Otitis media, ang scientific name para sa middle ear infection, ay isa sa karaniwang rason bakit dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa klinika o ospital. Ang katotohanan ay, lahat ay maaaring magkaroon ng ear infection, ngunit mas karaniwan ito sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 3 taon. Sa 6 na mga bata, 5 ang maaaring magkaroon ng otitis media isang beses man lamang bago mag ikatlong taon na kaarawan. Dahil ito ay napaka karaniwan, mahalaga na maging maalam sa mga hakbang paano gamutin ang ear infection sa mga bata.
Ano ang Ear Infection?
Parte ng pag-alam paano magagamot ang impeksyon sa tenga sa mga bata ay ang pag-unawa kung ano ang ibig sabihin ng kondisyon. Kapag sinabi nating “ear infection,” ang pinag-uusapan natin ay ang biglaang impeksyon sa gitnang tenga. Kung iniisip mo kung saan sa parte ng iyong gitnang tenga, ito ay ang espasyo sa likod ng eardrum.
Bagaman ang ear infection ay nawawala nang kusa, mahalaga na madala ang iyong anak sa doktor. Ang doktor ay malamang na magbibigay sa iyong baby ng gamot upang mawala ang sakit, at kung kailangan, ilang antibiotics.
Sa huli, kukumpirmahin ng doktor kung ang infection ay nawala na.
Ang mga Sanhi ng Ear Infection
Bago alamin kung paano gamution ear infection sa mga bata, mahalaga na malaman muna ano ang mga sanhi nito.
Acute Otitis Media
Sa karamihan ng mga bata, nangyayari ang acute otitis media matapos ang respiratory na kondisyon. Halimbawa, maaaring magkaroon ang bata ng ear infection matapos magkaroon ng sipon. Nangyayari ito sa dalawang paraan.
- Ang virus o bacteria ay mapupunta sa gitnang tenga sa pamamagitan ng pagdaan sa Eustachian tube. Ito ay ang tube na kumokonekta sa likod ng lalamunan papuntang tenga.
- Ang virus o bacteria ay maaaring maging sanhi ng pamamaga sa Eustachian tube. Kung namamaga ang tube, ang fluid sa gitnang tenga, na normal na drained, ay nakabara. Ang viruses at bacteria ay mai-infect ang naharangan na fluid, na sa huli ay nagiging sanhi ng infection.
Hindi rin nakatutulong na ang tube sa mga bata ay mas maikli at kaunti ang sloped kumpara sa mga matatanda. Mas nagiging madali para sa tube na magbara dahil hindi kaagad nade-drain ang fluids; binibigyan din nito ng daan ang bacteria at viruses na makapasok nang mas madali sa gitna.
Otitis Media with Effusion
Ang acute otitis media with effusion ay tipikal na nangyayari matapos ang acute ear infection.
Sa pangyayaring ito, ang infection ay nawala at ang sintomas ay hindi na nararamdaman. Gayunpaman, ang fluid ay nananatiling nakabara sa loob ng tenga. Ang iyong doktor ay maaaring gumamit ng espesyal na gamit upang masuri ang eardrum at malaman kung mayroong natirang fluid.
Ang natirang fluid ay maaaring maging sanhi ng panandalian na pagkabingi at mas may posibilidad na mas madaling magkaroon ng iba pang impeksyon ang iyong anak.
Chronic Suppurative Otitis Media
Sa kondisyon na ito, ang ear infection ay hindi nawala kahit na gamutin o paulit-ulit na pagbalik ng fluid kahit na walang impeksyon.
Ito ay may katangian na patuloy na drainage ng gitnang tenga ng higit sa 2-6 na mga linggo. Ang mapanganib tungkol dito ay maaaring magkaroon ng butas sa iyong eardrum. Ang chronic ear infection ay karaniwang sanhi ng kawalan ng pandinig, mahinang kasanayang iskolastiko, at kapansanan. Bagaman bihira, maaari ding maging sanhi ng nakamamatay na impeksyon.
Ang pag-unawa paano malunasan ang ear infection sa mga bata ay makatataas ng tsansa ng pag-iwas nito sa panganib.
Paano Malalaman kung may Ear Infection ang Bata
Dahil nais nating malaman paano malulunasan ang ear infection sa mga bata, dapat muna nating malaman paano ito matutukoy. Masasabi mong ang iyong anak ay may ear infection kung sila ay:
- Patuloy na hinahatak ang tenga
- Nahihirapang makarinig
- Nahihirapan na tumugon sa mahinang tunog
- Laging umiiyak
- Makulit
- Hindi makatulog nang maayos
- Nagkaroon ng lagnat
- Naging malamya, o nagkaroon ng problema sa pagpapanatili ng balanse
- Mayroong tubig na lumalabas mula sa tenga
Karagdagan, obserbahan ang iyong anak kung siya ay may problema sa pagkain at pag-inom. Minsan, nawawala ang kanilang gana sa pareho. Dahil ito sa paraan ng pagnguya at pagsubo na nagiging sanhi ng sakit sa tenga. Sa huli, ang mga bata na may ear infection ay maaaring magkaroon ng pagtatae o pagsusuka. Dahil ito sa virus o bacteria ay maaari ding maaapektuhan ang gastrointestinal tract.
