Napakahalaga na mga bakuna sa pagpapanatili ng kalusugan ng isang baby. Dahil pinoprotektahan sila ng bakuna sa mga malubha at potensyal na nakamamatay na sakit na maaaring magdulot ng mga komplikasyon, gaya ng pneumonia, meningitis, at matinding pagtatae.
Ayon pa sa mga pag-aaral ang mga bakuna ay naglalaman ng “weakened o inactive versions ng germs” na nagdudulot ng mga sakit na nabanggit, na nagpapasigla o stimulate sa immune system ng baby na gumawa ng immune response. Kung saan, ang immune response na ito ay tumutulong sa katawan ng baby na makilala at labanan ang mga sakit na ito kung sila ay ma-expose sa mga ito sa hinaharap.
Bukod pa rito, ang mga bakuna ay napatunayang ligtas at mabisa sa pagpigil sa maraming mga nakakahawang sakit, at ang mga ito ay mahalagang bahagi ng pagtiyak ng kalusugan at kagalingan ng mga baby at komunidad.
Gayunpaman, sa kabila ng mga positive effect ng vaccine kay baby, hindi pa rin maiwasan na mag-alala ang mga magulang sa kanilang anak. Karaniwan, nakakaranas ng lagnat ang mga baby na bagong bakuna. Kaya’t napakahalaga na malaman ng magulang ang mga dapat gawin pagkatapos ng bakuna ni baby, upang mabawasan ang pag-aalala at matulungan ang anak na makaramdam ng ginhawa.
Mga dapat gawin pagkatapos ng bakuna ni baby
Narito ang mga bagay na pwede mong gawin pagkatapos ng bakuna ni baby:
- Obserbahan si baby
Pagkatapos ng bakuna, dapat obserbahan ng mga magulang si baby para sa anumang mga reaksyon o epekto. Ang pinakakaraniwang side effect ng bakuna sa sanggol ay pagkakaroon ng lagnat, pagiging iritable, at pananakit sa parte ng katawan kung saan binakunahan.
Kung ang iyong baby ay makaranas ng anumang malubhang side effects gaya ng lagnat na hindi napapawi o humuhupa, dapat na makipag-ugnayan ka kaagad sa isang healthcare provider.
- Bigyan sila ng comfort
Kapag si baby ay nakakaranas ng anumang discomfort o pananakit sa lugar ng injection, maaari tayong magbigay ng comfort sa kanila. Pwede itong gawin pamamagitan ng paglalagay ng malamig, o damp cloth sa kanila, para makatulong sa pagbibigay ng pain reliever sa baby.
- Subaybayan ang vaccine tract
Dapat subaybayan ng mga magulang ang mga talaan ng bakuna ng kanilang baby, kasama ang petsa ng bakuna, at ano ang uri ng bakuna na ang naiturok sa anak. Isa itong mabuting hakbang para masigurado ang kaligtasan ng anak.
- Mag-iskedyul ng follow-up appointments
Maaaring idepende sa bakuna, at kalubhaan ng side effects ng bakuna sa baby ang follow-up appointments. Tandaan na dapat mag-iskedyul ang mga magulang ng anumang kinakailangang follow-up na appointment gaya ng inirerekomenda ng kanilang healthcare provider.
- Practice good hygiene
Para makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit at hindi mahawaan ng anumang sakit si baby, ang mga magulang ay dapat magsagawa ng proper hygiene, kabilang ang madalas na paghuhugas ng kanilang mga kamay at pagtakip ng kanilang mga bibig kapag sila ay umuubo o bumahin.
Maaari kasing mas mahina si baby sa mga panahon na nakakaranas sila ng side effects ng bakuna. At sa pangkalahatan, mahalaga para sa mga magulang na makipagtulungan nang malapit sa kanilang healthcare provider upang matiyak na natatanggap ng kanilang baby ang mga naaangkop na pagbabakuna, at matalakay ang anumang mga alalahanin o tanong na maaaring mayroon ka.
Dapat mong tandaan sa bakuna bilang magulang
Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang mga dapat gawin pagkatapos ng bakuna ni baby ay mahalaga para sa pagtiyak ng kanilang kalusugan at kagalingan. Huwag rin kakalimutan na ang pag-unawa sa mga potensyal na epekto ng bakuna, pagsubaybay sa iyong anak para sa anumang masamang reaksyon, at pag-follow up sa anumang inirerekomendang booster shot o karagdagang pagbabakuna ay importanteng gawin. Mahalaga rin na manatiling may kaalaman tungkol sa mga pinakabagong rekomendasyon at alituntunin ng bakuna mula sa mga healthcare provider, at public health organization, para maiwasan ang fake news at makuha ng baby ang angkop na bakuna. Makakatulong din ang pagiging maagap at pagkakaroon mo ng kaalaman tungkol sa status ng pagbabakuna ng iyong anak para protektahan sila mula sa malalang sakit, at makapag-ambag ka sa pangkalahatang kalusugan ng iyong komunidad.
[embed-health-tool-vaccination-tool]