backup og meta

Paano Mag-Motivate ng Bata: Mga Tips para sa Magulang

Paano Mag-Motivate ng Bata: Mga Tips para sa Magulang

Bawat magulang ay hinihintay ang sandaling magsisimula na sa pagpasok sa paaralan ang kanilang anak. Puno ang kanilang isip na ang kanilang anak ay magiging mahusay sa paaralan at uuwi na mayroong stamped ng star sa kamay. Ano ang mangyayari kung ang bata ay hindi motivated sa pag-aral? Dahil dito, “Paano mag-motivate ng bata?” ang palaging katanungan ng mga magulang.

Paano Mag-Motivate ng Bata Gamit ang 7 Learning Styles

Ayon sa edukador na si Neil Fleming, mayroong 7 learning styles, at ang bawat bata ay natututo sa iba’t ibang paraan. Ang mga styles na ito ay:

  • Visual o spatial
  • Verbal o Linguistic
  • Aural o Auditory-Musical
  • Pisikal o Kinesthetic
  • Lohikal o Matematikal
  • Social o Interpersonal
  • Solitary o Intrapersonal

Ang ibang mga bata ay natuto sa iisang istilo lamang habang ang iba ay maaaring kombinasyon ng dalawa o higit pang istilo sa pagkatuto. Ang pag-alam sa kung paano natututo ang iyong anak ay susi upang mapataas ang motibasyon ng iyong anak sa pagkatuto. Halimbawa, ang bata na pisikal/kinetic ay maaaring matuto magbilang nang mas mabilis kung hahayaan mo siyang mag-jumping jacks habang sumisigaw ng “isa, dalawa, tatlo…” kada pagtalon.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ang Social/Interpersonal na bata ay matutuwa na matuto ng mga aktibidad kasama ng mga kaibigan niya habang ang Solitary/Intrapersonal ay mas matututo ng online lesson nang mag-isa. Kung malalaman mo kung paano natututo ang iyong mga anak, maibibigay mo ang akmang aktibidad o programa upang manatili silang motivated na mag-aral. Ito ang unang susi upang humanap ng epektibong paraan upang mapataas ang motibasyon sa pagkatuto ng bata.

Paano Mag-Motivate ng Bata na Matuto?

1. Makinig, Huwag Manghusga

Ang mga bata na hindi motivated na matuto ay maaaring nakatatanggap ng maraming panghuhusga mula sa mga magulang, guro, o iba pang mga magulang, o mga kaibigan nila. Maaari nilang marinig ang mga bagay tulad ng “tamad,” “lutang,” o kahit ang “tanga.” Hindi mamo-motivate ang bata na mas husayan kung marinig ang mga salitang ito. Ang mga magulang ay kinakailangan na matuto kung paano kausapin ang bata na naniniwalang hindi siya matalino, at makinig huwag manghusga kung ano man ang sabihin sa kanila ng kanilang anak. Ang panghuhusga ay nakasasagabal lamang na mapataas ang motibasyon ng bata sa pagkatuto.

Kung mahihikayat mo ang malusog na pakikipagkomunikasyon at makagagawa ng solusyon nang magkasama, mararamdaman ng bata na nariyan ka para ka sa kanila, na chine-cheer sila, at ito ay makapanghihikayat sa iyong anak na matuto.

2. Ipagdiwang ang Maliit na Tagumpay

Kung ang iyong anak ay nagtagumpay sa kahit na anong bago, ipagdiwang ito. Sabihin sa kanya na mabuti ang ginawa niya. Ipaalala sa kanya ang mga bagay na hindi niya kayang gawin noon at ngayon ay napagtagumpayan niya na. Sabihin sa kanya na ipinagmamalaki niyo sila sa kanilang nagawa. Gustong-gusto ng mga bata ang balidasyon. Nakatutulong ito na mapataas ang motibasyon sa pagkatuto ng bata.

Hindi dapat ito ikalito sa gantimpala-parusa na sistema. Huwag na huwag silang parusahan sa pagiging bigo kung sinubukan nila dahil ang mga bata ay matututong katakutan ang pagkabigo. Hindi ito maganda dahil magsisimula silang hindi na sumubok dahil hindi nila gustong mabigo.

3. Magsagawa ng Mainam na Pag-uugali sa Pag-aaral

Turuan ang iyong anak na magkaroon ng magandang pag-uugali sa pag-aaral. Magtalaga ng akmang lugar para sa pag-aaral para sa iyong anak sa loob ng bahay upang mabawasan ang distraction. Ipakita sa kanya ang kahalagahan ng break sa pag-aaral at magplano nang magkasama upang mabawasan ang stress.

Kung nauunawaan ng mga bata na may tiyak na paraan na maaari nilang sundin upang makapag-aral nang matagumpay ayon sa kanilang istilo sa pagkatuto, hindi ito nagiging utos para sa kanila at mas nakikita nila itong panahon ng pag-aaral na maaari nilang araw-araw na mae-enjoy.