Paano Gamutin ang Ear Infection sa mga Bata
Ang magandang balita tungkol sa ear infection sa mga bata ay madali itong nawawala, minsan, kahit walang antibiotics. Siguraduhin na makipag-ugnayan sa iyong doktor upang magabayan ka sa proseso ng paglunas.
Sa loob ng ilang mga araw, ang sintomas ay mawawala, at sa loob ng isang o dalawang linggo lamang, ang iyong anak ay ganap nang magaling. Gayunpaman, ang pag-alam paano malulunasan ang ear infection sa mga bata ay mahalaga.
Ang lunas ay kadalasang kabilang ang:
- Hihintaying mawala. Dahil kadalasan ng ear infection ay nawawala nang kusa, titignan ng doktor kung ang bata ay hindi nasasaktan nang sobra. Kung hindi, maghihintay ang doktor ng 1 hanggang 2 araw upang bumuti ito nang walang lunas. Kung ang mga senyales at sintomas ay lumala, kailangan mong dalhin ang iyong baby sa doktor.
- Pag-inom ng antibiotics. Parte ng paraan ng paglunas sa ear infection sa mga bata ay ang pagrereseta ng antibiotics. Ang doktor ay iuutos ito, lalo na kung ang iyong anak ay katamtaman o malala ang lagnat na may temperatura na 30 degrees C o higit pa. Ang doktor ay mag-uutos din ng lunas na antibiotic kung ang baby ay labis ang sakit na nararamdaman at ang sintomas ay hindi humihina sa loob ng 48 oras. Ang antibiotics ay malamang na ibibigay kung mayroong bagong fluid sa ear canal.
- Gamot sa sakit. Kung nakita ng doktor na ang iyong anak ay labis na nasasaktan, maaari silang magreseta ng pain relievers sa porma ng ibuprofen o acetaminophen.
Kung matapos na tanggalin ang mga salik na nagpapataas ng pagkakaroon ng infection at siguradong hindi nagiging mabisa ang antibiotic na lunas dahil ang infection ay bumabalik, maaaring magrekomenda ang doktor ng operasyon na naglalagay ng maliit na tube sa eardrum upang maging mabuti ang daloy ng hangin at maiwasan ang pagbalik ng fluid. Kung hindi pa rin ito gumana, maaaring magrekomenda ang doktor ng adenoids removal, upang maiwasan ang impeksyon mula sa Eustachian tube.
Paano Maiiwasan ang Ear Infection sa mga Bata
Maaari mong gawin ang mga sumusunod upang maiwasan ang otitis media:
- Kung posible, ipagpatuloy ang pagpapasuso sa iyong baby. Ito ay nakapagpapataas ng kanilang immune system laban sa ibang impeksyon.
- Huwag i-expose ang bata sa amoy ng sigarilyo. Maaaring lumala ang infection nito.
- Panatilihin updated ang kanilang immunization. Ang ibang bakuna ay makatutulong upang maiwasan ang ear infection. Iminumungkahi ng mga eksperto sa medikal na dapat silang magkaroon ng taunang bakuna laban sa flu. Ang pneumococcal vaccines ay makatutulong din mula sa ibang uri ng infection-causing bacteria.
- Huwag hayaan na uminom ang baby habang nakahiga. Hawakan sila sa isang anggulo. Makatutulong din kung papalitan mo ang pag-inom niya ng gatas sa bote papuntang baso kung sila ay tumuntong ng isang taon.
- Maging maingat sa pacifiers. Bagaman maaari silang gumamit ng pacifiers, huwag mong hayaang gamitin nila nang madalas dahil mas mapadadali nito ang secretions sa lalamunan upang makapasok sa gitnang tenga, na nagpapataas ng banta ng impeksyon.
- Hugasan ang kanilang kamay. Ito ay isang mahalagang hakbang kung paano malulunasan ang ear infection sa mga bata. Ang paniniguro na ang kanilang mga kamay ay malinis ay makaiiwas sa pagkalat ng germs. Maaari din nitong maiwasan ang pagkakaroon ng ear infection.
Kailan Pupunta sa Doktor?
Kung naghihinala ka ng ear infection, dapat kang bumisita sa doktor. Gayundin kung napansin mo ang mga sumusunod:
- Ang sintomas ay tumagal higit sa 24 oras.
- Ang bata ay may lagnat nang higit sa 48 oras.
- Sobrang sakit ng tenga ng bata, kahit na uminom ng pain reliever.
- Nanatili ang sakit sa tenga matapos ang 2 araw na uminom ng pain reliever.
- Paulit-ulit na sumusuka ang bata.
- Siya ay sobrang inaantok at iritable.
- Mayroong pamamaga sa likod ng tenga.
- Nagkakaroon siya ng skin rashes.
Ang ear infection ay napaka karaniwang kondisyon sa mga bata. Bagaman, napaka karaniwan, ang mga magulang ay kinakailangan ng kaalaman sa kung paano malulunasan ang ear infection sa mga bata. Ito ay makapipigil ng simula ng panic kung ang iyong anak ay nagkaroon ng ilan o lahat ng sintomas ng otitis media.
Matuto pa tungkol sa Parenting dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]