ay handa rin para simulan ang bagong track na ito. Oras na para mag-potty train kung ang iyong toddler ay:
- Naglalakad at nakakaupo ng walang suporta
- Nakikipag-usap pati na rin nakakaunawa at nakakasunod sa mga simpleng direksyon
- Nagagawa ang mga simpleng gawain tulad ng pagliligpit ng mga laruan at damit
- Maaaring magsabi ng “oo” o “hindi” sa iyong mga ibinigay na gawain
- Marunong hilahin pataas at ibaba ang kanilang mga diaper o salawal
- Naiintindihan ang “potty words” gaya ng umihi, tae, o potty.
- Magagamit ang potty
- Mukhang interesadong pumunta sa banyo o gayahin ka kapag pumunta ka sa banyo
- Nagsisimulang hindi mahilig magsuot ng mga diaper dahil basa/nadumihan ang mga ito o sadyang hindi komportable
- May tuyong diaper nang humigit-kumulang isa o dalawang oras (na ang ibig sabihin ay kaya ng pigilan ang kanilang ihi, hindi tulad noong mga sanggol pa sila)
Hindi lahat ng mga sign na nabanggit ay dapat na nasa iyong anak. Pinakaimpotante pa rin ang kahandaan ng iyong toddler na magsimula ng potty training.
Paano Mag Potty Training ng Toddler
Bago pa man ang iyong sanggol ay ganap na handa sa potty train, mas mabuti kung dahan-dahan mong ipakilala ang iyong anak sa proseso. Narito ang ilang mga tip na maaaring gawin para sa isang mas madaling paglipat mula sa mga diaper patungo sa potty:
Planuhin ang simula ng iyong potty training
Bago ka magsimula ng potty training, siguraduhin na ang iyong pamilya ay walang mga lakad para sa bakasyon o mga pagtitipon na malayo sa bahay.
Kung gagawin ang potty training ngunit kailangan mong umalis sa bahay (marahil ilang araw o linggo), maaabala nito ang potty training.
Gayundin, maaaring magandang ideya na planuhin ang pagsisimula niya kung paano mag potty training bago ang malalaking pagbabago, tulad ng pagsisimula sa daycare.
Pumili ang gusto mong gamitin kung paano mag potty training ang iyong toddler
Gusto mo bang gumamit ng potty o gusto mong dumiretso sa banyo?
Ang isang potty ay isang mahusay na pagpipilian dahil sa mobility. Ito ay mas child-friendly din dahil sa taas at istraktura nito kung ihahambing sa totoong toilet.
Ang paggamit ng toilet, sa kabilang banda, ay isang mas advanced na paraan ng potty training ng isang paslit. Mas malaki ang mga toilet kaysa sa iyong sanggol, kaya’t maaaring nakakatakot ito sa kanila sa simula.
Upang magamit ang toilet, siguruhing may tamang kagamitan, tulad ng isang stepping stool at isang mas maliit na upuan na makakatulong sa safety ng iyong anak kapag gumagamit ng toilet.
Piliin ang iyong “potty words”
Pumili ng mga salita na magagamit ng iyong paslit kapag oras na “pumunta.” Gumamit ng mga salita tulad ng pag-ihi (umiihi), tae (pagdumi), o potty (pumunta sa banyo o gamitin ang potty).
Magkaroon ng potty schedule
Sanayin ang iyong toddler kung paano mag potty training sa mga partikular na oras sa isang araw. Halimbawa, paupuin siya sa potty tuwing umaga bago mag-almusal at pagkatapos ng bawat nap.
Tuturuan nito ang iyong anak na matuto kung kailan dapat mag-potty kahit na wala ka.
Bilang karagdagan, hayaang maupo ang iyong anak sa potty o banyo ng ilang minuto araw-araw para masanay.
Ipakita kung paano gamitin ang toilet
Ito ay awkward at kahit papaano ay hindi komportable pero mabilis matututo ang iyong toddler kung paano mag potty training. Natututo ang mga toddler sa pamamagitan ng paggaya, kaya pumunta sa banyo ng magkasama at ipaliwanag kung ano ang iyong ginagawa.
Tulungan ang iyong toddler
Kapag nakita mo ang iyong paslit na nakakrus ang mga paa o nakahawak at pinipindot ang kanyang genital area, ibig sabihin kailangan niyang “pumunta.” Tanungin ang iyong anak kung gusto niyang mag-potty, at dalhin ang iyong anak nang mabilis sa banyo. Makakatulong ito sa kanya na maging pamilyar sa pakiramdam na kailangang mag-potty.
Turuan ang iyong anak tungkol sa kalinisan
Kung ang iyong sanggol ay babae, turuan siyang punasan ang kanyang ari mula sa harap hanggang sa likod, at hugasan at tuyuin ito. Para sa isang batang lalaki naman, turuan siyang i-shake ang kanyang ari upang maalis ang labis na ihi at punasan para matuyo.
Kailangan mo ring turuan ang iyong sanggol kung paano hugasan ng maayos ang kanilang mga kamay pagkatapos mag-potty.
Huwag pilitin ang iyong anak mag-potty
Hayaan ang iyong anak na magpasya kung kailan gagamit ng potty o toilet. Ang pagpilit sa mga bata ay hahantong lamang sa mas maraming problema at paglaban.
Bihisan ng komportable ang iyong anak
Ang mga damit na madaling hilahin pataas at pababa ay pinakamainam sa potty training. Iwasan ang mga damit na mahirap hubarin, tulad ng mga overalls at onesies na may mga snap sa pundya. Ang mga damit na ito ay mahirap tanggalin, lalo na kapag ang iyong anak ay kailangang mag-potty.
Magbigay ng rewards
Subukang gumawa ng potty board na puedeng lagyan ng mga sticker ng iyong anak pagkatapos matagumpay na pumunta sa potty. Ito ay motivation sa kanya na ipagpatuloy kung paano mag potty training at tulungan madama na mahusay ang kaniyang ginagawa.
Ginagawa ng bawat bata ang kanilang makakaya upang dahan-dahang maging independent. Sa simpleng pagkilala sa mga pagsisikap ng iyong anak, makakatulong ito na maging mas handa at matututo ng higit pa.
Ang mga maliliit na bata ay mahihirapan pa rin sa potty training sa gabi. Malamang na masasanay ang iyong anak sa pagtulog ng hindi binabasa ang kama sa edad na 5 hanggang 7. Kung gusto mong subukan ang potty training sa iyong anak sa oras ng pagtulog, gumamit ng waterproof bed cover kung sakaling magkaroon ng aksidente.
Mga Kahirapan sa Potty Training
Ang pagsasanay sa potty ay isang hamon para sa iyo at sa iyong anak. Maaaring mangyari ang mga aksidente dahil pareho kayong nasasanay sa proseso. Para matulungan ang iyong sarili at ang iyong anak na makapag-adjust nang maayos, at gawing mas maayos ang paglipat hangga’t maaari, narito ang maaari mong gawin:
Laging may ekstrang damit. Ang karagdagang damit ay makakabawas ng iyong mga alalahanin kapag nagsasanay sa potty.
Hayaang tumulong ang iyong anak. Pagkatapos ng isang aksidente, hayaan ang iyong anak na tulungan kang maglinis. Ito ay magtuturo sa kanya na maging mas may kamalayan sa kanilang mga aksyon. Ang paglilinis ng kalat ay magtuturo din sa iyong anak na ang pag-ihi at pagdumi ay dapat gawin sa potty o banyo.
Manatiling kalmado at maging matiyaga. Kapag may aksidente, huwag pagsabihan ang iyong anak. Sa halip, aliwin at ipaalam na okay lang na magkamali. Maaari nilang pagbutihan sa susunod na pagkakataon.
Key Takeaways
Ang pag-alis ng diaper ay isang mahalagang milestone na inaasahan ng maraming mga magulang. Kung paano mag potty training sa isang paslit ay maaaring mahirap, ngunit ang kailangan mo lang gawin ay maging supportive at magtiwala sa iyong anak sa buong proseso. Maaaring magtagal ang pagsasanay sa potty (ilang linggo o kahit buwan), ngunit sa huli, makakamit mo at ng iyong toddler ang independence.
[embed-health-tool-vaccination-tool]