4. Dagdagan ang Pagbabasa, Bawasan ang Pag-scroll

Kung nakikita ng mga bata na ang mga matatanda ay nagbabasa, nagiging curious sila sa mga libro. Ang mga libro ay hindi lamang mabisang batayan ng mga impormasyon, ito rin ang nagbibigay ng malawak na imahinasyon sa mga bata. Kung ano ang natututuhan nila mula sa mga libro ay nagdudulot ng curiosity at panghihikayat sa kanila upang matuto pa ng iba’t ibang bagay.

Hikayatin ang iyong mga anak na mahalin ang pagbabasa. Ito ang pinaka mabilis na paraan upang mapataas ang motibasyon na matuto. Ang batang nagbabasa ay nais matuto ng mga bagong bagay.

Bawasan ang oras sa screen at gawin ang oras sa pagbabasa na parte ng bonding ng pamilya. Maaari itong gawin sa hapon matapos magtanghalian o bago matulog, kung maaari isa o dalawang magulang ang magbasa sa kanilang anak o gabayan ang kanilang anak upang pumili ng babasahin.

5. Bumuo ng Sumusuportang Sistema

Kung ang bata ay hindi motivated na matuto, minsan ang magulang ang huling tao na gusto nilang makarinig ng panghihikayat dahil takot silang makarinig ng pagiging dismayado mula sa mga magulang nila. Sa halip na nakadaragdag ng pressure, maaari kang humanap ng mentor sa porma ng mga nakatatandang mag-aaral, kapatid, o guro na komportable ang bata na makasama. Humingi ng tulong sa kanila na hikayatin ang kanilang anak na matuto at mag-aral ng mga bagong bagay.

6. Work Hard, Play Hard

Isang rason na ang mga bata ay walang motibasyon na matuto dahil iniisip nila na nawawalan sila ng oras sa paglalaro. Karagdagan sa pagpapakita sa kanila ng kahalagahan ng pag-aaral maigi, maaari mo ring ipakita sa kanila na kung ano angnatutuhan nila ay lalong makapagpapasaya sa kanila sa paglalaro.

Halimbawa, ang pagtuturo ng laws of physics ay maaaring maging mas mahusay sila sa sports, ang pagkatuto sa math ay maaaring maging mas masaya sila sa pagluluto, at ang pagkatuto ng kasaysayan ay maaaring mapahalagahan nila ang video games na pakikipaglaban. Sa paglalaro nang mas maigi, matututuhan nilang mas maging masaya sa pag-aaral. Siguraduhin din na maayos silang nabibigyan ng nutrisyon. Ang mga bata ay mas natututo kung ang kanilang tiyan ay may laman.

Ito ang paraan upang mapataas ang motibasyon ng isang bata nang mas epektibo. Kung tuturuan mo sila ng kahalagahan ng parehong mundo, makikita nila ang kahalagahan ng pagkatuto at paglalaro.

7. Maging Cheerleader ng Anak

Minsan ang ating magandang intensyon ay maaaring makainis sa bata. Gusto nating parusahan sila upang gumawa nang mas maayos. Tandaan na kailangan mong maging cheerleader, gabayan at hikayatin sila sa isang tabi ngunit hindi isang helicopter na paikot-ikot sa taas nila, na ginagwardiyahan ang bawat pagkilos. Ang palaging pag-aligid ay magkakaroon ng baliktad na epekto, na magiging mas hindi sila motivated na matuto.

Maraming mga paraan upang matulungan ang mga bata kung paano pataasin ang motibasyon sa pagkatuto. Ang mahalaga ay ikaw, bilang isang magulang, alamin ang magiging akma at hindi para sa iyong anak at magdesisyon ng planong aksyon nang magkasama. Kung ang mga bata ay gumawa ng desisyon kasama ka, mas nanaisin nilang sumubok pa lalo dahil alam nila na pareho kayong nagnanais ng makabubuti para sa kanila.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 The Seven Learning Styles,   https://www.inspireeducation.net.au/blog/the-seven-learning-styles/  – May 13, 2020

12 Strategies to Motivate Your Child to Learn,   https://www.educationcorner.com/motivating-your-child-to-learn.html – May 13, 2020

10 Ways to Motivate Your Child to Learn, https://www.scholastic.com/parents/school-success/10-ways-to-motivate-your-child-to-learn.html – May 13, 2020

How to Help Your Child Get Motivated in School, https://childmind.org/article/how-to-help-your-child-get-motivated-in-school/ – May 13, 2020

How To Keep Your Child Motivated When Studying: 11 Tips For Parents, https://www.oxfordlearning.com/how-to-stay-motivated-to-study/ – May 13, 2020

10 Guaranteed Ways to Motivate Your Children to do Well in School – https://www.daniel-wong.com/2019/05/13/motivate-children-to-do-well-in-school/ – May 13, 2020

10 Ways to Motivate Your Child to Do Better in School , https://www.education.gov.gy/web/index.php/parenting-tips/item/2048-10-ways-to-motivate-your-child-to-do-better-in-school – May 13, 2020

Kasalukuyang Version

06/15/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement